Chapter 01 «Meet Taehyung»

573 20 1
                                    

HI, HMM. ENJOY READING <3

━━━━━━━━━
━━━━━━━━━━━━━━━━━


Kim Taehyung ༶

╔╗╔╗
║╚╝║
║╔╗║indi ako yung makikita mong
╚╝╚╝palaging may kasamang kaibigan. Mali, wala nga pala akong kaibigan. Hindi sa ayaw ko pero ayaw nila sa kagaya ko. Lahat lahat daw ng katangian ko ay ayaw nila. Sinisisi ko ang sarili ko. Bakit kasi ganito ako? Ang pangit ko. Hindi kalakasan. Hindi nga makalaban kahit lalaki pa ako. Mas nalalamangan pa ako ng babae. In short, isa akong nerd. Hindi akl yung tipo na nerd na may prince charming o princess na tutulong sa'kin sa mga nambubully sakin. Hindi din ako yung nerd na mag tatansform nalang bigla bilang mafia man yan o mayayaman. Sobrang normal kong tao. Kumbaga sa mga linya, yung pantay lang ako. Go with the flow.

Kung ano ang maisipan ng tadhanang gawin sakin, sasakyan ko nalang. Wala namang espesyal sa'kin, sobrang tutok at mas binababad ko nalang ang sarili ko sa pag-aaral. That's what nerds do, right?

Ano pa nga ba ang madedescribe ko sa sarili ko? Bukod sa parang may sarili akong mundo, meron akong kaklase na halos buong araw akong kulitin. Gusto niyang makipag kaibigan sa'kin pero ako, nanatiling hindi siya pinapansin. He is Jung Hoseok, masyado siyang active sa klase kaya tinatawag siyang pabida pero kahit ganoon ay hindi niya inaalis ang ngiti niya. Minsan ay naiirita ako sa pangkukulit niya sa'kin. Masyado siyang maingay which is yung ayoko sa lahat. Yung hindi ka talaga makaka focus sa pag-aaral kapag may madaldal.

"Mr. Kim!!" Napalingon ako sa pagkalakas lakas na tawag dito sa library.

"Shh." Saad naman ng librarian. Napabuntong hininga ako. Si Hoseok uli pero may kasama siyang isa pang lalaki. Sa tingin ko ay mahiyain siya dahil naglalakad siyang nakatingin lang sa baba. Lumapit silang dalawa sa table na pinagbabasahan ko at saka umupo.

"Hm?" I tried to be nice to him by smiling. Hindi sa ayaw ko siyang i entertain, nagbabasa ako ng libro para sa upcoming summative test namin sa science bukas.

"Umm, alam kong hindi pa tayo masyadong magkaibigan. Alam mo yun hehe. P-pero ipapakilala ko tong kasama ko sayo. Mabait yan kaso sobrang mahiyain. Nasa kabilang section natin siya at sobra sobrang galing niya sa Arts at History. Hehe, siya si Park Jimin." Mahabang pagpapakilala niya. Napatingin naman ako dun sa Park Jimin. Tumitingin tingin siya sakin pero nanatiling nakayuko.

"Hmm, nice to meet you. Umm, alis muna ako. May gagawin pa ako." Pagpapaalam ko. Alam kong masyadong rude naman ako sa ginawa ko pero wala akong magagawa. May trust issues na ako at umiiwas na ako sa gulo. Tama na yung pangungutya sa'kin dahil alam kong sanay na ako ng kaunti pero ang ma betray? Masabihan ng mas masasakit na salita? Mamatay sa sakit kapag umalis sila? Hindi kakayanin ng puso ko iyon.

Mas pinili ko nalang ang umiwas. And naniniwala ako na everything as an end. Ang friENDs mayroong hangganan at katapusan. Walang permanenteng bagay sa mundo. Pwera nalang kung may isang taong magpapakita noon.

Agad kong kinuha ang libro at bag ko. Narinig ko pa ang pagtawag ni Hoseok pero hindi ko na siya nilingon pa.

I'm Kim Taehyung, your stupid nerd boy wanting normal life like others but feels like its impossible.









━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Switched || TAEKOOKOnde as histórias ganham vida. Descobre agora