The Jerk: Seven

416K 18.9K 4.1K
                                    

Seven,

Bandang three o'clock ng hapon umalis kami sa Hospital ni Mindy. Kinailangan namin yun dahil sabi ng nurse babalik si Mr. Montecillo, ang Papa niya, ng ganung oras. Dumaan kami sa isang fast food chain bago umuwi ayun na din sa request ni Mindy. Dahil daw sa akin nag fasting siya ng hindi oras.

Pero wala akong ganang kumain. Lagi kong naalala ang mukha ni Ashton na payapang natutulog at yung mga sinabi ng nurse. Walang kasiguraduhan na magigising siya. It could take days, months, years, or never.

Meron daw yung mga situation na more than five years under coma at saka lang sila nagising. Pero meron din yung mga kamag anak na wala pang ilang lingo sumuko na at pinaputol na ang life support.

I wonder, if that happens to any member of my family makakayanan ko kaya? Ang maghintay kahit alam kong maaring walang patutunguhan? Ang putulin ang natatanging bagay na nagbibigay sayo ng pag asa. That is really a heavy decision.

"Hindi mo ba kakainin yang fries mo? Pwedeng akin nalang?" tumango ako kay Mindy. Kinuha niya ang plate ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Mindy sa tingin ko magkakamalay din si Ashton." wala sa sarili na sabi ko.

"Talaga?" tanong niya na naka focus parin sa pagkain.

"Ang sabi kasi ng nurse hindi ba? Mas mapapabilis ang pagising ng taong nasa comatose kung laging kinakausap at may kasama."

"Ngayon?" Mindy said.

"Wala lang. Naisip ko laging may kasama si Ashton, madami siyang kaibigan, madaming taong nagmamahal sa kanya. So there's a high chance na mabuhay siya."

"Pft." sabi ni Mindy.

Kumunot ang noo ko. "Why?"

She shoke her head. "Nothing. It's just that hindi lahat ng classmates mo ay kaibigan mo. Madalas nakikisama ka lang dahil yun ang dapat. You get my point?"

I slowly nodded.

"Madami nga ang bumibisita sa kanya but are they real friends or not? Who knows? Maybe some of them are wishing the opposite of those cards."

Nang matapos kaming kumain, or should I say, matapos si Mindy na kumain, dumerecho agad kami pauwi. Kanina pa kasi nag t-text si Dad kung nasaan kami. Dumaan kasi sila sa Mall na dinahilan ko at doon kumain ng lunch. Sumabay na daw kami. Ang hindi nila alam nasa kabilang part kami ng bayan.

Habang nag d-drive pauwi, biglang nagtanong si Mindy. "Hey, Deels. Naalala ko lang, may sinabi ka kanina. Yung tinanong mo sa nurse?"

I glanced at her from the corners of my eyes. Ako parin kasi ang nag d-drive. Mindy is uh, a very agressive driver so kapag magkasama kami ako lagi ang dapat nasa manibela. "What? Yung tungkol sa pagising ng comatose?" tanong ko.

"No. The other one. Yung tumawa yung nurse." sagot niya. "Tungkol ata yun sa kung nagiging multo ba ang isang naka comatose?"

Natigilan ako pero pilit na hindi pinahalata ito. "Yep? Bakit yun?" casual na tanong ko.

"Bakit mo natanong yun?" she said habang nakatingin sa daan gaya ko.

I pursed my lips uncomfortably before answering. "Wala lang." sagot ko. "Curious lang ako."

She nodded. Hindi na siya muling nagtanong pa. I really wanted to tell Mindy. But thinking about it now in broad daylight pakiramdam ko nga isang nightmare lang ang nangyari. I'm not really that sure anymore if it really happened in the first place.

Hininto ko ang sasakyan sa harap ng bahay. Binuksan ko ang pintuan at nang nasa labas na ako, Mindy took my position in the driver's seat.

"Ngayon alam mo na kung ano talaga ang kalagayan niya." sabi niya na tinutukoy si Ashton. "Siguro naman maniniwala ka na. Hindi pa siya patay."

The Jerk is a GhostWhere stories live. Discover now