Chapter 33

44.1K 2.9K 838
                                    

FIRST PHOTO TOGETHER?


Ang picture ay si Isaiah kasama ang isang magandang babae na nakangiti. Dikit na dikit sila sa isa't isa at makikitang ang may hawak sa phone at kumuha ng picture ay ang babae, habang si Isaiah ay parang nabigla ang itsura.


Sino ang babaeng ito? Sino itong Aera Mae Chua na ito?! Nangati ang mga kamay ko na puntahan ang profile ng babae. Hindi sila friends ni Isaiah pero dahil naka-public ang profile nito ay nakikita ko ang mga posts doon.


Ang profile photo ni Aera Mae Chua ay ang kanyang high school graduation. Magandang-maganda ito, naka-toga at may suot na medal. Lalo akong nakaramdam ng panghihina nang malamang matalino pala ito.


May mga photos din si Aera Mae Chua sa ibang bansa. Galing ito noong April sa Hong Kong Disneyland. Sa caption ay nagpapasalamat ang babae sa daddy nito dahil sa regalong travel vacation na iyon.


Ilang saglit lang ay nagkaroon ng bagong tagged na album sa wall nito. Mga pictures na kuha sa Lyceum kaya kaklase nito siguro ang nag-upload. Marami ang pictures pero natukso ako na tingnan isa-isa, hanggang sa umabot ako sa pang-siyam na picture. Parang nanlaki ang ulo ko sa nakita na marami itong pictures na kasama si Isaiah.


Ang unang picture ay sa isang classroom. Stolen ang kuha. May sinusulat si Isaiah sa notebook at si Aera Mae ay nakadikit sa kanya habang binabasa kung ano man ang isinusulat niya.


Sa pangalawang picture naman ay tulog si Isaiah sa armchair at tulog din ang Aera Mae Chua na ito sa katabi, habang ang kamay ng babae ay nakapatong sa ulo ni Isaiah. Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone.


At sa pangatlong picture ay gising na sila at may pinag-uusapan na kung ano. Ang lagkit ng titig ng babae kay Isaiah habang nakangiti ito sa kanya.


Sa sumunod pang mga pictures ay kasama na ulit ang ibang kaklase nila, pero magkatabi pa rin silang dalawa. Sobrang dikit na dikit sa isa't isa. May kuha pa na tawang-tawa ang babaeng ito habang nakatingala kay Isaiah.


Iyon lang ang nasa mga pictures, pero ano pa kaya ang nangyayari kapag walang camera? Saka bakit parang sobrang dikit naman yata nila sa isa't isa?


Ang ganda-ganda ng babaeng ito, mukhang may kaya sa buhay, at matalino pa. Mukhang mabait at malambing. Kahit saang anggulo tingnan, alam ko na may gusto ito kay Isaiah. Ito na ang lumalapit, ito na ang lantarang napapakita ng motibo. Paano kung magustuhan din ito ni Isaiah?


Ipinilig ko ang ulo dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. May tiwala ako kay Isaiah. 


Pero ang hirap na hindi mag-isip. Anong oras na pero hindi pa siya nagti-text. Nitong mga nakaraan ay palaging pagod na umuuwi si Isaiah. 


Minsan nga lampas na siya ng 7:00 p.m. siya nakakauwi. Kakain lang siya at makikipagkuwentuhan sa akin sandali, pagkatapos ay antok na siya agad. Sa umaga naman ay maaga siyang umaalis at palagi pang nagmamadali.


Mali ba na mag-isip? Ang guwapo-guwapo ni Isaiah, mabango, at matalino. Natural lang naman na may nagkakagusto sa kanya. At ang ikinakatakot ko... ay paano nga kung magkagusto na rin siya iba?

South Boys #3: Serial CharmerOnde histórias criam vida. Descubra agora