Chapter 27 «broken»

132 7 3
                                    

HINDI KO nakita si Jungkook bagkus si Jeongguk ang nakita ko ngayong araw. Kahit isa sa kanila, pati si Jhope ay hindi ko nakitang pumasok ngayon. Iyon namang Jeongguk ay palagi akong kinakausap buong araw. Naninibago ako, as in. Sobrang masiyahin kasi na Jeongguk ang nakikita at nakakausap ko at hindi ang supladong isa.

Naguguluhan pa din ako. Sino ba 'tong Jeongguk na 'to? At bakit sobrang kamukhang kamukha niya si Jungkook? Magkambal ba sila? Or iisa lang ang katauhan? Baka may Multiple Personality disorder? Pero imposible naman. Bakit hindi iyon lumabas noong nandoon ako sa katawan niya?

Ang gulo! Bakit ko ba pinoproblema yun? Okay, ano sayo Taehyung kung magkambal sila? Or iisa lang? Wala naman yan iaambag sa buhay mo diba? Diba? Wala kang pakialam sakanya!

Napasinghap nalang ako. Parang lumala ata 'tong pag ooverthink ko, dumagdag pa ang WALANG case ng pambubully sakin. As in WALA. Pero bakit? Argh, magpasalamat ka nalang Taehyung! Tatahimik uli ang buhay mo. Tatahimik na, ang poproblemahin ko nalang ay kung paano ako mag aadjust... kapag umuwi na sina mama at ang bago niya.

Nasa bahay na ako at ginagawa ang assignments ko, nag advance din ako sa pagbabasa para sa exam sa makalawa. Napatawa nalang ako, naalala ko nanaman ang sinabi saakin ni Jungkook, bibigyan niya raw ako ng tutor. Napahagikhik ako, so asan na? Wag mong sabihing multo hinire niya? Haha, nakakatawa Taehyung. Sobra.

Napatayo nalang ako ng may may door bell. Istorbo naman 'o. Agad akong pumunta sa pintuan para salubungin kug sino man iyon. Pagkabukas ko palang ay sinalubong na ako ng limang malalaking red at white baloons saka boquet of red flowers. Hawak hawak ito ng isang lalaki... na nakamaskara pa.

"For you." Pagsasalita niya at iniabot saakin ang boquet. "H-ha? Wala po akong natatandaan na nag order neto e. S-saka baka maling house po napuntahan niyo." Nahihiyang saad ko at napatakamot ng ulo.

Dahan dahan niyang inialis ang maskara. Si Jungkook? O si Jeongguk? 

"Paano ako magkakamali? You didn't remember me?" Tanong niya at inilapag sa sahig ang maskara.

Unti unti akong napailing. "Gusto mong malaman kung sino at bakit ko kamukha ang Jungkook na iyon... diba?" Tanong niya na nakapag pabuhay sa kuryusidad ko.

Hindi ko alam pero tumango ako saka pinatuloy siya sa loob ng bahay. "S-saan ko ba ilalagay tong baloons? Kung pagkain sana to haha." Natatawang saad ko at nalilitong hinahawakan ang limang baloons na nagsisilutangan sa ere. Yung boquet of flowers naman ay inilagay niya sa lamesa.

"I'm sorry. Iyon lang ang pumasok sa isip ko para naman isipin nilang inlove na ako." Napakunot noo akong mapatingin sakanya.

" I-inlove?" Takang tanong ko. Napabuntong hininga siya at tumingin sa couch. "You can sit." Pangunguna ko. Agad niya naman itong sinunod.

"I am Jeon Jeongguk, the first son of Mr. And Mrs. Jeon in fifth generation. Kapatid ko ang sinasabi mong kamukhang kamukha ko na si Jungkook. Mas matanda ako sakanya pero hindi halata dahil magkasing kamukha lang kami. Carbon coppied kumbaga." Paninimula niya.

So kapatid niya si Jungkook?

"Hindi talaga ako bumalik dito sa Pilipinas galing ibang bansa para mag-aral kundi ang punan ng pagmamahal ang puso ng kapatid ko. Simula pagkabata ay hindi ko na nakasama si Jungkook dahil linayo kami nina mama at papa sa paghihiwalay nilang dalawa. Dinala ako ni mama sa ibang bansa saka sina papa at jungkook ang naiwan dito." Pagpapatuloy nito. Halata ang pagiba ng ekspresyon sa mukha niya. It turn into a sad one.

Tumigil ako sa paggalaw at paghahanap ng mapaglalagyan nitong baloons, umupo ako sa upuan para hindi mangalay dahil alam kong mahaba haba pang storya ang madidinig ko.

"Nalaman kong namatay si papa dahil sa sakit na brain cancer, si mama naman ay kahit ganoon nag-aalala at dinadamdam ang pagkamatay ni papa. Gustong gusto na namin ni mama umuwi pero hindi pa tapos ang kontrata ni mama na magtrabaho. Nakausap ko si Jungkook sa telepono pagkatapos ng limang taon pero hindi na siya yung dating kapatid ko. Hindi na siya yung dating Jungkook. Ayaw niya na kay mama. Pati saakin. Iniwan daw namin siya at pinabayaan. Kaya naman, lahat ng humadlang sakanya ay tiyak na..." napabuntong hininga siya. " Hindi niya papalagpasin. Iingatan niya raw ang boyfriend niya, at hindi itutulad kay mama. Napapaiyak nalang ako dahil hindi ko na makotrol ang kapatid ko. Napuno siya ng galit at hinanakit. Dinamdam niya ito ng hindi man lang nalalaman ang dahilan kung bakit hindi makauwi kami ni mama at damayan siya. Ngayong wala na si mama at nakapagtapos na ako ng pag-aaral."

Gulat ang naging ekspresyon ko na may halong lungkot. "Tapos ka na?" Tanong ko. Tumango siya. "So bakit nag-aaral ka uli?" Tanong ko.

"Gusto kong hanapin ang kapatid ko at nahanap naman kita. Tinawag mo ako sa pangalan ng kapatid ko kaya i think kilala mo siya." Nakangiti niyang saad.

"O-oo, kilala ko ang kapatid mo. SOBRANG suplado niya." Napatawa ako ng kaunti.

"Nasaan siya?" Tanong niya. "Hindi ko alam. Hindi kasi siya pumasok... pati na din ang mga kaibigan niya kaya hindi ko din masasabi sayo kung nasaan siya." Saad ko.

"Alam mo ba kung saan siya nakatira?" Tanong niya uli. "O-oo, medyo malapit lg naman sa campus." sagot ko.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Parang nabuhayan sa sinabi ko.

"Gusto kong mapunan ng pagmamahal ang puso ng kapatid ko. Ayaw kong habambuhay niyang dibdibin ang hindi namin ni mama pag damay sakanya." Nakangiti niyang saad.

Tumango naman ako. Mabigat din pala ang pinagdaanan ni Jungkook. Hindi din basta basta iyon. Nakapatay siya dahil lang sa pagpoprotekta niya sa boyfriend niya. I mean, ex-boyfriend.

"Taehyung. C-can you help me? Gusto kong maibalik ang tiwala saakin ni Jungkook." Pakikiusap niya.

Napabuntong hininga ako. In the second time, mapapalapit nanaman ang landas ko sa lalaking iyon.

Dahan dahan akong tumango. Wala e, sadyang malapit lang at parang konektado ako sa mga Jeon.

-----

Switched || TAEKOOKWhere stories live. Discover now