Chapter 3 «Bullying Taehyung»

246 13 3
                                    

Hindi na ako mapakali. Nandito na ako sa harap ng paaralan, still hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Hindi sa may nakadikit na chewing gum sa sapatos ko kundi dahil kay Jungkook. Ang number 1 bully sa campus at ngayon, ako ang target. Natatakot ako sakanya, bali-balita na rin kasi na may namatay na estudyante dito at ang huling kasama nito ay si Jungkook. Ngayon, pinagdadasal ko na rin ang kaluluwa ko. Hindi ko alam kung bakit pa sa dinami-daming pwedeng magmay-ari ng school na ito ay siya pa!?

"Nauutot ata." Napatingin ako sa dalawang babaeng nagbubulungan habang nakatingin sa'kin. Tumatawa sila saka kinukuwento pa sa iba. Napabuntong hininga nalang ako. Dahan dahan akong nag lakad papasok, hindi iniintindi ang mga bulong bulungan nila o kung ano pa man. Ang importante sa'kin, makapag-aral➪makapagtapos➪makahanap ng desenteng trabaho.

"Mr. Kim!!" Napatingin ako kay Hoseok na tumatakbo papalapit sakin. Hindi ba siya napapagod kaka habol at kakasigaw kapag andyan ako?

Tumigil ako at tipid na ngumiti. "Mr. Kim, sabay na tayo. Hehe." Habol hininga niyang saad. Hindi na ako makaka tanggi pa, ayokong mag tago o tumakbo nanaman sakanya dahil magpapatuloy lang ang pangungulit niya sakin. Tumango ako, ngumiti naman siya at nagsimulang maglakad.

"Hahaha, ayy oppss." Nagtatawanan ang grupo ng mga lalaki sa may puno at biglang mapatingin sakin, sa'min.

Akmang lalapitan ako ng isang lalaki ng harangin ito ni Hoseok. "Anong ginagawa mo?" Napakunot ang noo ko ng tanungin iyon ni Hoseok, halatang seryoso siya sa sinasabi niya. Agad siyang tinulak ng lalaki at napahandusay siya sa grass. Lalapitan ko sana siya ng lapitan naman ako ng lalaki at pilit na kinuha ang bag ko. Pilit kong iniaalis ang kamay niya at hinahawakan ng mahigpit ang bag ko pero nagtagumpay siyang alisin iyon sa likod ko.

"Opps." Tumawa siya, pati yung mga kasama niya. Yung isa pang lalaki, sinipa si Hoseok. Halos hindi ako makakurap ng may sumugod na lalaki at pinatumba silang lahat. Napakurap kurap pa ako ng ilang beses. Dahan dahan kong kinuha ang bag saka tinulungan si Hoseok. Kanina ay hindi kami pinapansin ng mga estudyante, pero ngayon. Lahat ng mga mata ay nakatutok saamin.

"S-salamat p--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng humarap siya. Wala halos na salita ang lumabas sa bibig ko. Nirerehistro padin ang itsura ng lalaking nasa harapan ko.

"J-jungkook?" Gulat ding tanong ni Hoseok na ngayo'y nakaakbay saakin habang hinahawakan ang tyan niya.

Ngumisi lang ito saamin saka naglakad papunta saamin... hindi, saakin. Saakin siya pupunta. "Wait me in my classroom." Bulong niya sakin at nagpatuloy sa paglalakad.

Switched || TAEKOOKWhere stories live. Discover now