Part 27

5K 107 26
                                    

Part 27

Darius was still holding a baby, iniwan ko siyang mag-isa habang nag-aalaga ng bata. Kanina pa rin ako naghihintay ng message galing sa private investigator ko, hindi kasi ako mapakali kanina noong may nakita ako sa isang website. Same Rinaldi name with Darlene.

I'm so confused.

My phone beeped and I saw Marlon's message.

From: Marlon
Phoenix, wala akong masyadong makita but... may nakita ako. Mahalaga ang girlfriend mo kay Serine Rinaldi. I don't know the reason but I will find out.

I replied before turning off my phone.

Nasa likod ako ni Darlene, nakaupo siya sa monobloc chair at kanina ko pa siya kinakausap pero hindi man lang niya ako pinapansin. I was talking to her but I couldn't get any attention, so I rested my chin on her right shoulder. I tilted my head to sniff her hair, then kissed her cheeks. Binaba ko ang kamay ko para hawakan siya.

"Ang clingy boyfriend mo naman, Nix. Hindi naman aalis si Darlene sa 'yo." I heard Gianna say.

"Wala pa silang label."

I rolled my eyes secretly after hearing that. Nagtagal pa sila bago tumayo si Darlene. Nakikipag-usap kasi siya sa mga sister dito.

"Darlene, get your baby," Darius said.

"Akin na," kinuha ni Darlene si Ellice. "Uuwi na tayo."

I looked at my rolex and it's already six. We've done a lot and some of them are tired. Kinuha ko na ang bag ni Darlene habang naghihintay siya.

Everyone went outside, naglinis muna sila kanina kaya aalis na lang. Sumunod ako kay Darlene dahil lumabas na pala siya. They were outside of the gate saying goodbye, while I was looking straight in front. Because I saw someone who was watching us.

Really, Astra? You will kill her here?

Trevor looked at her too. "The fuck..." he whispered.

"Let her, aalis rin 'yan." Tumingin ako kay Darlene na hinahalikan ang baby sa pisngi.

Nagpapaalam pa siya sa lahat. Ganoon rin ang iba. Hinihintay lang namin silang matapos. Si Darlene, hindi magawang iwanan ang baby. The baby wants her. But sadly, we can't adopt her.  Pero ang cute ni Darlene pagmasdan habang may hawak na baby. Gusto ko rin ng baby pero I'm too young for that, so I guess not now.

May mga sinasabi pa silang lahat habang pinapakiramdaman ko ang gagawin ni Astra, she was holding a gun. And I know she will do something later or maybe now.

Dumiretso kami sa parking lot para na rin makauwi na. This is too tiring. Nilingon ko si Darlene at may iniisip siya na kung ano habang diretso lang ang tingin. Is she alright? I think she's still thinking about what Alissa said, or about Lara.

"Gusto ko naman magsaya!"

Nag-aya sila sa Rax. I know Darlene wants that too. Alak ba naman ang nagtatawag sa kanya. Nanatili kami sa parking lot dahil nagpapahinga pa sila. I was standing while they are sitting on the gather, bumaba ang tingin ko sa hawak ni Darlene. She was still holding the flowers.

May tinitingnan siya kaya nilingon ko ang likod ko.  She saw Astra. "You saw her, too." She looked at me. Halatang gulat siya sa sinabi ko, hindi inaasahan na alam kong nandito si Astra.

"Alam mo?" She asked.

"Yeah. Kanina ko pa siya napapansin diyan. She's looking at you and I think she have plans to killed you here." Sagot ko. "Hindi niya lang magawa kasi marami kang kasama."

"Bakit hindi ka man lang nagsasalita."

"It's so obvious. Her presence is obvious. She didn't know how to hide. Basta-basta na lang siya kumikilos, hindi malabong mamatay ang babaeng 'yan." Totoo naman, e, hindi siya marunong.

TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Completed)Where stories live. Discover now