CHAPTER 2

55.2K 2.4K 619
                                    

Chapter 2

Nag-ala ninja ako sa pagpasok sa gate ng school. Left, right-- the coast is clear. Gugulong sana ako papasok but of course, I didn't. That would be hilarious and dumb. Inayos ko ang suot na dark glasses at pinalantsa ang uniform ko sa likod gamit ang mga kamay. Isang hakbang na lang at makakalampas na ako sa gate ngunit bigla na lamang akong hinarang ng nakabusangot na guard.

"Bakit naka-shades ka?" tanong niya.

I forced a smile at humigpit ang pagkakahawak ko sa backpack ko. Mama naman, bakit siya pa talaga ang guard na naka-assign ngayon? Tatlo ang guard ng school, 'yong isa si Tsip Easy dahil mabait. 'Yong pangalawa si Tsip Moderate dahil medyo masungit pero mabait pa rin. Siya naman si Tsip Difficult. Masama ang ugali, panot, feeling may ari ng school, nakakainis.

Sarado ang malaking gate kaya sa pang-isahang tao na gate dumadaan ang lahat.

"Tumabi ka nga rito," sabi ni Tsip Difficult at lumabas sa lungga niya. "Tanggalin mo ang shades mo. Naka-uniform ka at naka-shades?!" Gusto ko sanang sumagot na ano ngayon? Tumabi ako dahil nagkaka-traffic jam na sa entrance. Hindi naman iyon nakasaad sa student handbook na bawal magsuot ng dark glasses, ah? Hindi na ako sumagot pa at akmang tatanggalin ang shades ko ngunit bigla akong nanigas nang nasa likuran ko na si Florence.

Mama, si Florence!!!

"Hoy, tatanggalin mo ba ang shades mo o kukunin ko ang ID mo?" banta ni Tsip Difficult. Hinawakan niya ang ID ko at binasa ang pangalan ko. "Abella, Lau--"

I grabbed my ID from him at nakiramdam. Nasa gilid ko si Florence at tila may hinihintay. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin at sa labas ng school. Bakit ba hindi na lang siya pumasok?! Nagbago ang isip ko na tanggalin ang shades ko! No way! Makikita niya ang mukha ko.

Mukha lang naman akong panda. My eyebags are heavy and black. Pagkatapos kasi ng 'Goodnight Fleri' niya with a <3, akala ko ay sweet slumber na. I was wrong because I didn't get to sleep even for a second. Anong drugs ba meron ang text niyang iyon to the point na hindi ako makatulog ng kahit isang segundo?

"Tsip, may sore eyes ako!" bulalas ko. I thought it was the best solution that I could ever think of ngunit natigilan ako nang napatigil din ang mga pumasok sa gate. Ilang sandali ay kaagad silang lumayo sa akin. Kahit si Florence! Lumayo siya ng isang hakbang! At pati ang pesteng guard, umatras din!

"Ganoon ba? Umuwi ka na lang kaya, baka marami pa ang mahawa sa 'yo," sabi ng guard. Hindi ko alam kung concern lang ba siya or what.

"No, okay lang po may shades naman ako." I really regretted what I said! Lumayo si Florence! Si Florence ko!

"Sige pasok ka na."

Saka lang ako tila nakahinga nang maluwag. I took a glance at Florence who was still standing near the entrance. Hindi naman siya siguro alam na ako si Laury, 'di ba? I sighed heavily as I watched him. Mayamaya ay tila sumigla siya. Sinundan ko ng tingin ang kanyang mga mata at bigla akong nag-panic nang makita si Fleri!

Akala ko ay lalapitan siya ni Florence ngunit hindi. He just silently walked behind her pero shit, ang ganda ng ngiti niya habang nasa likod siya ni Fleri. I immediately hide behind a tree nang malapit na sila sa akin.

If Fleri will see me, I'm doomed. She's the kind who will shout my name whenever she sees me. Nang lumampas sila sa akin ay saka lang ako tila nakahinga nang maluwag. I saw Florence got his phone and typed something. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ko kaya agad ko iyong tiningnan.

FB❤❤❤:
Good morning!

Natampal ko ang noo at napatingin sa kanya. He really believes I'm Fleri?! Napatingin din ako kay Fleri. She suddenly stopped walking and got her phone from her pocket. She giggled as she read a message before she returned her phone on her pocket. Alam kong nakita ni Florence iyon and he was smiling ear to ear!

FLORENCE AND LAURY (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora