Chapter 18 «Danger»

133 9 2
                                    

AGAD-AGAD ko silang sinundan. Medyo bumilis ang pagkakatakbo ko dahil sa magandang kalidad ng sapatos na suot ko pero hindi muna iyon ang tatalakayin ko. Ang importante saakin ngayon ay masabihan ko si Jungkook na tumigil dahil sa sakit ko.

Sisigaw na sana ako ng bigla siyang tumigil. Sa isang iglap ay nawalan siya ng malay. Kingina, eto na nga ba ang sinasabi ko! Hindi lumilingon si Jimin kahit ano pang tawag ko sakanya. Kinginang field 'to.

Lumuhod ako at pilit niyuyugyog si Jungkook. "Hoyy! Putragitang pusit naman!" Nag-aalangan pa ako kung bubuhatin ko siya. Isinantabi ko muna ang ibang iniisip ko ngayon, ang mahalaga ay maligtas si Jungkook---- ang katawan ko.

Ikinarga ko ito na parang bridal style at ako naman ang tumakbo papunta sa clinic ng campus. Gulat pa silang tumingin saakin pero pinandilatan ko nalang sila.

Kinuha ko ang phone ko at agad dinial ang number ni Jin hyung.

"Hello? Taehyung?"

"H-hyung..."

"Why? May nangyari ba?

"S-si Jungkook po.. hindi ko po alam kung inatake siya ng asthma ko dahil sa pagtakbo o n-nahimatay dahil s-sa pagod."

"W-what!? Where is he?"

"Clinic po."

"Bring him to Seoul Hospital, immediately!

"Hmm."

Agad kong pinatay ang tawag.

"Nurse please bring him to the hospital!" Pasigaw na saad ko.

"Y-yes sir. A-ano ho bang nangyari sakanya?" Tanong niya habang chinicheck ang pulse ni Jk na nakahiga ngayon sa isang kama.

"I have--- I mean he has an asthma! Nagtatatakbo siya and then ganyan. Nawalan siya ng malay!" Paliwanag ko, sobrang kinakabahan.

__________________

AGAD kaming pumunta sa Seoul Hospital kung saan naroon na si Namjoon at Jin hyung. Idineretso siya sa isang room habang kami ni Namjoon ay nakaupo. Si Jin ay hindi mapakali sa kinatatayuan niya at kanina pa pabalik balik.

"Namjoon! I thought nasabi mo na sakanya na may asthma si Taehyung!" Pasigaw na saad ni Jin sa kasintahan.

"I already mentioned but he didn't mind it!" Sagot nito.

"Taehyung, ano ba talaga ang nangyari?" Tanong niya saakin.

"Nakita ko ho siyang nagsisigarilyo kaya agad ko siyang sinundan tapos p-pinagalitan pero he make everything worst. Jimin caught us staring at each other and he misinterpret it. S-si Jungkook, sinisi niya ako kung bakit nagkaganon tapos hinabol niya si Jimin." Mahabang paliwanag ko.

"Did you even try to stop him?" Tanong niya uli.

"Ginawa ko pero hindi niya pinapakinggan ang sinasabi ko. " Dagdag ko at nagsimula ng pumatak ang mga luha ko.

Dalawa ang rason kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Una, pinaka iniingat ingatan ko ang health ko kahit paulit ulit akong pagtripan ng mga estudyante at ngayon nanganganib na ang buhay ko at possible na kapag hindi malabanan ni Jk ang asthma ko, baka hindi kami magkapalit at habangbuhay na akong magiging siya. Pangalawa, naawa ako sakanya. Kahit sinisi niya ako ay hindi padin mawawala ang awang nararamdaman ko sakanya. Mahal na mahal niya iyon kaya ganoon na lang ang reaksyon niya. Mahal na mahal niya si Jimin....

Switched || TAEKOOKWhere stories live. Discover now