PART EIGHT: HE WHO SEES DEATH

190K 13.4K 14.7K
                                    

"SOMEONE'S GONNA DIE THERE."

How would you react when someone said someone's gonna die in your house? RIGHT IN YOUR PLACE?

And to think na mag-isa ka lang sa bahay?

Will you panic? Will you cry? Will you be anxious? Mapapa search bigla sa google? Mapapasulat ng last will?

CUZ SAME.

After he said that, I became paranoid. Lahat ng tumitingin sa 'kin, feeling ko papatayin ako. Hindi pa nga ako makatulog. Oras-oras kong tinitingnan kung na i-lock ko ba ang mga pinto. Minsan kapag dinadalaw na 'ko ng antok, magigising ako para tingnan kung na i-lock ko ba talaga nang maayos.

Nakaka-paranoid!

As I searched about Heinz, I found out na bago pa ako dumating dito, ginagawa na n'ya iyon. Ni-rerespeto s'ya ng mga kinauukulan dahil mahigipit three hundred deaths na ang na-predict n'ya ng tama.

Syempre, wala pa nga halos sa twenty ang nakaligtas. Napapanaginipan n'ya ang pagpatay, kung anong uri ng gamit ang ginamit sa pagpatay, nakikita n'ya rin ang lugar, at ang mga huling salita ng biktima.

Kaya nga may paniniwala sa lugar na 'to. Na kung may pumapatay sa'yo, isigaw mo ang pangalan n'ya at ang hitsura n'ya, dahil ilang araw pa man bago ito mangyari, napapanaginipan na ni Heinz lahat iyon.

Parang plot lang sa mga fiction novels, ano? Tinatawanan ko lang 'yan noon pero ngayon, isa na rin ako sa natatakot.

Minsan pa nga, sumisigaw na rin ako sa bahay ng mga huling salita dahil baka any time bigla nalang may sumaksak sa akin.

Naalala ko nanaman tuloy 'yung death threat na nakuha ko noon:

"I'm a graduate of education. We were trained to get our shit together kahit na sobrang gulo na ng isang classroom na hinahandle namin. We must act ethically and accordingly pero... PUTANGINA MO AVERY MAMATAY KA NA HAYUP KA SANA MASAKSAK KA SA TIYAN AT LUMABAS YANG BITUKA MO TANGINA KA HAYUP KA."

Tinatawanan ko lang 'yan noon pero ngayon napa-paranoid na 'ko dahil baka mayroon talagang bigla nalang sumaksak sa tiyan ko.

Kung mamamatay lang ako, sana sa pagtulog nalang. Para katatapos ko lang mag skin care. Wag naman karumaldumal, please lang. Ayokong mamatay na kulay violet ang mukha.

For the next days, ganoon na ang naging set up ko. Napaka paranoid ko sa lahat nabg bagay. Until ilang araw na ang lumipas, unti-unti ko nang nalimutan ang mga bagay-bagay.

Huh.

Someone's gonna die here?!

Eh, the only thing that died were my brain cells when I tried to comprehend my upcoming cases!

Whatever that Heinz was, scam s'ya. Period. PeriodT. Periodism. Periodically. Periodicity. Periodical table.

Tomorrow morning, I was in the office. While everyone was reviewing their cases, here I was, watching Funny Vines.

I smiled, trying my best not to laugh and in the end, I ended up laughing so hard to the point that everyone in the office who literally secretly hated me looked at me with sharp eyes.

"Avery," one finally said. "Sssh," she said, poker faced.

"Mama mo sssh," I murmured.

To refrain myself from grinning much, I opened my e-mail and my smile faded when I saw who recently sent me one.

Courtney.

I sighed and closed it.

No, I have no thoughts of coming back.

"Convict Me, Attorney." (Law Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon