CHAPTER 3

48K 2.5K 1.6K
                                    

Chapter 3

Guilt is slowly consuming me. Habang nagle-lecture sa harap ang guro ay hindi ko maalis sa isipan si Florence. He still doesn't believe that I am not Fleri. Bakit ba kasi ayaw niyang maniwala? Sino ba ang reliable niyang source? Hindi siya reliable!

I was tempted to go with the flow and enjoy the moment pero nagdadalawang isip ako. Kapag ganoon ang gagawin ko, nagsisinungaling na ako sa kanya kahit hindi pa kami!

And I made up my mind. I will convince him that I am not Fleri and hopefully kayanin ng powers ko.

Nang uwian na ay hinintay ko sa labas ng campus ang kuya ko. He will drop by to give me a ride. Habang nasa daan ay si Florence pa rin ang laman ng isip ko. Nag-iisip ako ng mga paraan kung paano ko mapapatunayan sa kanya na  hindi ako si Fleri.

I figured out meeting him personally is a no-no. Baka hindi ako makapagsalita o ‘di kaya ay magmukha lang akong tanga. That would be a major turn-off.

Video call isn't even an option. Hindi lahat telegenic! Ang pangit ko nga sa picture, mas lalo na sa video!

Napansin kong papalapit sa exit si Florence kaya bigla akong nag-panic. I hid myself at the crowd of students leaving the campus. Bigla akong napaisip. This is an opportunity for me to tell him the truth.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko iyong ini-check.

Kuya:
commute ka na
lang pauwi... angkas ko
gf ko

Napasimangot ako. Nakakainis naman! Tipid na sana sa pamasahe, eh! I sulked on the side and before I keep my phone on the side, another message arrived.

FB❤❤❤:
pauwi ka na?

I battled with myself whether magre-reply ako o hindi. Sa huli ay napagpasyahan kong mag-reply.

Me:
Hindi talaga ako
si Fleri. if u want
I'll prove it to u


FB❤❤❤:
ok. see u sa court
in 2 minutes

Nanlaki ang mga mata ko. Alam niyang nasa school pa rin ako? Hinanap ko siya sa gate ngunit wala na siya roon.

Shit, I'll really meet him! Kailangan ko siyang harapin! Nagtatalo ang kalooban ko pero, mama, chance ko na 'to! I counted every steps until I found myself in front of the basketball court.

I found him sitting on one of the side benches, spinning his phone on his hand. I took some steps forward and he probably felt my presence kaya nag-angat siya ng tingin. Then he smiled widely as he stood up.

"So it's you!" bulalas niya at lumapit sa akin. Mayamaya ay bigla siyang napaatras. "Hindi ba may sore eyes ka?"

I almost choked. Sabi ko na nga ba narinig niya kami ni Tsip Difficult kanina, eh! "That was a lie. Medyo namamaga lang talaga ang mata ko."

"I see," sagot niya. Hinubad niya ang puting polo and tossed it on the bench kung nasaan ang kanyang bag. Pinulot niya ang bola na nasa gilid at nagsimulang mag-dribble.

"Naniniwala ka na? I keep on telling you pero ayaw mong maniwala," sabi ko sa kanya. Thank God I'm not stuttering right now.

Nakangiti siya habang nagdi-dribble. "At first, ayaw kong maniwala pero kanina sa canteen, akala ko siya ang ka-text ko nang tumayo siya at yumuko sa ilalim ng mesa."

I made a face. That was me under the table but I won't tell!

"I figured out it was you. Anong ginagawa mo sa ilalim ng mesa?" natatawang tanong niya. Buti na lang nasa bola ang tingin niya! Baka makita niya ang pamumula ko!

FLORENCE AND LAURY (Completed)Where stories live. Discover now