Chapter 22 «Sleep with him»

154 11 1
                                    

Taehyung

HALOS manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "A-ano? Nahihibang ka na ba!? Ayoko nga!" Dire-diretso kong saad at bahagyang umayos ng tayo.

Balak niya ba akong gawing kabet? Kingina siya, mabuti sakanya si Jimin (?) tapos magsasabi siya ng SLEEP WITH ME?

"If your thinking about us, we two just broke up." Malumanay niyang saad.

"A-ano?" Iyan lang talaga ang tanong at word na nailabas ng bibig ko. Asan na yung dating Jungkook na hanggang kamatayan poprotektahan si Jimin? Asan na yung dating Jungkook na hinding hindi papakawalan ang isang Jimin?

"I don't do repeat. Alam kong narinig mo. Now, sleep with me." Saad niya at nakangiting itsura ang ipinukol saakin.

"A-ayoko nga! Sino ka para... utusan akong matulog katabi ka!?" Tarantang saad ko nang magsimula uli siyang lumapit saakin pero dumiretso siya sa hospital bed at humiga.

Pinat niya ang empty space sa kama at naka pout na tumingin saakin.

"A.Y.O.K.O." May diing saad ko. Nakita ko namang nag-alab ang mga mata niya. Mukhang nagalit siya sa sinabi ko.

"You're annoying huh?Come here or I will lift you up and lay you down here!" Pasigaw niyang saad na ikinatigil ko.

Ngayon,dalawa nalang ang choices ko.
Una, kung magpupumilit akong ayaw ko ay bubuhatin niya ako papunta sakanya at pangalawa ay pumunta lang ako sakanya at mahiga sa tabi niya. Argh! Dalawang choices pero parehas lang ang magiging bunga... matutulog akong katabi siya.

Nakakainis! Kung bakit pa sila nag kahiwalay! Eto tuloy ako, parang naghihirap na dahil sa kung ano mang plano ang tumatakbo sa utak ko--- utak pala ni Jungkook na nasa katawan ko.

Pero wala namang utak ang kaluluwa diba?

"One!" Nabalik ako sa ulirat ng magsimula siyang magbilang.

Kahit labag man sa loob ko, dahan-dahan akong lumapit sakanya at nahiga sa tabi niya. Nakaharap lang ako sa kisame habang na awkwardan sa posisyon namin. Ramdam ko ang pagtitig niya saakin.

"Ang gwapo ko talaga." Masayang bulong niya at hinawakan ang buhok ko--- buhok niya pala. Agad kong tinabig ang kamay niya sa pagkakahawak sa buhok.

"Oh bakit? Buhok ko yan kaya wag kang madamot at magtaray dyan." Saad niya. Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan siyang paglaruan ang sarili niya namang buhok. Hindi ko alam pero parang gumagaan ang pakiramdam ko habang hinahawakan niya ang buhok ko. Parang nakikiliti ako na ewan. Basta ang alam ko, parang narerelax ako.

Humarap ako sakanya at nagbabadyang tumiklop na ang mga mata ko. "G-good night." Nakangiti kong saad. Para bang nahi hypnotize sa galaw niya.

Naramdaman ko ang pagtango niya. Saka ko lang naramdamang tuluyan na akong nakatulog.... na katabi siya.

Switched || TAEKOOKWhere stories live. Discover now