Part 4

10K 195 80
                                    

Part 4

Sumunod ako sa food park. I tracked their place. Nakita ko rin naman agad sila. I parked my car then stayed in my car. May pinag-uusapan sila na kung ano habang nagbibigay ng yelo si Dash. Para saan naman 'yon?

Napansin ni Finn ang kotse ko kaya napilitan akong bumaba. He ran in my direction.

"Nix, wala akong pera. Nasa condo. Hindi ko mabibili ng pagkain si Darlene babe," he said.

Nag-salubong ang kilay ko sa huli niyang sinabi. "Darlene what?"

"Joke lang." He laughed. "Ang possessive mo naman. Darlene lang ang tawag namin sa kaniya."

"I am not possessive," I said while getting my wallet. "Si Darlene lang ang ibibili mo." I gave him one thousand. Ang swerte naman niya, ang lakas niyang magsugal tapos hindi siya makabili ng pagkain?

"Bakit naman?! Kami rin!" He said hysterically.

"No. Only Darlene. Buy her some food, kahit ano basta huwag 'yong mga dirty. Lagot ako kapag sumakit ang tiyan n'yan."

He rolled his eyes. "Isang isaw lang naman. Dali na, Nix."

"No. Go now." Umalis siya pero tinawag ko siya pabalik. "Don't tell that I was the one who gave that."

He nodded. Bumalik siya kung nasaan ang mga iba matapos bumili ng pagkain. I leaned on my car while watching Darlene's movements.

She was eating a lot of foods. Bilib rin ako sa babaeng 'to. Ang lakas-lakas kumain pero ang payat-payat. I mean not that skinny, may curves ang katawan niya, at ang pagiging payat niya ay bagay sa kaniya. Matangkad pa. Pero iyong cheeks niya ay parang siopao, so cute.

I guess she's fine so.... I think I'll leave now. Paalis na sana ako pero nakita ko si Mico, Darius' friend. Nakatayo siya sa tabi ng kotse niya.

"What are you looking at?" I asked Mico who's standing and his eyes shifted to Darlene's direction.

"Bakit ka ba nagagalit? I was just looking at her. She gave me the face of Darius. They both look alike." He looked at me. "Related ba sila?"

"You don't care," I said.

"Ano nga? Girlfriend mo ba 'yon?" He raised his brow.

"She's not." Umiling ako.

"Sus... girlfriend mo 'yon."

Bakit ba patuloy sila sa pagsabi na girlfriend ko si Darlene? E, hindi ko nga siya girlfriend.

"She's not my girlfriend." I repeated.

Tumingin ako sa pwesto ni Darlene. She's eating again. Buti hindi napapagod ang bibig niya kakanguya, 'no? Kanina pa siya kumakain. Kanina inihaw lang ang kinakain niya, ha?

"Gusto mo pala ng secret relationship, ha," he teased, laughing.

"Shut up. She's not my girlfriend." I rolled my eyes. "And why the hell are you here?"

"Wala." He answered.

Hindi ko na pinansin ang sagot niya. Pumasok ako sa kotse para bumalik sa mansion. May gagawin pa ako pero kung ano ano ang inuuna ko.

Sa office agad ang punta ko nang makabalik sa mansion. May kanya-kanya namang ginawa ang mga kapatid ko kaya hinayaan ko na lang.

I did my paperwork. Sobrang dami kong gagawin, shit. My phone beeped, I took my phone and Dash's message popped on my screen.

From: Dash
HAHAHAHAHAHA

Why is he laughing? So nonsense.

From: Dash
Sumubsob si Darlene. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA TAWANG-TAWA AKO HAHAHAHAHAHA

TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Completed)Where stories live. Discover now