Part 47

3.4K 85 4
                                    

Part 47

During Holiday, my family and Darlene's family decided to celebrate it as one. Masaya sana kaso may kulang... my parents. Nakakalungkot dahil wala silang dalawa. At hangganga ngayon ay wala pa rin alam ang mga kapatid ko sa nangyari sa kanila. I still have no strength para sabihin.

"Merry Christmas, Mommy, Dad," sabi ko nang maupo. "I'm sorry if ngayon nalang ulit ako naka-dalaw. Life lately is kinda busy and tiring. I got busy with everything." I let out a heavily sigh.

Tumingin ako sa mga pangalan nila na nakaukit sa tombstone.

"I'm so guilty..." I whispered. "Whenever I'm with Darlene, I'm so guilty. I wanted to tell her everything pero ang hirap... sobrang hirap. Kasalanan ko naman pero ako 'tong nasasaktan. I'm scared. Ayokong mawala siya sa akin..." my voice shake. "I'm scared to lose her." Inangat ko ang tingin.

Kaya siguro hindi ko magawang sabihin sa kaniya dahil sa nararamdaman kong 'to... dahil sa takot ko. Noong pumasok siya sa amin, she's so innocent, lovely, bold, and pretty. Wala siyang kaalam-alam sa mga sinasabi nila. She was just there, laughing with our friends but still, niloko namin siya. I admitted that. Inaamin ko ang nagawa at mali ko.

Ang dami ko ng kasinungalingan... hindi lang kay Darlene pati na rin sa mga kapatid ko. Patatawarin pa kaya nila ako kapag nalaman nila? Si Darlene, will she forgive me? How about Phoebe and Preston, will they forgive me because of the lies?

"Hey, Kuya, why are you like that? Bakit ka tulala?" Preston showed up, he was putting his luggage in the compartment.

Ngayon ang alis namin papunta sa Boracay. Sa airport kami magkikita nina Darlene. Nandoon na daw sila at kanina pa niya ako mine-message na bilisan daw namin.

"Nothing." Iling ko. "Let's go?"

"Yes! Kuya, tara na!" Phoebe smiled.

"Oh my god! Magpapa-braid ako sa Boracay!" tili ni Lala. "I can't wait!"

We headed to the airport. Akala ko mahuhuli na kami. Nang makarating, nakita naman kaagad namin sina Tita Serine. Nalipat ang tingin ko sa likod niya.

I saw Darlene, sitting on her luggage while Amir was in front. Naglalaro sila. Napatingin siya sa akin. Her eyes widened then ran towards me. Inangat ko ang kanang kamay para salubungin siya. I kissed her forehead when she hugged me.

"Excited na akong pumunta sa Boracay, Nix! Lulunurin ko si Darius!" Tawa niya.

Tumawa rin ako bago bumaling kay Darius. Kumunot ang noo ko nang makitang naka-ngiti siya habang may hawak na phone.

"What happened to him, baby?"

"Ah, hayaan mo 'yan. Kanina pa 'yan nakangiti. Tara nalang." Higit niya sa akin.

Our flight was just on time. The flight was hour, nakatulog si Darlene habang nanonood kanina. Inalis ko ang iPad sa harap niya. Nilingon ko siya. Inayos ko ang buhok niya nang makitang nakaharang na sa mukha niya.

When we arrived at Boracay, ang akala ko same room kami. Hindi pala. Solo ni Darlene ang kwarto niya. I want to sleep beside her pero nand'yan ang parents niya. Nakakahiya naman 'di ba kung gagawin ko 'yon.

Kinabukasan, we enjoyed our free time on the beach. I don't want to think about problems for a while. I want to remove that for three days. Kahit saglit lang.

"Bal, pahawak nga." Darlene removed her flowy dress. Kinuha ko naman 'yon.

We just finished eating lunch. Nasa beach kami para magpahinga saglit. Nakatingin ako sa kaniya. She's wearing a bikini, and damn... she's so sexy. Ang dami tuloy napapatingin sa kanya lalo na ang mga lalaki.

TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Completed)Where stories live. Discover now