CHAPTER 5

51.7K 2.1K 2.1K
                                    

Chapter 5

[Florence Mood Board]

“Thanks, Kuya,” matamlay na pasasalamat ko sa kapatid ko nang hinatid niya ako sa school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Thanks, Kuya,” matamlay na pasasalamat ko sa kapatid ko nang hinatid niya ako sa school. Hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin hanggang sa pumasok ako sa gate. I feel so gloomy today. Hindi naman masama ang panahon or what pero ang gloomy ng pakiramdam ko.

Okay. Aminado ako na kasalanan ko naman kung bakit ganito ang mood ko ngayon. Medyo sumama lang talaga ang pakiramdam ko. Masyado siguro akong nag-enjoy sa pakikipag-usap kay Florence to the point na nakalimutan ko kung bakit kami nag-uusap in the first place.

So basically, kasalanan ko. Kaya dapat ako rin ang gumawa ng kaukulang preventive measures para hindi na maging gloomy ang bawat araw ko.

“Good morning,” bati ni Florence. Nakasakay siya sa motor niya at nakahinto sa harap ko. Masyado nga yata akong nalulunod sa lalim ng iniisip ko kaya hindi ko napansin na nasa harap ko siya.

“Good morning,” ganting bati ko.

Shit, nasaan na ang gloomy na Laury?

Umiwas ako sa daan kung saan siya nakaharang ngunit sinundan niya lamang ako. Shit talaga, umagang-umaga tapos ganito? Tulog pa ang puso ko, Florence. Huwag mo munang ipag-jumping rope, napagod ‘to nitong mga nagdaang araw.

“You woke up on the wrong side of bed?” tanong niya at ngumiti. I shook my head and forced a smile. Iniwas ko ang tingin sa tuhod niya na bahagyang nakalabas dahil sa suot niyang ripped jeans. Buti na lang si Tsip Easy ang guard ngayon kung kaya’t nakalusot ang mga tattered pants. Kapag si Tsip Difficult kasi hindi ka talaga papapasukin kahit ang liit-liit lang ng punit sa pantalon mo! Mas papapasukin pa niya ang mga babaeng naka-skirt na kita na pati singit kaysa sa naka-tattered pants na sa tuhod lang naman! Hay naku, minsan tuloy hindi ko maintindihan si Tsip Difficult.

And on top of his ripped jeans is a baby pink shirt.

Pucha! Weakness ko ‘to eh! Iyong mga lalaking nakasuot ng baby pink shirt, tapos amoy baby rin? Parang ang sarap yakapin nang mahigpit. Kaya ba siya nag-pink kasi gusto ni Fleri ang pink?

“Masakit lang ang ulo ko,” sagot ko sa kanya. “Una na ako, ah?”

Hindi na lamang siya sumagot at inalis ang kanyang motor na nakaharang sa daan. I tried my best not to look back and I thankfully did. Yes, success!

***

Feeling ko ang tamlay-tamlay ko buong araw. Panay kwento sa akin si Fleri pero pinapalagpas ko lamang sa kabilang tainga ang mga sinabi niya. I don’t even remember a single thing from whatever she said. Nagulat na lamang ako nang sinalat niya ang noo ko.

“May sakit ka ba? Hindi ka naman mainit, ah?”

“No, medyo masakit lang ang ulo ko,” pagdadahilan ko. Tinitigan ko si Fleri at tahimik na in-assess. Wala namang duda na pang-A+ talaga ang ganda ni Fleri. Tall, slim figure, pambato sa pageant, fine and finesse.

FLORENCE AND LAURY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon