Chapter 19 « Sadboi »

123 10 0
                                    

Taehyung

Kanina pa gumising si Jungkook pero ninoman ay wala siyang gustong kausapin. Sigaw lang siya ng sigaw at iyak ng iyak. Nandito na rin si Hoseok at Suga pero nagpaalam sa'min ito na siya na raw ang kakausap kay Jimin dahil sa kalagayan ngayon ng boyfriend niya.

"Hello, hyung? Nakausap mo na ba si Jimin?" Dinig kong tanong ni Namjoon sa telepono.

Hindi ko narinig ang sagot ni Suga. "Did Suga talked to Jimin?" Tanong ni Jin dito. Namjoon nooded. Na-end na ang tawag at kasabay noon ang pagbuntong hininga ni Namjoon.

"Jimin don't want to talk with Jungkook." Saad ni Namjoon habang nakatingin sa sahig. Biglang bumaba ang balikat ko. Nakaramdam ng kaunting inis kay Jimin, oo naiintindihan ko na nasasaktan siya pero mali naman yung iniisip niya sa'ming dalawa 'e. Ngayon yung perfect time para masabi namin na mali yung iniisip niya... na nagkataon lang yun. Mahal na mahal siya ni Jungkook 'e.

Napabuntong hininga nalang ako saka tumayo. "Saan ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Hoseok. Nginitian ko nalang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Tumigil ako, nakaharap sa room 372 kung saan naroon sa loob ang katawan ko--- si Jungkook. Rinig na rinig ko ang sigaw niya. Dahan dahan kong pinihit ang door knob at tuluyan na ngang pumasok.

Napatingin saakin ang tatlong nurse at dalawang doctor, pati si Jungkook na may hawak na upuan na balak sanang ibato sa limang nagkukumpulan sa gilid.

"Where is Jimin?" Tanong niya saakin. "Ayaw niyang p--." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng ibato niya ito sa may pinto. Mabuti at nailagan ko ito.

"Then, what are you doing here!? I think that is your plan right? Diba?" Galit niya padin na tanong saakin.

Dahil sa tanong niya, nagsimula na akong maguluhan. "Ano bang pinagsasabi mong sinadya ko ang lahat? Na plano ko?" Bakas sa tono ko ang matinding pagkairita.

Galit na pumunta siya sakin at nagsimulang hawakan ang kwelyo ko. "Diba kaya tayo nagkapalit kase ayaw mo na ng buhay mo ngayon? Akala mo ba hindi ko narinig 'yun?" Galit na saad niya at halos tumagos ang kamay niya sa leeg ko.

"Oo, gusto ko. Gustong gusto ko iyon p-pero sinabi ko na sayo na nagkataon lang na ikaw ang unang naisip ko! Naiinis ako sayo nung time na 'yun! Sa tingin mo ba, makikipagpalit ako sa iba kung hindi na ako nasasaktan ngayon? Ha?" Galit na paliwanag ko sakanya. Mayroon ng mga luhang namumuo sa mga mata ko pero agad ko iyong pinunasan at pabalag na inialis ang kamay niya sa kuwelyo ko.

"Bakit ka hindi makapagsalita?" Patuloy ko.

Tumalikod naman ako binuksan ang pinto. "Kakamustahin lang sana kita pero parang wag nalang." Huling saad ko bago nilisan ang room niya. Parang nanghihina nanaman ako ngayon. Mas masakit pala kapag ma attach ka sa isang taong binibigyan mo ng halaga kahit sobrang sama niya sayo at parang basura lang ako para sakanya. Sobrang nasasaktan ako kasi nag tatry ako na makihalubilo sa iba pero parang sila lang ang tumataboy uli.

Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang JEON JUNGKOOK. Masungit, hindi man lang maka appreciate sa mga taong patuloy na umuunawa sakanya.

Switched || TAEKOOKWhere stories live. Discover now