Chapter 26 «Meet him»

167 5 2
                                    

Few more chaps. 👀🥺.

------

Taehyung

Hindi ako kumibo mula pa kanina. Sinundo ako ni Jungkook sa bahay ng wala saming dalawa ang nagsasalita. Galit ako sakanya pero sa kabilang parte ay naguguluhan mismo ako sa sarili ko.

"Are you jealous?"

I gulped. Hindi kaya tama siya? Hindi kaya concern ako? Nagseselos dahil sa sinabi niya?

T-taehyung! Hindi! Hindi pwede! Nakakalimutan mo na bang isa siyang mamamatay? Taehyung MAMAMATAY TAO ka magmamahal. Hindi pwede.

"Taehyung, magfocus ka lang sa pag-aaral mo. Makapag tapos at makahanap ng disenteng trabaho. Distraksyon lang ang pagmamahal sayo, Taehyung." Pagkausap ko sa sarili ko.

Napaupo nalang ako sa kama. Sobrang gulo na ng utak ko. Utak na punong puno na ng tanong, problema at lungkot. Baka nga pati brain cells magsawa sa utak at biglang lumabas ng ulo ko.

Kasalanan mo 'to Jungkook. Kung hindi lang sa soul switched at pangbu-bully mo sa'kin ay mababawasan naman ang sakit sa ulo ko. Pinoproblema ko pa ang love life mo!

Tama Taehyung, magalit ka sakanya. Magalit ka dahil bully siya sayo, magalit ka para.... para mawala ang namumuong feelings mo sakanya.


•••




Sumapit na ang umaga at nakapaghanda na ako ng mga gamit ko. Ako na mismo ang nagluto para sa sarili ko dahil kahit andito naman si mama ay parang hangin lang akong dumadaan sakanya. Kakalabas ko palang ng bahay ng makaramdam ako ng biglaang kaba. Kaba na hindi inaasahan. P-pero bakit?

Iwinaksi ko nalang iyon. Takot lang ako kasi sa panibagong araw nanaman ng pambubully saakin. Sana ay magkaroon ng aberya para makapunta sa campus si Jungkook. Matraffic, masiraan ng kotse, madapa, o mabuhol sa buhok niya ang suklay o isang bubble gum.

Halos iyon nalang ang iniisip ko hanggang sa makarating sa tapat ng campus.

Napansin ko ang biglaang pag-iwas saakin ng mga estudyante at iyon ang ikinakunot ng noo ko. H-hindi ba nila ako pagtatawanan? Kukutyain? Tapunan ng pintura? Papel? Kukunin ang bag ko?

Napalunok nalang ako at papasok sana sa gate ng harangin ako ng guard.

"Yung id mo." Saad niya. Napabuntong hininga ako, may bago palang policy dito. No id, no entry na ngayon lang ipinatupad kung kailan patapos na ang school year.

Kinapa ko ang bulsa ko at halos manlaki ang mga mata ng walang makapang kahit ano roon.

"S-sandali lang po manong ha?" Saad ko at hinagilap sa bag ko. Halos pagpawisan na ako pero hind ko padin makuha ang id ko. Lagot ka, Taehyung.

Nahihiya akong humarap kay manong. "S-sir, pwede niyo ho ba akong papasukin kahit wala pong id? Naiwan ko po ata e." Pakikiusap ko.

"Ay sorry. Mahigpit na ipinagbabawal sa isang estudyante ang walang id." Pagpapaliwanag niya.

Napabuntong hininga ako. Hindi ba ako papasok? Malapit na ang exam, pano na to?

"A-ah, hello? Mr. Kim Taehyung?" Napalingon ako sa likuran ko. Halos manlaki ang mata ko dahil sa lalaking nasa harapan ko.

Si Jungkook! P-pero bakit Mr. Kim Taehyung ang tawag niya sakin?

"Id mo ba to?" Tanong niya uli. Dahan dahan akong tumango saka kinuha ang id ko. Hindi ako halos makapagsalita sa itsura niya. Pula ang buhok, mas tumangkad at pumuti ito. Pansin din ang sugat sa may bandang leeg niya pero natatabunan ito ng kanyang polo.

"Jungkook?" Tanong ko. "A-ah hindi po Mr. Kim, I'm Jeongguk. Nice to meet you." Pagpapakilala niya. Halos manlaki ang mata ko at pati panga'y aabot hanggang sahig.

Sino si Jeongguk? At bakit kamukhang kamukha siya ni Jungkook?

-------

-------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Switched || TAEKOOKWhere stories live. Discover now