Chapter 6

79.4K 4.2K 2.6K
                                    

YEAH... YEAH...


Sa bukana pa lang ng pinto ay nauulinigan na ang mga boses ng nagja-jamming sa loob ng room.


Ikaw na lang ang katabi, ngayong gabi...
Pupwede tayo magpabaga 'pag nanlalamig
Oh, magdamag nakasindi, buong gabi
Naghahanap kasi ng tama ang nagkamali

♪♪


Sumilip muna ako at nakita na magulo ang mga upuan sa loob. Ang mga kaklase ko ay kanya-kanya ng ginagawa. May nags-cellphone, may nagre-retouch, may natutulog sa armchair, at ang iba ay nakiki-jamming.


Si Asher James Prudente na kaklase namin ang kumakanta. "Dito tayo sa dilim yun walang may kita. Buksan mo ng palihim meron 'yang sorpresa. 'Wag ka sa 'kin maaning, 'di ako PDEA. Habang walang nakatingin samantalahin natin ang gabi..."


Malamig ang boses ni Asher, nasa tono, at walang sablay kahit chill lang siya habang kumakanta. Naroon siya sa row nila ni Isaiah. 


Si Isaiah naman ay hindi kumakanta. Siya ang nagigitara. Chill lang siya na nakapikit at nakasandal sa sandalan ng upuan habang ang kanyang mahahabang daliri ay kumakalabit sa string nang marahan. 


Hindi niya alam na nakatingin ako kaya malaya ko siyang napagmasdan mula sa aking kinatatayuan. Paminsan-minsan ay sumasabay siya sa pagkanta ni Asher. Hinahampas niya rin nang mahina ang hawak na gitara katulad ng paghampas na ginagawa ni Miko Pangilinan sa beatbox na nasa ilalim.


Si Miko ay hindi namin kaklase. Tagakabilang section ang lalaki pero madalas na pumapasok sa room dahil tropa nila ito.


Nang pumasok ako sa room ay napatingin sa akin si Asher. Siniko nito ang katabi na si Isaiah. Sa isang iglap ay itinigil nila ang kinakanta.


Hinampas ni Miko ang beat box at nag-iba ang tugtog nila.


Si Asher ay nakangisi nang muling kumanta. "Ikaw ang binibini na ninanais ko! Binibining marikit na dalangin ko! Ikaw ang nagbigay ng kulay saking mundo Sana ay panghabang buhay na ito!"


Si Isaiah ay hindi kumakanta pero nakangiti habang nagigitara.


Ang mga kaklase namin na nakikinig sa kanila ay nakisabay sa pagkanta. Natutuwa ang mga ito at may iba pang ibi-video sila.


Pumunta naman ako sa aking upuan. Nandoon na si Rosethel habang ngiting-ngiti na nakatanaw sa pwesto nina Isaiah sa kabilang row. Isa siya sa mga babaeng kinikilig sa mga ito.


"Vi, may sasabihin ako sa 'yo," sabi niya habang nakatingin pa rin kina Isaiah. 


Inayos sa upuan ang aking bag at naghintay na sabihin ni Rosethel kung ano man ang sasabihin niya.


Hinarap niya na ako habang nangingislap ang kanyang mga mata. "May boyfriend na ako!"


May boyfriend na siya? Pero kahapon lang ay wala. Si Wayne Daniel Chung kaya na taga kabilang section? Kasi ngayon ay iyon ang alam kong target niya.

South Boys #3: Serial CharmerWhere stories live. Discover now