The Jerk: Twenty Two

353K 15.7K 1K
                                    

Twenty Two,

Isang garden restaurant ang pinagdalhan sa akin ni Micko. Familiar sa akin ang lugar since katabi nito ang isang tindahan ng mga organic na gulay at prutas kung saan madalas bumibili si Mama. Maganda ang lugar. Para ka lamang nasa likod ng isang bahay na puno ng halaman at herb plants. You wouldn't think you are in a restaurant actually especially kung ang ilaw nila ay mga puting Christmas lights at yellow paper lanterns.

"Nagustuhan mo?" tanong ni Micko nang maupo kami. Maging ang mga silya at mesa nila dito ay gawa sa recycled wood.

"I like it." I answered honestly. Linibot ko ang tingin sa paligid. "I like it a lot. Gustong gusto ko ng concept nito."

Ngumiti ito. "I'm glad to hear that. Ikaw talaga yong una kong naalala noong unang beses akong bumisita dito."

Pinagmasdan ko si Micko. Biglang bumalik sa akin yung first week niya sa Jefferson High at ako ang naging tanging kaibigan niya. Until now I can still remember that awkward laugh of his lalo na kapag nagku-kwento siya ng experience niya sa mga klase at bagong classmates niya. Hindi siya nahihiya na magmukhang nakakatawa kapag kasama ko siya noon.

Akala ko noon magiging isa siya sa matalik na kaibigan ko. Pero katulad ng ibang bagay, kinailangan niyang magbago. Now I wonder kung bumabalik ba talaga siya sa Micko na naging malapit sa akin noon o pilit ko lang inaalala ang Micko na matagal ng wala kahit anong gawin ko.

"Micko, why?"

Natigilan siya sa naging tanong ko. Huminto siya sa pagtingin sa menu at hinarap ako. Kumunot siya na tila ba naguluhan.

"Why did you stop talking to me after you met Ashton and his group? Why did you isolate me all of a sudden after making me feel that I'm one of the closest person you had?"

Tiningnan niya ako na para bang hindi makapaniwala na maririnig niya ito sa akin matapos ang madaming taon ng pananahimik ko. Tila ba nasaktan siya sa sinabi ko. Binaba niya ang menu at hindi ako magawang tingnan ng derecho.

"Noong nag transfer ka sa Jefferson High, alam mo bang isa ka sa mga pinaka unang kaibigan na meron ako? Gustong gusto ko ang ugali mo noon. You love dorky sci-fi movies and rock bands and photography at mahilig kang tumawa kahit sa simpleng bagay. Nalaman ko ang lahat ng yon sayo sa loob lang ng isang lingo dahil hindi ka nahihiya na mag open up."

Napahawak ako ng mahigpit sa linen cloth na nasa lap ko.

"Kaya akala ko noon magiging magkaibigan parin tayo kahit matapos yong pagiging transferee buddy ko sayo. Pero nakilala mo si Ashton Montecillo at mga kaibigan niya sa second week ng klase at hindi mo na ako pinansin kahit kailan."

"Delia—"

"And then here you are again. Getting close to me again as if nothing happened. Madami na ang nagbago sayo. Hindi ka na katulad ng dati noong unang beses kitang nakilala. Yet you keep proving to me that you are sincere with your motives. But Micko..." natigilan ako.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. "What is your motive really? Bakit mo ginagawa ito? Do you really like me or... are you just guilty?"

Hindi agad nasagot ni Micko ang tanong ko nang isang babaeng nasa middle forties ang dumating sa table namin para kunin ang order. Medyo hindi ko inaasahan na mismong asawa ng may ari ang gumagawa nito. Actually all of the staff here seems related to each other.

"Good evening, Tita." bati ni Micko dito.

Ngumiti ang babae. I like her smile. It reminds me of my mother's smile kapag may bisita sa bahay.

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon