PART TEN: THE DEATH CHASERS

193K 14.2K 23.1K
                                    

"OKAY KA LANG?"

Bumuntong-hininga ako habang papalabas ng police station. Matapos ang aksidente, dumating ang mga pulis para i-rescue kami.

They insisted to have me checked on the hospital, pero hindi ako pumayag. Tutal, okay naman ako bukod sa minor scratches. Hindi naman ako nasugatan nang matindi.

In my surprise, si Newt at Tyler nga talaga ang nagligtas sa 'kin. Sabi nila, Tyler was supposed to go to a blind date na nauna na n'yang tinanggihan pero nagbago kabigla ang isip n'ya.

Nang isama n'ya si Newt, nakita raw nila na may buhat-buhat na babae ang isang lalaki. Namukhaan kaagad ni Newt na ako raw 'yun, kaya sinundan nila.

Nang makita nilang pagewang-gewang ang sasakyan, they had an idea of what was going on inside. Kaya imbis na sa kung saan pa kami bumangga, binangga nalang nila kami.

Mga tanga, ano? Ano ba pinagkaiba n'un? Eh pareho lang disgrasya.

Ayon naman sa pulis, tumawag daw sa kanila si Heinz, sinabi ang detalye na nakita n'ya sa panaginip n'ya. Nang matunugan nang awtoridad, dali-dali silang pumunta at iyon na nga ang nadatnab nila.

Nang makita ko ang paligid, wala na ang lalaki. Kahit sila Newt at Tyler, hindi rin nila napansin kung paano ito nawala.

I sighed again.

"Pwede ba 'wag kang puro buntong-hininga, kanina ka pa eh," reklamo ni Tyler. "Pareho kayo ni Courtney. Para kayong magkaibigang kambing."

I looked at him.

He was wearing his usual style. White polo tucked inside his black pants, he was wearing black shoes and his hair was brushed up. But he had scratches on his cheek and nose, not to mention the scratch at the corner of his lips too.

"Kung ako ang kambing, ikaw ang damo," I said out of irritation.

"Eh 'di, kakainin mo 'ko?"

My eyes widened.

"KADIRI KA HA!"

He laughed along with Newt.

That's when I noticed Newt. He was wearing a plain white shirt tucked inside his jogger pants, a pair of white sneakers, his hair all down, and a silver eyeglasses.

"Ano bang ginagawa ninyong dalawa rito, ha? Miss n'yo ko?"

The smile on their face faded.

"Kilabutan ka nga," Newt said.

"Ayos pa ba utak mo? Untog nga natin 'yan," said by Tyler.

"Eh, ba't kayo nandito?" I asked.

"Work," Newt said.

"Work?" I asked. "Bakit dito? Napakarami namang work sa Manila, ah?"

"We were personally contacted to be here," Tyler said. "You'll find out soon why."

I scoffed.

"As if interesado ako."

"Matagal ka naman na talagang interesado sa 'kin, 'di ba?"

I looked at Tyler with disbelief in my eyes.

"Well, 'di naman kita masisisi," Tyler said. "I mean, who wouldn't, right?"

"Alam mo, Tyler," I said. "Napakalaki ng ulo mo!"

He smirked.

"Which one?"

Confusion swallowed me.

"Ha?" I asked.

Newt laughed.

"Convict Me, Attorney." (Law Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon