Part 6

6.9K 157 36
                                    

Part 6

I went home after that. I am still thinking about what happened at the Rax. I let out a sigh while thinking about the... bet. Ngayon palang, iniisip ko na ang posibleng mangyari. Bumangon ako. Kinuha ko ang laptop ko para makita kung nasa bahay si Darlene. I sat on my swivel chair. I clicked her location. Her necklace has a tracking device, so malalaman ko kung nasaan siya.

A red dot suddenly moved. Napaayos ako ng upo. Saan na naman kaya ang punta niya? I took my umbrella first then decided to leave. Hindi na ako nagdala ng kotse kahit na maulan sa labas.

I tried to follow her using the red dot. Mabuti at nakita ko naman siya. Nasa loob pa naman siya ng village kaya hindi ako nahirapan. Namataan kong nagpapaulan siya. Nilapitan ko siya at kaagad na hinila.

"Putang ina! Bitiwan mo ako!" she yelled as I held her arm. "Tang—" I covered her mouth. Hinila ko siya papunta sa waiting shed.

"It's midnight and yet you're here? Tapos umuulan pa?" I said. "Tapos feel na feel mo pa 'yong ulan, ano ka, nasa commercial?"

She faced me, removing my arm from her mouth. "Gago, anong ginagawa mo rito?!"

"You, what are you doing here?" Gabing-gabi na tapos nandito pa siya? Ang akala ko ba bantay 'to, e, bakit nakakatakas?

"Hindi kasi ako makatulog!" Hinawakan ko ang kamay niya nang balak niyang maligo ulit sa ulan. "Maliligo nga ako sa ulan!"

"It's cold!" saway ko.

"Hindi ako nilalamig." She went at the middle. "Joke lang 'yong hindi ako nilalamig. Ang lamig!" Her hair waves because of the wind. Dinadama pa niya ang ulan at halatang natutuwa sa ginagawa.

Pinapanood ko siya. Napasinghap ako nang maalala ang sinang-ayunan ko. Damn, ano ba 'tong pinasok ko? Why did I choose and agree on that bet? Why did I choose to hurt her? I opened the umbrella so we could go home. It's really cold right now. Baka magkasakit pa siya sa ginagawa niya.

"Huwag ka ng mag-payong. Liliparin lang 'yan sa sobrang lakas ng hangin," aniya bago ako iwan.

"Fuck!" Nilipad ng hangin ang payong na hawak ko!

She laughed, looking at me.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Stop laughing!"

"Ang arte mo kasi! Payong-payong ka pa, mababasa ka lang din naman," she said, still laughing.

Freak! Mas lalong lumakas ang ulan!

"Kapag ako nagkasakit, aalagaan mo ako!" Napahilamos ako sa mukha dahil sa ulan. Tumingin naman ako kay Darlene na nakatingin rin pala sa akin.

She raised an eyebrow. "Edi wow!" she said. "Hindi ka ba marunong mag-alaga ng sarili mo?"

Hindi, wala namang nag-aalaga sa akin and besides... I can take care of myself. Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko ang phone at wallet ko sa bulsa.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari hanggang sa maramdamang mahigpit na pala ang hawak ko sa kaniya.

We danced in the middle of the night while it's raining. Nakatitig ako sa mga mata niya. Her eyes look happy even if she's not smiling. I slightly pulled her closer to me. I held the back of her head as I gave her a kiss on her forehead.

I'm sorry, Darlene. I'm so sorry.

"Let's go... saan ka ba pupunta?" Sandali ko siyang binitiwan.

Tahimik lang siya nang nilingon ako. "Mmm... sa kainina sana... tara. Libre mo 'ko."

"Alright..." I chuckled.

TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara