The Jerk: Thirteen

363K 17.3K 2.4K
                                    

Thirteen,

Pumasok ako sa kwarto ko na hindi maintindihan ang nararamdaman. Binaba ko ang bag ko sa sahig at nahiga sa kama. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.

"Kamusta?"

Mabilis akong natigilan dahil sa boses na yun. Paglingon ko nakita ko si Ashton na nakaupo sa silya ng baby piano at nakatingin sa akin. Hindi ba niya alam bumati ng normal?

"Where have you been earlier? Bakit bigla ka nalang nawala." I demanded.

He shrugged. "Para makapag usap kayo." sagot niya. "Ayos ba?"

Tiningnan ko siyang mabuti umaasa na sana higit pa doon ang sabihin niya. Pero kalaunan tumango na lang ako.

"Thank you." sabi ko. "Naging malinaw sa akin ang side ni Micko."

Natahimik si Ashton. Sinimulan niyang hawakan ang ilang keys sa piano. It created a slow errie sound.

"Anong sinagot mo?" bigla niyang tanong na kinabigla ko.

Umupo ako sa side ng bed at pinagmasdan siya. "Hindi ko kailangang sumagot, Ashton."

Natigilan siya at kumunot ang noo. "But he's asking you to date him."

Napa isip ako. "Pero mas kailangan ako ng isang tao."

"Sino naman?" tila nairita na sabi niya. He seems wondering kung sino pa ang kailangan kong pag tuunan ng pansin. He's really cute when doing that. Yung pagsalubong ng kilay niya na parang bata.

I smiled. "You."

Gusto kong matawa dahil sa naging reaction niya. Balak niya sanang magsalita pero bigla niyang binawi. Maya maya pa bumuntong hininga siya.

"Delia, you don't need to do that."

"But I want to." I insisted. "And Micko is good enough to accept the friendship for now."

Bigla nanaman siyang hindi nagsalita. This time ako na ang nagtaka. May problema ba siya? He didn't look like his usual self.

"Ashton, is there something wrong?"

He snapped back in attention at pilit na ngumiti. "Wala." Tumayo siya at lumapit sa akin saka ginulo ang buhok ko. "Sige na, aalis na ako. Sinigurado ko lang na nakauwi ka ng maayos."

Wala sa sarili na napa hawak ako sa ulo habang pinagmamasdan siya na paalis through the terrace. "Ashton, sandali—" tawag ko. Pero hindi siya lumingon.

Nagmadali akong tumayo at pumunta sa terrace pero wala na siya. Bigla akong natigilan. There is something really wrong with Ashton. Naalala ko ang tinutugtog niya kanina sa piano. Yun ang piece na natutunan namin sa grade school music class. It was a sad song— Bigla akong kinabahan. May nangyari kaya na hindi niya sinasabi sa akin?









Hindi na bumalik si Ashton nang gabing yun. Nagsimula na akong mangamba. We are supposed to be solving about his issue. Hindi ko alam kung hangang kailan siya magtatagal sa sitwasyon niya. If it was unlimited until he can go back or with a designated deadline.

Napakagat ako ng labi habang nakaupo sa bed at hinihintay siya. Hindi ba talaga siya darating? Bakit hindi niya sabihin ang problema niya sa akin? Akala ko ba magkakampi kami dito? That jerk.

Hindi niya din nagawang magparamdamn sa akin kinabukasan. Buong araw ko siyang hinintay na mag pakita kahit sandali man lang pero wala talaga. Hindi ko na maitago ang pangamba ko kaya naman maging si Mindy nagsimula ng magtaka.

"Delia, may problema ba?" tanong ni Mindy sa gitna ng History class namin.

Napalingon ako sa kanya. "Wala naman. Bakit?" wala sa sarili na tanong ko.

The Jerk is a GhostWhere stories live. Discover now