Prologue

323K 9.4K 4.6K
                                    

#SB3

This is a work of fiction

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Start date: July 1, 2022

End date:

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


ISANG matangkad na lalaking nakasuot ng all black; mula jeans, shirt, at cap, ang nakatayo sa labas ng gate namin. Bukod sa nakayuko at may suot siyang sombrelo, nasa may gawing dilim din siya kaya hindi gaanong maaninagan ang kanyang mukha.


But I know him.


Malayo pa man, hindi man ganoon kaliwanag sa kanyang kinatatayuan, at kahit ilang taon na ang nagdaan mula nang huling pagkikita namin ay hindi pwedeng hindi ko siya makikilala.


Marahan akong lumabas ng gate at ang tunog ng tarangkahang bakal ang kumuha sa atensyon niya.


Umangat ang kanyang mukha mula sa pagkakayuko. Ang itim na sombrelo niya ay bahagya niyang inangat nang tumingin siya sa akin.


Nagsimula akong humakbang patungo sa kanya habang halos magiba sa kaba ang dibdib ko.


"Kanina ka pa?" maliit ang boses na tanong ko.


"Kailan ka pa dumating?"


Ang boses niya na bagamat mahina ay buong-buo. Kasing lamig ng hangin na tumatama sa balat ko ang salat sa emosyon niyang tono.


Nilinis ko ang bikig sa aking lalamunan bago nakuhang sumagot sa tanong niya. "Hapon na. Na-delay kasi ang flight ko."


"Pupunta ka ba sa bahay?"


"K-kung okay lang sana..."


Tumango siya at pagkuwa'y tumalikod na. Tinungo niya ang itim na motor na nakaparada sa gilid. Sumakay siya roon. Itinalikod ang suot na sombrelo saka naglagay ng helmet sa ulo.


Nang i-start niya na ang motor ay hindi ko napigilan ang sarili na tawagin siya.


"Isaiah!"


Lumingon siya. Dahil hindi pa nakababa ang salamin ng helmet ay nakita ko ang malamig na kakulay ng gabi niyang mga mata.


"Bakit?"


"S-salamat..." sambit ko.


Tumaas ang isa sa makakapal niyang kilay.


"Salamat sa pag-aalaga sa... kanya habang wala ako..."


Matagal na nakatingin lang siya sa akin bago tipid na nagsalita. "NP."


Natigagal ako nang biglang ngumisi ang mapula niyang mga labi."Anak ko iyon, alangan namang pabayaan ko."


Pinaandar niya na ang motor at iniwanan ako. Nang wala na siya ay napahawak ako sa aking dibdib.


Bumalik na ako sa loob at dumeretso sa kuwarto. Dinampot ko ang phone na nagri-ring. May nagre-request ng video call.


Isang guwapong batang lalaki ang agad na bumungad sa screen. Nakanganga ang mapulang mga labi kung kaya't makikita ang mga ngiping bungi.


[ Elow, mommy! 'Kita mo ba daddy ko?! ]


Katulad ng ginagawa ko palagi, sinikap ko ang magpakita ng isang masayang ngiti. "Hi! Yes, galing siya dito."


[ Binigay ni Daddy gift ku?! ]


Kumunot ang noo ko. "Ha? Anong gift?"


Ngumisi ang batang bungi. [ Kiss!!! ]


Napalunok ako.


[ Mommy, nag-tutbras si Daddy ku pag alis kase ki-kiss ka nya! Mommy, kiniss ka niya??? ]


Tumango na lang ako at iniba ang usapan. "I'll see you tomorrow, baby."


[ Oki! See yu, Mommy! Bye, magtu-Tulfo na si Wowa e, nikukuha na saken CP niya! Ba-bye!!! ]


Nang wala na ang bata ay bumuntong-hininga ako at tumulala. Yes, that handsome boy is my kid. Our kid...


Isaiah and I fell in love with each other when we were young.


We had this kind of love that was innocent, yet aggressive, intense, and knew no law.


We were so blinded by our young love that we didn't care about the world.


So blindly in loved that we didn't notice that we were already ruining each other because we were both naïve and didn't know better.


Until we reached the end of the line. We realized that our young innocent love that we thought was already enough to keep us going was just a trick of the mind.


But I had no regrets of loving Isaiah. Sa kabila ng lahat, siya pa rin ang nagpabago ng buhay ko, siya pa rin ang dahilan kaya hanggang sa mga oras na ito ay buhay pa rin ako. 


Hindi ako nagkamali na magtiwala sa kanya. Hindi niya ako binigo kahit pa hindi ko tinupad ang pangako ko na babalikan sila...


Na babalikan siya...


JF

South Boys #3: Serial CharmerWhere stories live. Discover now