Chapter 13 «Take two: Plan pt. 2)

142 10 4
                                    

NAPABUNTONG HININGA AKO NG masilayan uli ang mansyon nila. Jusko, ipinag dadasal ko na ngayon ang kaluluwa ko sa kung anong kinahihinatnan ng magiging buhay ko ngayon.

Nabigla ako ng may tumapik sa balikat ko. "Kanina ka pa sinasaway ni Jk, ayun nauna na. Hehe." Napatingin ako kay Jimin na nakangiting nakatingin sa'kin. I just gave him a small smile. Napakamot batok na din at the same time. "Hayaan mo na yung boyfriend mo." Saad ko.

"Ahh hehe. Tara?" Offer niya tumango nalang ako at dumiretso na kami sa paglalakad.

Agad na napatingin saamin ang lahat ng nandoon sa may living room. Nakita ko si Jungkook na masamang tinignan si Jimin kaya agad itong lumayo saakin saka ibinaling niya uli ang tingin saakin. Matalim ko din siyang tinignan. Anong akala niya. Risk ko na buhay ko pero 'di niya ako magagalaw, ako gumagamit ng katawan niya.

"Stop that stare fighting!" Pasigaw na suway saamin ni Jin. I mentally rolled my eyes. "Can you sit down, Mr?" Saad naman saakin nung Namjoon. Galit naman na napatingin doon si Jin.

Anong nangyayari dito!?

Umupo ako sa tabi ni Namjoon bale ganito yung pagkakasunod-sunod namin:

J͟i͟m͟i͟n͟ J͟u͟n͟g͟k͟o͟o͟k͟|| S͟u͟g͟a͟ H͟o͟s͟e͟o͟k͟|| J͟i͟n͟ N͟a͟m͟j͟o͟o͟n͟  at a͟k͟o͟

"So forget the previous talk all of us. We are now discussing about how we adjust at paano natin mapapaniwala ang mga taong ikaw si Jungkook at ikaw si Taehyung." Mahabang paliwanag ni Jin na ikinakunot ng noo ko.

"Po? Anong ibig sabihin niyo?" Takang tanong saka pasimpleng sumulyap kay Jungkook na nakakunot din ang noo.

"You will act like Jungkook by himself. No books, no eyeglasses, no studies." Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Napabuntong hininga siya at ibinaling ang tingin kay Jungkook.

"Hyung you will be acting like Taehyung. You have to study, you have to wear eyeglassess, and you have to study."

Parehas kaming napatayo ni Jungkook. "Unfair!" We said in sync. "Pwede namang baguhin ang traits and attitudes namin ni stupid alien diba?" Tanong ni Jungkook.

"I'm. Not. Stupid. Alien." May diin kong saad.

Napailing si Jin. "Kelan ka makakakita ng Jungkook na nag-aaral ng mabuti?" Sarkastikong tanong ni Suga na nakapagpatango kina Hoseok, Jin at Namjoon. Si Jimin ay nanatiling nakapulupot sa braso ni Jungkook habang pinapakinggan ang mga hinaing namin.

"Besides, hyung I'm trusting Taehyung. Base naman sakanya ay hindi siya masyadong palakaibigan at center of attention kaya mapagkakatiwalaan siya dito." Saad ni Hoseok. "I don't ask for your opinion." Bakas sa tono ni Jungkook ang pagkairita.

"Edi huwag kang makinig." Pagsingit ko sa usapan nila pero nagpatay malisya lang ako ng tumingin si Jungkook saakin.

"Enough! Please kahit kaunting konsidirasyon man lang para saaming nag-iisip para sainyo e no?" Napataas ang boses ni Jin saamin.

"Shh baby, calm down." Mahinang saad ni Namjoon dito at hinawakan ang kamay niya.

So... I knew it. Sila nga, two relationships so maybe sina Hoseok at Suga ba din?

Oh fudge, napapaligiran ako ng may naka in a relationship ang status. Nice.

"Jungkook, Taehyung please para kayong mga aso't pusa. Kahit isang oras lang, magkasundo nga kayong dalawa!" Pasigaw na saad samin ni Namjoon.

Hays, kapag talaga may tiyempo. Tatanungin ko si Hoseok kung ang mga magulang nila eh iyong dalawa.

Switched || TAEKOOKWhere stories live. Discover now