Chapter 14
BeReal_BeryllLiked by Dwi9thxx, XOkendi and 132 others.
BeReal_Beryll Happy girls are the prettiest.😍 #TBpixXOkendi bro
Dwi9thxx Ayiiieeut @Laury_Maezing
KimTaehyungWife 😭
Maxee004 may jowa na si Florence iyaq na @RoxAnne_
JudenotJud nakzzz Abella
CatchMe lampo
MxxM sumbong kita sa lolo mo boy
TonyPowler is dis kalandian?
***
"Florence naman eh!" reklamo ko at bahagyang pumadyak. "Bakit ka nagpost ng picture ko?"
"Oh bakit ba? Girlfriend naman kita ah!" sagot niya ngunit nasa cellphone ang atensyon, naglalaro yata.
Tatlong araw na ang nakalilipas nang maging kami. Paano, marupok ako. Kahit hindi pa niya tiyak kong gusto rin niya ako, ni-grab ko na 'yong free trial. Sabi naman niya can we try diba?
Pero peste, girlfriend daw niya ako. Shit hindi ako kinikilig. Hindi talaga.
"Oo nga kaso bawal pa diba? Paano kung makita ni Kuya?" tanong ko sa kanya.
"Oh, eh ano ngayon?" tanong niya. Nakatambay kami sa hagdan ng school patungo sa classroom namin. Actually, siya lang ang tumambay roon habang naglalaro ng kung ano.
Bumaba ako ng ilang hakbang at tumayo sa harap niya. "Hoy makinig ka nga Ignacio, paano nga kung malaman 'yon ni Kuya?"
"Hindi naman kita tinag ah?"
"Kahit na, tapos pwede ba itago mo nga 'yang cellphone mo, kinakausap kita ah," naiinis na wika ko. In a split second, he keeps his phone on his pocket at bahagyang tiningala ako since nakaupo siya.
"Baby time na," he said and smiled at shit, mabubuwal yata ako ng wala sa oras.
"Heh! Hindi ka nakakakilig leche ka," wika ko at nag-iwas ng tingin.
"Tsk, you should control your mouth Laury," he sneered at me as held my hand. "Hindi maganda sa babae ang nagmumura."
"Wow naman, so sa paglalaki maganda, ganun?"
YOU ARE READING
FLORENCE AND LAURY (Completed)
Teen FictionFLORENCE and LAURY by SHINICHILAAAABS Genre: Teen fiction/romance 10262018 11212018