Chapter 25 «Selos»

152 7 1
                                    

Hi, thanks for waiting! I'm fixing and revising my triple updates so mapapadali ko ang pag review ng mali sa book na to. Enjoy reading!

------

Taehyung

Lumipas ang isang araw at dumating na madi-discharge na ako sa hospital. Miyerkules na ngayon at kailangang hindi ko mamiss uli ang klase ko lalo pa't malapit na ang exam sa fourth grading. Hindi ko naman maintindihan kay Jungkook kung bakit bibigyan niya muna ako ng tutor well in fact ay kaya ko namang humabol sa lessons dahil two days lang naman ako absent. He cares about me raw dahil mai-stress lang daw ako kapag hahabulin at mamadaliin ko ang mga lesson.

Hello? Hindi niya ba ako kilala? I'm Kim Taehyung. Kaya ko ang studies ko. Buhay ko na 'to.

"Uuwi na ako sa--." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang tinignan ako ng masama ni Jungkook.

"Basta mag-ingat ka ha?" Nakangiting paalala saakin ni Hoseok. Ngumiti din ako pabalik. "Jhope, stop that. Taehyung will be back at our house." Pagprotesta niya.

"Hyung, Jimin is living in your house. Malaking gulo kapag nalaman niyang nakabalik na kayo sa dati at umuuwi pa din si Taehyung roon." Saad naman ni Jin. I mentally nooded. Totoo, besides Jungkook and I is NOTHING kahit nag break na silang dalawa. Still, baka biglaan lang iyon at misunderstanding lang.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Jungkook. "Your mom and Mr. Fred Alven went in a vacation." Saad naman ng kakadating palang na si Namjoon.

"Saan ka naman nagpunta?" Tanong ni Jin na may halong pagkairita. "Inutusan lang ako ni Jk na tignan ang dating bahay nina Taehyung." Pagsagot nito.

Napakunot ang noo ko. Anong ibig sabihin niyang DATING bahay 'e uuwi ako doon? Ngayon.

"Where is Suga?" Tanong ni Jungkook habang nakapamulsa. "Still with Jimin, trying to convince na umuwi sa mansyon." Sagot ni Namjoon.

Napaismir si Jungkook. "Wow, one day na suyo." Saad nito at saka hinila nalang ako basta-basta.

Hindi pa narerehistro sa utak ko ang mga sinabi at ginawa niyang biglang pag hila sakin. 

Is he Jealous? No way naman kasi wala na sila right? Wait Taehyung, no ekis with your thought!

Okay na yun.... diba?

Inis na bumitaw ako. Tumigil kami sa parking lot ng hospital. "Ano ba!?" Pasigaw na tanong ko. "Ang sakit ha." Dagdag ko at hinawakan ang kabilang kamay ko na napahigpit ng hawak niya.

Nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ako. "K-kung nagseselos ka kay Suga ay h-huwag mo akong idamay! Ako nanaman ang pagbubuntungan mo ng galit mong yan." Saad ko, pilit na sabihin ang mga salitang iyon. "What? Jealous? For what?" Naguguluhan niyang tanong.

"Alam kong nagseselos ka kay Suga diba? O ba't mo ako hihilain? Ang sakit kaya." Saad ko. "I'm not jealous, Jimin and I are not in a relationship anymore."

"Alam ko na hindi na kayo pero alam ko din na nagseselos ka kanina." Pagpoprotesta ko pa. Natahimik siya saglit at unti-unting napaismir siya.

"Why are concern? I being Jealous towards Suga?" Tanong niya. "A-ano? Anong pinagsasabi mong concern? Fact yun at hindi concern!" Saad ko at napaatras ng kaunti ng magsimula siyang umabante.

"T-tumigil ka nga." Pagpipigil ko sakanya.

"Taehyung..." Pagtawag niya sa pangalan ko. Tumigil siya sa pag-abante na siyang ikinatigil ko sa pag-atras.

"A-ano?" Nauutal na tanong ko.












"Are you jealous?" He asked.

~Sneaky peak~

"Is that t-true?"

"Oh bakit? Wala kang pakealam."

"G-ganun nalang ba yun kadali?"

Switched || TAEKOOKWhere stories live. Discover now