The Jerk: Twenty Three

368K 17.9K 3.3K
                                    

Twenty Three,

Tahimik kaming kumain nang dumating ang mga in-order namin. It wasn’t an awkward silence but it wasn’t that comfortable either. Wala na akong sinabi mula noong nagkwento si Micko tungkol sa sarili niya. Matapos ng ilang taon ngayon lang ulit siya nag open up sa akin ng ganito.

I wanted to say sorry for being so selfish. Hindi ko nagawang intindihin siya. Noong lumayo siya sa akin wala akong nagawa kundi ang gawin din yon. Pero hindi ko alam na may dahilan ang ginawa niya at hindi niya ako basta iniwan dahil lang sa hindi ako katulad ng grupo nila Ashton.

Masarap ang pagkain na inihanda ng Tita niya. Pero kahit anong pilit ko ay hindi ko ito ma-enjoy. It was all fresh, fresh vegetable salad, pasta with fresh herbs, even their lemonade are freshly squeezed. Sigurado na matutuwa si Mama kapag dinala ko siya sa lugar na ito.

Matapos naming kumain, nagpa-alam si Micko sa Tita niya. Alam kong gusto niya pang manatili sa lugar pero napansin niya ang pagiging tahimik ko. Eight o’clock palang ng gabi pero nag-offer na siya na iuwi ako. Nang nasa sasakyan na kami sa labas ng restaurant, humarap ako sa kanya.

“Where do you want to go?” tanong ko.

Napahinto siya sa pagpihit ng keys ng sasakyan. Nagtataka na napalingon siya sa side ko.

“Ikaw naman ang sasamahan ko. Saan mo gustong pumunta?” tanong ko. Sinubukan kong ngumiti at sabihin na this time siya naman. Hindi yong laging ako ang kailangan niyang intindihin.

Bumuntong hininga siya at pilit na ngumiti. “It’s okay, Delia. Having a dinner with you is enough.”

Pero ni hindi na kita kinausap kanina habang kumakain tayo. I thought. Dahil hindi ko alam ang sasabihin. I wanted to tell you that maybe this thing will work out for both of us. But I’m too confused right now and I don’t want to make an impulsive decision out of a temporary mixed emotion at idamay ka. I don’t want to hurt you. You became too important for me to be hurt.

“But—”

“Delia, I don’t want you to force yourself to like me or anything. I will like you no matter what. You don’t have to do this.”

“But I want to.” pilit ko. “I know I may be a real mess right now, Micko, but I do want to spend time with you.” Lalo na ngayon na pakiramdam ko kababalik mo lang mula sa isang malayong lugar. Tahimik kong dugtong.

Pinagmasdan niya akong mabuti. Nang tila ba narealized niya na wala na siyang magagawa bumuntong hininga siya. “Okay then.”

Napangiti ako.

“Gusto kong makilala mo ang isa sa mga importanteng kaibigan ko. Isa sa mga taong halos naging kapatid ko na.”

Unti unting nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

“Let’s visit him in the Hospital. I want you to meet Ashton Montecillo.”







Panay ang tingin ko sa labas ng bintana habang papunta kami sa Montoya Medical Center. Alam kong hindi dapat ako nag aalala. Pero hindi ko kayang makita si Ashton lalo na ngayon.

But this is what Micko wants. At nangako ako na hindi ako tatangi. Para na niyang kapatid si Ashton. At hindi dapat ako gumawa ng dahilan para iwasan ang sitwasyong ito. Even if the last thing I needed is to see Ashton Montecillo.

Makalipas lamang ng ilang minuto ay huminto ang sasakyan ni Micko sa parking lot ng Hospital. Bumaba ako bago niya pa man buksan ang pintuan para sa akin. Pilit kong pinakalma ang sarili ko nang maramdaman ang malamig na hangin na tumama sa balat ko paglabas ko ng sasakyan.

The Jerk is a GhostWo Geschichten leben. Entdecke jetzt