CHAPTER 4

49K 2.3K 2.1K
                                    

Chapter 4

I almost got scolded when I told my mom I'm not eating breakfast. Maaga pa naman ngunit kailangan kong magmadali but Papa was there. He gave me a scary glare and that was enough for me to took some spoonful of rice and two hotdogs.

Si Kuya naman ay nainis dahil ginising ko pa siya. He said I woke him up 30 minutes earlier than the usual sched na ihahatid niya ako sa school.

Ayaw kong ma-late! Syempre, magpapa-impress ako kay Florence. Not that ayaw ko siyang ilibre, gusto ko lang na siya ang manlibre.

"Thanks, Kuya!" nagmamadaling sabi ko at bumaba sa motor niya. His sleepy eyes scanned me for a while.

"Hoy, Laury! Magtapat ka nga, bakit ka nagmamadali?"

"M-may activity kami, Kuya! May kailangang i-polish na activity sa first period." Oops, sorry bro, white lies.

"Bukas zipper ng saya mo sa gilid," sabi niya at nagpaalam na.

Pucha, bukas nga. Sa kamamadali ko 'to eh! Inayos ko ang backpack at tiningnan ang sapatos. I fixed my skirt before I walked towards the gate kung saan nakatayo si Tsip Easy. Hay salamat naman.

"Hey, you're late."

"Ayy betlog mo kalbo!" Napahawak ako sa bibig ko nang makitang tumatawa si Florence habang nakatayo sa gilid ng guardhouse. And he just heard my worst reaction sa tuwing ginugulat ako!

"Grabe ka, nakita mo ba?" biro niya.

Shit mama ang fresh niyang tingnan! Bukas ang butones ng kanyang polo pero at least, puting shirt ang nasa ilalim. Wala siyang ibang alahas sa katawan maliban sa suot niyang itim na wristwatch.

"Sorry," sabi ko. "Ginulat mo kasi ako." Pero shit talaga, nagwa-warm up na naman ang puso ko kung sakaling anuman ang sasabihin niya ngayon.

"Sorry din kung nagulat kita but you're," he paused and looked at his watch. "12 minutes late. I arrived earlier."

"Congrats," sagot ko, trying not to sound anything. Baka mahimigan pa niya sa boses ko na atat akong kausapin siya.

"Anong congrats, you owe me lunch."

"Oo nga pala," sagot ko at kinuha ang wallet sa bag. Naglabas ako ng 200 at akmang iaabot iyon sa kanya ngunit bigla siyang napasimangot. Shet.

"You're not joining me?" his voice was... mad?

"H-ha?"

"Hotdog," tila naiinis na sagot. "You know what? Forget the lunch."

Nauna na siyang maglakad at naiwan akong nagtataka habang nakatingin sa likod niya. What the, may mali ba sa ginawa ko?! Kulang ba ang 200?!

***

"Ayos ka lang?" tanong ni Fleri.

I lifted my head from the table to look at her and nodded in hesitation. Hindi na siya nagtaka sa sagot kong iyon dahil muli niyang ibinalik ng tingin sa kanyang cellphone at tila timang na ngumiti.

"Ikaw, ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Maaga pa at iilan pa lamang kaming nasa classroom. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kay Florence. Na-offend ko ba siya sa pag-aabot ng pera?

"Yup," she replied. "Alden is treating me breakfast today."

Nagpanting ang tainga ko. "What? Did he give you money?"

Tila hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin. "Money? Breakfast, Laury, breakfast. Oh, he's here."

Tumayo si Fleri mula sa upuan at with poise na naglakad patungo sa pinto. Nakatayo roon si Alden at may hawak na paper bag ng fastfood.

FLORENCE AND LAURY (Completed)Where stories live. Discover now