The Jerk: Seventeen

355K 17.8K 3.2K
                                    

Seventeen,

"Delia, are you okay?"

Pinagmasdan ko si Mindy na nagtatakang nakatingin sa akin. Naglalakad kami sa hallway kasabay ang iba pang student ng Jeferson High na pauwi na.

"I'm fine." Napaubo ako. Oh God.

Nag frown siya sabay hawak sa noo ko. "Kanina ko pa napapansin na paubo ubo ka. Nagpakabasa ka ba ng ulan kahapon?"

Natigilan ako. "Of course not." sagot ko. Hindi niya dapat malaman na pumunta ako sa bahay nila Ashton.

"Alam mo mabuti pa umuwi nalang tayo agad. Bukas na tayo pumunta sa sinasabi kong bagong coffee shop."

Kanina kasi napag usapan namin na dumaan sa bagong branch coffee shop na paborito ni Mindy. Gusto ko sanang bumisita kay Ashton matapos ang uwian pero nagyaya siya kaya pumayag nalang ako.

"That's fine with me." sagot ko thinking na maaari na akong dumaan sa Hospital.

"Ihahatid ka nalang namin sa bahay niyo."

"Hindi na kailangan." followed by a sneeze.

"I insist. Ipahinga mo na yan kung ako sayo."

I frowned. "Okay lang naman ako. Isa pa- Achoo!"

Tumaas ang kilay ni Mindy. "See? Tara na."

Hinila niya ako sa labas at naghintay kami ng ilang minuto para sa sundo niya na si Mrs. Gonzales. Napansin din ng Mama niya na panay ang ubo at sneeze ko habang nasa sasakyan. She told me to take some medicine at magpahinga. Funny, she never told me that in the past years na nakasama ko siya. Kadalasan masyado siyang madaming ini-isip para mapansin ang konting ubo o sipon ng mga taong nakapaligid sa kanya even with her own daughter.

Noong pumasok ako sa bahay kumunot agad ang noo ni Mama nang marinig ang mga pag ubo ko. I even excused myself early during dinner dahil wala akong ganang kumain. Mama later showed up in my room with some medicines.

"Do you have a fever?" Lumapit siya at hinawakan ang mukha ko.

"I'm fine, Ma." sagot ko habang nakahiga sa kama.

She frowned. "If you need something katukin mo lang kami."

"Hmm." I mumbled.

"Saan ka ba kasi nangaling kahapon at basang basa ka?" Mom asked in suspicion.

"May binisita lang akong kaibigan, Ma. It's just a cold. You are worrying too much." Ngumiti ako for her to know that I'm okay.

"Hindi mo ako masisisi." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa edge ng bed at bumuntong hininga. "Don't stay up late reading a book or something. Matulog ka na."

Tumango ako. "Yes, Ma." She bid me a good night bago siya lumabas at isinara ang pinto. Pinalipas ko ang ilang segundo bago nagsalita.

"God, Ashton. You nearly made me shrieked in front of my Mom."

Sinamaan ko ng tingin si Ashton na nakaupo sa baby piano ko. Ngingiti ngiti pa siya. Hindi ba siya marunong magpaalam man lang na nandyan na siya para hindi ako nagugulat na may nakatingin na pala sa akin?

"Namiss kita." biro nito.

I rolled my eyes. "Nagkita lang tayo kahapon."

Nawala ang ngiti niya nang marinig ang ubo ko. I groaned at mas hinila ang kumot palapit sa akin. Nakakunot ang noo na lumapit siya sa akin. Hinawakan niya bigla ang noo ko gaya ng ginawa ni Mama. Wala akong nagawa kundi titigan siya habang seryosong nakatayo sa harap ko.

The Jerk is a GhostOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz