The Jerk: Nineteen

375K 17.6K 3.1K
                                    



Nineteen,

Ilang linggo na ang lumipas mula noong narealize ko ang bagay na yon. That I'm falling for Ashton. Sa mga sumunod na lingo, wala akong ginusto kundi matapos na ang bagay na ito at para makabalik na siya sa katawan niya. I never intend on any of this to happen. I need him to get back to his life before I fall for him any harder.

Naging mas maayos ang kalagayan ni Ashton sa Hospital nitong mga nakaraang lingo. Naging regular na balita yon sa school. Everyone is quite hopeful na ano mang araw mula ngayon ay magigising na siya. His body is recovering from the head injury. Malaking pagbabago ito kompara sa unang sinabi ng Doctor na bumibigay na ang katawan niya.

I can also sense it. Hindi ko alam kung paano pero napapansin ko mas nagiging transparent si Ashton sa paningin ko. Para bang habang tumatagal unti unti siyang nawawala sa paningin ko habang unti unti namang bumubuti ang kalagayan ng katawan niya sa Hospital. It's heartbreaking but at the same time masaya ako sa nangyayari. Makakabalik na siya. Darating ang araw na pag gising ko wala na siya sa tabi ko. Pero kung ang ibig sabihin nito ay babalik na sa dati ang lahat, wala akong karapatan para malungkot.

Pero may nararamdaman pa akong isang bagay. Para bang may hindi parin siya sinasabi sa akin. Kapag nag uusap kami tungkol sa pagbabalik niya o sa pamilya niya, may mga pagkakataon parin na natitigilan siya at para bang pinipili niya ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Bandang hapon noong araw na yon at palabas na ako ng Jefferson High para sana umuwi. Pero nagulat nalang ako nang pagtapak ko sa pathway papuntang gate ay nakita ko si Ashton. Nakatayo siya sa gilid ng parking lot at tila ba may pinagmamasdan. Noong una akala ko ako ang hinihintay niya. Pero noong sinundan ko ang tingin niya nakita ko kung sino ang pinagmamasan niya. Si Reese kasama ang ilang member ng Drama Club.

Tumigil ako sa paghakbang papunta kay Ashton. Tahimik na pinagmasdan ko siya habang nakatingin siya kay Reese. For the past few days halos hindi ko naramdaman ang presence ni Reese sa school. Naging tahimik siya. Sa cafeteria, sa classrooms, sa corridors. Hindi na siya yong dating Reese na kilala ko. Para bang matapos ang accident hindi na rin siya bumalik sa dati.

Humigpit ang hawak ko sa straps ng bag pack ko habang nakatingin sa kanila. Me, while watching Ashton, and Ashton while watching Reese. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko nanghina ako. I was guilty and sad at the same time. Pakiramdam ko may kasalanan ako kay Reese, for falling for her boyfriend. Hindi kasanalan ni Ashton na hindi niya makasama o makausap man lang si Reese. And here I am, being selfish for wishing that I own Ashton.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na nasa ganoon kaming position. I began to play with the tip of my shoes in the cemented pathway. I didn't even consider what Reese might feel, what Ashton might feel, or what Micko might feel. Puro ang nasa isip ko ay ang nararamdaman ko. How selfish.

Never would I imagine na magiging ganito kakomplekado ang lahat. Na masasali ako sa mundo ng tatlong ito. A month ago they can't even notice my presence. Pero ngayon para bang lagi nalang kaming nagbabangaan. Kailangan na talaga itong matapos.

"Hey."

Halos mabigla ako nang marinig ang boses ni Ashton. This time alam kong ako ang tinatawag niya. Tumingala ako at nakita siyang naglakad sa gitna ng isang grupo ng mga freshmen students. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Kung alam lang siguro nila na si Ashton Montecillo ang nasa harap nila baka nagtabihan ang mga yon.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ng mahina. Tumabi ako sa pathway at lumayo sa ilang estudyante na kasabay kong naglalakad.

"Hindi na ba ako pwedeng pumunta sa school ko?" tanong niya sa akin.

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon