Chapter 30 « safe? »

137 12 6
                                    

Jeon Jungkook

Iwinaksi ko nalang ang napanaginipan ko. Naikuyom ko ang aking kamao ng maalala ang nangyari dati, I badly want to kill him!

Nakapasok na kami sa van. Si Rm ang nagdadrive, habang nasa passenger seat ako. Sina Jhope, Jin, Jimin ay nasa likuran. Pambihira at hindi sumama saamin si Suga pero nagpaalam ito na siya ang mamamahala mansiyon pansamantala habang wala kami. Tss, bayani na ba siya nyan?

Araw ng Linggo ngayon. I think bukas ay maayos na ang lahat dahil ngayon palang ay mawawala na si Jeongguk sa landas namin. Mapupunta siya sa impiyerno, kung magkamatayan edi parehas bagsak namin roon.

Napaigting ang panga ko ng maalala ang sinabi saakin ni Jimin, kasama ni Jeongguk si Taehyung. I dont know but inside me, nagagalit ako but i think wala lang 'to. Imposible, masyadong imposible. Now, I think hindi na pwedeng mainlove ako sa kahit kanino. Wait what?

-

Kim Taehyung

Naalimpungatan ako ng makarinig na malakas na pag katok sa pinto ng bahay. Kingina, linggo naman ngayon. Time first muna. Kakapagod. Bumalik nalang ako sa pagtulog ko, baka may mga batang nangpaprank lang. Talamak din kasi dito lalo na't madami daming pasaway na bata sa baranggay na 'to.

"Taehyung!" Halos mahulog ako sa pagkakahiga sa malakas na pagbukas ng pinto ng kuwarto ko. Pati na din dahil sa pamilyar na boses ang narecognize ko. Halos mamilog ang mata ko ng makita si Jungkook na nakatingin saakin habang hawak padin ang door knob at nakakunot ang noo.

"H-hoy! Anong ginagawa mo!? Trespassing ka! Magnanakaw! Manyak! Mamatay! Tulungan niyo po ako!" Halos umalis na ang lalamunan ko dahil sa sigaw ko. Anong ginagawa ni Jungkook dito!? Si Jungkook ba'to or Jeongguk?

"Dagdagan mo pa ng kidnapper, parang kulang." Nagbago ang itsura niya, pati ang tindig. Nakapamulsa na ito. He boredly looked at me saka umupo sa may study desk ko.

"Hoy! May upuan!" Agad na napabangon ako at itinulak siya. Tagumpay naman ako dahil bukas ang depensa niya kaya hindi niya ako nalabanan. Pinagpag ko pa ang desk saka pinunasan gamit ang tshirt ko saka inis siyang tinignan. He chuckled, probably natatawa sa reaksyon ko.

"Bakit ka nandito ha!?" Pasigaw na tanong ko.

"Glad your safe." Tipid siyang ngumiti at bigla nalang lumabas ng kuwarto.

H-ha? Buti raw at ligtas ako? Saan? Tss praning na ata.

Dali-dali kong iniayos ang pinaghigaan ko at lumabas ng kuwarto. Napaawang ang bibig ko ng makita na nagluluto si Jin habang tinutulungan siya ni Jhope. Si jimin naman ay nakaupo sa sofa at nakatungo lang sa tv at nanonood ng balita habang si Jungkook ay lumalagok ng sprite na kakabigay palang ni Rm.

"A-anong ginagawa niyo?" Tanong ko sapat para marinig nila. "Tinutulungan ka hehe." Saad ni Jhope.

"Di halata?" Tanong ni Jimin ngunit nanatiling nakatingin sa tv.

Napabuntong hininga nalang ako, kailan kaya mababawasan yung sama ng loob ni Jimin saakin? Apektado pa ba siya? 

"We're helping you, obviously." Nakangiting sabi ni Rm. Tumango tango nalang ako. Bakit parang ang weird nila? Hindi ko naman kailangan ng tulong ah.

Wala na akong nagawa. Next saturday pa ang balik nina mama kaya kailangan ko din makaayos ayos para hindi siya magalit pag-uwi.

Naligo muna ako dahil nakakahiya dahil ambaho ko na. Pakatapos ay tinulungan kong mag-ayos ng hapagkainan sina Jin hyung. Napangiti ako ng palihim, hindi ko alam pero ganito pala ang pakiramdam nang may dumadalaw, may kaibigan ka. Ang sarap pala sa feeling. Kahit na hindi pa kami masyadong close ay nararamdaman kong safe ako. 

Uupo na sana ako ng mag ring ang phone ko which is nakakuha ng atensyon nila. Nakakunot ang mga noo nila. Kinuha ko ang phone ko, si Jeongguk.

"Who's that?" Agad na tanong ni Jungkook. Naalala ko hindi ko pala dapat sabihin sakanila. Sabi kasi saakin ni Jeongguk ay gusto niyang sorpresahin ang kapatid niya.

"Kaibigan lang." Tipid na sagot ko saka sinagot ang tawag.

Switched || TAEKOOKWhere stories live. Discover now