Chapter 5 «No one»

179 17 3
                                    

"One, two, three....Go!" Sumenyas na ako saka niya pinindot ang fire alarm. Narinig ko na ang malakas na tunog nito sa buong campus. Nagsimula na ding mag panic ang mga estudyante at teacher. Sinenyasan na ako ni Hoseok na umalis. Dali-dali akong nakisabay sa mga estudyanteng may mga kung ano sa ulo nila. Bag, books at kung ano-anong bagay. Hindi naman to lindol. Earthquake drill ba to with fire alarm? Jusko.

Dali-dali akong gumaya ng pose nilang may takip sa ulo at nakikisabay sa pagtatakbo nila. Hindi pa naman ako nakakalampas sa classroom nila jk, may humila na agad sa kamay ko at ipinasok sa room. Agad nanlaki ang mga mata ko. Kunwari ay nakapikit ako, still nakahawak padin siya sa kamay ko. Ramdam kong umalis na ng kaklase niya. Shit naman! Plan failed pa! Jusko, lord. Tulungan niyo ako. Ipabully niyo na ako sa ibang estudyante. Pagbabatuhin man nila ako ng papel at kung ano pa man. Iprank nila ako ng kung ano. Hagisan ng balde at tapunan ng tubig, okay na yun sakin. Kesa naman dito, Lord. Parangawa niyo na ho.

"Do you think na makakatakas ka sakin?" Tanong niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Mahina akong napadaing. Iminulat ko ng dahan dahan ang mga mata ko. Nasalubong ko ang galit na galit na mukha niya. "B-bitawan mo nga ako!" Pilit kong ginagalaw ang kamay ko at maski bag ko ay tinatapon ko sakanya ng paulit paulit. Nahuli niya ang bag ko saka walang ano-ano ay tinapon iyon sa gilid. Ngayon, yung dalawang kamay ko na ang hawak niya. "B-bitawan mo nga ako!"

Halos hindi ako makakurap ng makitang mapaatras siya dahil sa suntok na ginawa ni... Hoseok? Hinawakan niya ang ibabang labi niya, may dugo na ito. Nabitawan niya din ako at gulat na mapatingin kay Hoseok. Parehas silang galit na galit na animo'y naglalaban gamit ang mga mata.

"What the heck!? J-hope!" Pasigaw na saad ni Jungkook. 'Jhope? So yun yung nickname niya? Or real name?'

"Sa susunod na sasaktan mo pa uli si Taehyung a--

"Ano? Anong gagawin mo? Boyfriend mo ba siya? Pwee, pumili ka nga ng matino, hyung." Bakas sa boses niya ang pandidiri saka tinignan ako taas hanggang baba. Akmang susuntukin uli ni Hoseok si Jk ng pigilan ko ito. Umiling ako habang nakatitig sakanya.

Hindi ako halos makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita si Hoseok na nakahandusay sa sahig dahil sa malakas na suntok ni Jk.

Galit kong tinignan si Jk. Susuntukin ko sana siya ng maiharang niya ang kamay niya. Susuntukin ko din sana siya gamit ang kabilang kamay ko ng mahuli niya iyon at hawakan mahigpit.

Bigla ay hinila niya ako papalabas ng room. Pilit kong pinipigilan para tulungan si Hoseok pero mas malakas siya sakin. Kinuha ko nalang ang bag ko at pilit pading nagpapabigat para hindi ako mahila.

Switched || TAEKOOKWhere stories live. Discover now