CHAPTER 20

42.5K 1.7K 871
                                    

Chapter 20

[For this chapter, you can listen to Paramore's Only Exception]

Panay ang hila ko sa palda ko pababa at kinakabahan ako. Tonight I'll meet Florence's grandfather, Terrencio Dela Mar Sr. at labis ang kabang nararamdaman ko. Naging conscious ako sa suot ko although I wore my best Sunday blouse and skirt pero pinagtawanan lang ako ni Kuya. Saan daw ang simba, gago talaga. He got me covered again on my parents kaya walang problema.

"You okay?" tanong ni Florence nang huminto ang motor niya sa malaking bahay.

I nodded few times which made him laugh as he brushed off a kiss on my cheek. "Relax baby, si Lolo ang pinakamabait na taong makikilala mo."

That doesn't help me feel better dahil mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. 'Yan! Ganyan ang sinasabi sa mga palabas at nobelang nababasa ko. Mabait daw tapos hindi naman pala. No, I don't want that to happen.

Holding my hand, he walked towards a huge house. May munting lungkot sa puso ko nang makita ang bahay nila. Napakalaki niyon kumpara sa bahay namin na hinuhulugan ng mga magulang ko sa subdivision. Our house was enough for a family of four but from the outside, you can feel the warm and love that surrounds it.

Ang malaking bahay nila ay tila kay lungkot. The lights were off on the upper parts of the house, a sign that no one was there. Nakaparada ang dalawang sasakyan sa gilid ngunit halata ang alikabok doon.

The terrace was even lonelier, there was an old man's swing and a rocking chair on the side. Pagbukas ni Florence sa pinto ay sinalubong ako ng mabangong amoy.

"The buco pie must be cooked by now," nakangiting wika ni Florence at iginiya ako papasok. Walang kabuhay-buhay ang loob ng bahay kahit kompleto iyon sa kagamitan. Mayroong malaking TV sa harap pero bakante ang mga mesa sa gilid maliban sa mga libro. The cabinet's top were empty too and I cannot help but compare it on our own. Sa bahay ang sikip ng mga table at cabinet top dahil sa dami ng mga picture frames namin samantalang wala sa kanila maliban sa isang picture ng bata na nasa crib. Maliwanag ang sala ngunit madilim paakyat sa hagdan.

Florence guided me towards the dining room kung saan may matandang lalaki na nakasuot ng apron at naglabas ng pie sa malaking oven.

"Lolo, nandito na kami."

Napatingin sa amin ang matandang puti ang buhok at ngumiti. "Nandito na pala kayo. Ikaw ba si Alice?"

"Lolo!" protesta ni Florence.

His grandfather laughed at tinanggal ang potholder sa kamay. "I'm just kidding. Magandang gabi Laury."

“Magandang gabi rin po,” sagot ko at nagmano sa kanya.

“Sige, upo na kayo at nang makakain tayo.”

The table was actually too long for three people to eat. Nang makaupo kami ay sinipa ko ang paa ni Florence sa ilalim at pinanlakihan siya ng mata. He suppressed his laughter at bumaling sa kanyang lolo.

“Lolo you have to explain to her who is Alice or your handsome grandson might become single after dinner,” sabi niya na ikinatawa ng kanyang lolo samantalang halos mamula ako. Aba, sinabi pa talaga!

Terrencio Dela Mar Sr. or Lolo Terrence as what he wanted to be called laughed hard. “Alice is Florence’s girlfriend.”

“Lolo!”

“Let’s eat first,” sagot ng kanyang Lolo at naglagay ng pagkain sa plato ko. My response were awakward ‘thank you po’ dahil nahihiya ako. He started asking me light questions as we eat gaya ng kung paano kami nagkakilala ng apo niya o kung pinapasakit ba nito ang ulo ko.

FLORENCE AND LAURY (Completed)Where stories live. Discover now