The Jerk: Special Chapter

642K 26.7K 11.9K
                                    

THE JERK IS A GHOST
SPECIAL CHAPTER

Kasalukuyan akong nanonood ng movie sa sala ng aking apartment, habang nakaupo sa sofa, at may hawak na bowl ng popcorn. Subalit hindi ko magawang ituloy ang pagsubo ko sa dakot ng popcorn sa palad ko dahil pakiramdam ko maiiyak na ako sa eksenang pinapanood ko. Binaba ko ang bowl ng popcorn sa mesa at kinuha ang kumot sa tabi ko at bahagyang pinunasan ang mga mata ko.

Maya maya pa ay biglang tumunog ang phone ko sa tabi ng bowl. Inabot ko ang remote para i-paused ang pinapanood ko at sinilip ang screen ng phone ko. Tumatawag si Ashton Montecillo. I cleared my throat before tapping the answer button.

"Hey," halos paos na bati ko.

Napapaused sa tangkang pagsasalita si Ashton nang marinig ang boses ko. I can already imagine him frowning.

"May sakit ka ba?" tanong niya mula sa kabilang linya.

Bahagya akong natawa. "Wala. Wala ah. May pinapanood lang ako." Muling pause. Nakarinig ako ng pagsara ng pintuan at ingay na tila ba naglalakad siya. Maya maya pa, bigla siyang nagtanong.

"Gusto mo ng ice cream at pizza?"

Biglang kumunot ang noo ko. Eh? "Syempre, sino ba ang tatangi sa pagkain?" sagot ko habang nakangiti.

"Labas ka."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Tuluyan kong inalis ang kumot sa lap ko, sinuot ang house slipper ko, at umalis mula sa pagkakaupo sa sofa. Naglakad ako papunta sa pintuan ng apartment ko. Bahagya ko itong binuksan. Nang sumilip ako sa labas, walang tao. Tuluyan akong naguluhan. Binuksan kong mabuti ang pintuan at linibot ang tingin sa madilim na paligid. Tahimik.

"Nasaan ka?" tanong ko kay Ashton mula sa phone ko. Bigla akong nakarinig ng ingay sa kabilang linya, tila papel o plastic na nalulukot.

"Lumabas ka." sinabi niya.

"Nasa labas na ako, Ashton." I pointed out. "Ano bang nangyayari?"

Naglakad ako papunta sa veranda ng bahay na inuupahan ko. Sinilip ko ang labas ng gate, isang itim na kotse ang nandoon. Kay Ashton.

"Where are you?" patuloy na tanong ko. Maya maya pa tuluyan kong naaninag ang paglabas ng isang lalake mula sa sasakyan. Napabuntong hininga ako nang makita si Ashton.

"Tinakot mo ako." asik ko habang natatawa.

Hawak ko parin ang phone ko sa tenga, pinagmasdan ko si Ashton na naglalakad papunta sa akin, hawak ang phone sa isang kamay, at sa isa naman ay hawak ang box ng pizza at nakapatong doon ang dalawang tub ng ice cream na may magkaibang flavor.

"Anong meron?" tanong ko sa phone kahit halos nasa hearing distance na kami.

"Gusto lang kitang makasama, masama ba?" tanong niya habang nakangiti. "Alam ko namang hindi ka tatangi kapag may dala akong pagkain."

"Baliw ka." natatawang sagot ko.

Tuluyan ko ng binaba ang phone ko mula sa aking tenga at pinagmasdan siya na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko. Gray and black sweater na nakalislis hangang siko, faded denim jeans, black sneakers.

"Pinaka gwapong pizza delivery guy, ano?" nakangising tanong niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti. "Oo na." sagot ko. "Hindi ka parin nagbabago."

Dalawang buwan na ang lumipas mula noong bumalik si Ashton Montecillo mula sa London. At sa dalawang buwan na yon, pakiramdam ko hindi kami nagkahiwalay ng anim na taon.

Pumasok ako sa loob ng apartment at sumunod siya. "Hindi ba dapat nasa business trip kayo ngayon ni Micko?" tanong ko. "Yong resort sa Batangas, tama ba?" Mula kasi noong dumating siya, naging mag business partner na sila ni Micko. Ang alam ko matagal na din nilang napagusapan ito, nasa London palang siya. An architect and an engineer.

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon