The Jerk: Fourteen

348K 17.4K 3.1K
                                    

Fourteen,

Hindi ko namalayan ang mga sumunod na nangyari matapos kong marinig ang mga salitang yun. Ni hindi ko namalayaan kung paano ako nakalabas ng kwarto nang hindi nila napapansin o paano ako nakauwi. Hindi ko na din nagawang bumalik sa school gaya ng pinangako ko kay Mindy. Isa lang ang nasa isip ko noong mga oras na yun. Ang huling sinabi ng Doctor.

“I don’t think he can make it.”

Pumasok ako sa kwarto ko na tanging yun ang ini-isip. Ang sabi ng Doctor maaari pa silang maghintay. Pero kapag walang nagbago sa condition niya wala na silang magagawa. Nanghihina na napaupo ako sa gilid ng kama ko. Ashton, please. Nasaan ka na ba? We need you to get through this.

Dumating ang gabi at hindi parin nagpapakita si Ashton. Hindi ko alam kung napansin nila Mama ang namamagang mga mata ko dahil panay ang tingin nila sa akin habang kumakain ng dinner.

“Honey, is everything okay?” tanong ni Mama na napa-paused sa pagsubo.

Napatingin ako sa kanya at narealize na nakatingin silang lahat sa akin. “Fine.” pagsisinungaling ko. “Ma?” tanong ko makalipas ang ilang segundo. “Kung ang isang tao ay nawawalan na ng pag asa para mabuhay, paano mo siya matutulungan?”

Natigilan si Mama sa tanong ko. Akala ko tatanungin niya ako kung bakit ko natanong yun. It’s not a normal question. Pero ngumiti lamang siya ng marahan bago sumagot. “Give him a reason to live.”

Pumasok ako sa kwarto na malalim ang ini-isip. Kung ayaw magpakita ni Ashton, gagawa ako ng paraan. I will give him a hundred reasons para lumaban siya. Para makabalik siya. Hindi ko siya susukuan gaya ng pagsuko niya sa sarili niya. He deserves to live. Hindi man niya nakikita yun pero ako nakikita ko.

Kinabukasan, bago pumasok sa school, nagiwan ako ng note sa kwarto ko sakaling pumunta siya doon ng wala ako. 'Ashton, hwag mo sanang kalimutan na magkakampi tayo dito. You can’t just leave me here to fight alone. Lumaban ka kasama ko, you jerk!'

Medyo hindi encouraging pero yun lang ang alam kong paraan para mapilit siya. Kung nasaan man siya ngayon at least makonsensya siya na tulungan ako. Because a part of me will die with him if he will.

Pagbaba ko sa hagdan, dala ang school bag ko, natigilan ako sa paghakbang nang mapansin si Mama sa ibaba at nakatingin sa akin. Her arms are folded, hindi siya galit pero hindi din siya mukhang masaya.

“Delia?” tanong niya. “May lalake sa labas.” medyo hesitate na sabi niya. “Schoolmate mo daw. Susundin ka yata.”

Kumunot ang noo ko. Schoolmate? Napabilis ang pagbaba ko sa hagdan na dahilan para muntikan pa akong matisod. Very graceful, Delia. Nagtataka na sinundan ako ni Mama ng tingin. Pagbukas ko ng pinto natigilan ako nang makita ang isang lalakeng nakaupo sa hood ng sasakyan niya at obvious na naghihintay sa akin. Umalis siya sa pagkakaupo at napangiti nang makita ako. Micko.

Hindi ko alam kung bakit pero ibang tao ang inaasahan ko. Which is quite a stupid idea in the first place. Pilit akong ngumiti kay Micko bago binalik ang tingin kay Mama. Nagtataka parin ang tingin niya sa akin na ngayon ay may halo ng suspicion.

“Err.” I fumbled with the strap of my bag pack. “Kaibigan ko siya, Ma.”

“Oh?” she asked. “Ngayon ko lang siya nakita.” In my Mom’s eyes si Mindy lang ang tanging kaibigan ko. She knows I don’t associate myself with people I’m not at ease with.

“Err. Bagong kaibigan?” sagot ko. Napalingon kaming pareho nang may marahang kumatok sa pinto.

“Good morning, Delia.” bati ni Micko. “Good morning po ulit.” bati niya kay Mama sabay nagbow ng bahagya.

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon