CHAPTER 18

39.5K 1.8K 891
                                    

Chapter 18

“I’m sorry baby. Nagalit ako kasi kung saan na umaabot ang mga pinagsasabi mo. You made a scenario that you yourself feel disgusted.”

I bit my lower lip. Oo nga, ang advance kong mag-isip. Hinawakan ko ang pisngi niya na nakasandal sa balikat ko. “Sorry rin. Nagjowa ka ng ignorante eh, over reacting, bastos ang bunganga. Sorry rin Florence.”

Ginagap niya ang palad ko at pinagsalikop ang mga kamay namin. “Sorry for showing you a bad side of me. I got angry, and I tend to get violent at times but baby, sana wag mong isipin na sasaktan kita physically.”

“Wala na, naisip ko na,” pag-amin ko sa kanya. Umalis siya sa pagkakasiksik sa leeg ko at hinarap ako.

“No Laury, that won’t happen okay? I won’t become someone who hurt a girl, hindi ako magiging katulad ng Papa ko, so please wag mong isipin iyon okay? And please don’t leave me.”

“Eh, ako dapat magsabi niyan, wag mo akong iwan kasi ganito ako. I know I’m not that likeable pero Florence nag-aadjust pa lang ako, I don’t know how does it takes to be someone’s girlfriend. Hindi ko pa alam ang mga etiquette at kung anu-anong formula para maging tamang girlfriend. I guess I need to practice those kung gusto kong magtagal tayo. Baka kasi mapagod ka sa akin.”

He smiled and shook his head. Hinawakan niya ang pisngi ko at masuyong hinaplos iyon. “No Laury, there's no formula to become one’s girlfriend, just stay true to yourself,” sabi niya sa akin. “And sorry if I left you.”

“Oo nga!” mahinang sinuntok ko ang balikat niya. “Iniwan mo ako roon sa madilim na daan! Paano kung may nangyaring masama sa akin?”

“That won’t happen. I didn’t really leave, bumalik ako ngunit nakasakay ka na sa taxi. I even followed the taxi hanggang sa makarating ka na sa inyo,” sagot niya.

Mas naguilty lamang ako. So he didn’t really leave me. Bumalik siya pero hindi ko man lang naisip iyon. I was drowned with the thought that he left me alone that night. “You didn’t call or text over the weekend.”

“Same as you,” he replied. “But I didn’t text or call dahil alam kong parehas pa tayong galit. Natatakot akong baka lumaki ang away natin at kung saan pa iyon umabot. And please Laury, kung mag-aaway man tayo, away lang ha? Walang hiwalayan okay?”

I gnawed my inside cheeks to prevent myself from smiling. Hoy Florence Beryll Ignacio hindi ka nakakakilig! Hindi talaga! Bwiset!

“Sus, mukhang ikaw nga yata ang may tendency na mang-iwan eh, remember ako ‘yong may crush sa’yo tapos crush mo iba,” ingos ko sa kanya. My chest somehow felt light because a burden has been lift off. Okay na kami, that’s what matters now.

“No, I won’t. Baka ikaw.”

Ilang beses akong umiling. “That will never happen, remember my gift?” Itinaas ko ang pinky finger para maalala niya ang ginawa kong pangako. “Hindi ‘yong pangalawang gift ah!”

Tumawa siya at nagtakip ng mukha. Pucha, ‘yong second gift nga yata ang iniisip niya. Mahinang sinuntok ko ang tagiliran niya kaya mas lalo siyang natawa. “Both gifts were great baby so I won’t forget those two.”

“Good boy,” wika ko at tinapik-tapik siya sa ulo. He caught my hands and kissed it. Peste, kinikilig na naman ako at parang umabot yata sa esophagus ang kilig na nararamdaman ko.

He kissed my hand few times at dinama iyon sa pisngi niya. “God, I want to kiss you right now.”

Eeeeeeh! Me too! Pero masyadong PDA at baka bumukaka na naman ako kaya wag na lang. Iba kasi ang epekto ni Florence sa akin, mahirap na nakapalda pa naman ako, hindi highwaist short. I bit my lower lip unconsciously. Pucha, bakit nakakaexcite?

FLORENCE AND LAURY (Completed)Where stories live. Discover now