Chapter 02 «Meet Jungkook»

358 14 2
                                    


𒈞 Jungkook 𒈞

════════ ××× ════════

"Ready?" Halos mapahagulgol na ang lalaking nasa harapan ni Jungkook ngayon. Nakapatiwarik siya at ang kanyang mga paa ay nakatali sa taas. Nakatali pati na rin ang kanyang mga kamay at puros sugat at galos na may bahid ng dugo ang katawang hinang hina na.

Umiling ang kawawang lalaki ngunit ngumisi lang si Jungkook. "Aw, sad. But I'm ready." Nakakapangilabot itong ngumiti. Kumuha siya ng kutsilyo at itinapat iyon sa may sinding kandila.

"You know, this will be the consequence when you tried to mess with me and my boyfriend." Wala sa sariling saad ni Jungkook, animoy naakit sa apoy na nangagaling sa kandila. Natapos ang ilang minuto ay umalis siya roon at pumunta sa harapan ng lalaki. Nagpakawala siya ng ngisi hanggang sa inilagay at itinapat niya iyon sa mata ng lalaki. Idiniinan niya ito at halata sa mukha ni Jungkook ang saya at pagkagigil. Halos mapuno ang buong kuwarto ng mga daing ng lalaki.

Sa gitnaan ng saya ni Jungkook, bumukas ang pinto at iniluwa nun si Jin, isa sa mga kaibigan niya.

"Si babylove mo, andito." Nakangiting saad niya. Sa isang iglap ay nagbago ang reaksyon at itsura ni Jungkook. Pumorma ito ng isang matamis na ngiti. Tinignan niya uli ang lalaki.

"See you in next life." Saad ni Jungkook at itinapon ang kutsilyo sa tiyan dahilan para manghina at unti-unting malagutan ng hininga.

Tinignan ni Jungkook si Jin, animoy parang wala lang sakanya ang ginawa niya at ginawa ng kaibigan niya. "Come on hyung, your boyfriend is coming too." Nakangiting saad ni Jungkook at sinundan si Jin papalabas ng kuwarto.

Jin rolled his eyes. "Alam ko, siya ang unang nagsabi niyan sa'kin." Naiiritang saad ni Jin. Jungkook just chuckled.

Napabuntong hininga siya at masayang pumunta sa living room ng malaking mansyon. Namataan niya ang lalaking pinakamamahal niyang nakaupo sa sofa kasama si Namjoon.

"Babe." Masayang tawag ni Jungkook. Iniangat ng lalaki ang tingin niya kay Jungkook. Nagpakawala siya ng ngiti at lumapit sakanya saka niyakap.

"

I miss you." Saad ni Jungkook at isinubsob ang mukha niya sa leeg ng kasintahan.

"Hehe." Nahihiyang tawa nalang niya sa sinabi ni Jungkook. Nagbeso naman sina Jin at Namjoon, trying to be formal infront of their friends but deep inside, they want to cuddle each other.

"Jungkook tama na yan." Nakangising saad ni Namjoon. Tinignan nalang ni Jungkook siya ng masama at ibinalik uli ang pagkasubsob niya sa leeg.

"Jimin, nakakahinga ka pa?" Natatawang tanong ni Jin. "M-medyo, hyung." Saad ni Jimin. Jungkook looked at Jimin, pouting. "I'm sorry. I really miss you." Saad ni Jungkook. Hinawakan ni Jimin ang ilong ni Jungkook at saka mahinang pinisil ito.

"Oum." Tumango tango siya. Magkaiba ang ugali ng dalawang magkasintahan, si Jungkook ay hindi mo mabasa kung ano ang nasa isip at si Jimin namang napakainosente kung titignan.

Meet Jeon Jungkook, the guy who is so soft to his boyfriend but evil when facing others. Ready to kill who'll touch Jimin or touch his hyungs. He dont want to wish because all of the blessing are with him. Opposite to the boy who will be switch with him.

Switched || TAEKOOKWhere stories live. Discover now