Chapter 46

59.3K 3.5K 2.1K
                                    

MALIGO KA PAGKATAPOS AY BUMALIK KA RITO.


Nakakabingi ang kabog ng aking dibdib nang sumunod ako sa sinabi ni Isaiah. Bumaba nga ako para maligo. Dahil lutang ay tuwalya lang ang aking nadala, at wala akong nabitbit na pagbibihisan. Pero kailangan pa ba?


Ang tagal ko sa ilalim ng shower. Naka-tatlong beses yata akong nagsabon. Pagkaligo ay nag-toothbrush din ako. Hindi pa ako nakuntento, nagbuhos pa ulit ako. Sari-sari ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gulat, kaba, at inaamin ko... may pagkasabik ako na nadarama.


Umakyat na ako sa second floor matapos ang almost 40 minutes ko sa banyo. Giniginaw na ako, pero balewala ang ginaw sa lakas ng kabog ng dibdib ko.


Pagkarating sa tapat ng pinto ng kuwarto ay mas lalo pang lumagabog ang aking dibdib. Sa tagal ko ay hindi kaya'y nakatulog na si Isaiah? Kumatok muna ako ng dalawa bago ko binuksan ang pinto. He was still on the bed with only his pajamas and nothing on top. Ewan ko kung tulog na ba.


Pumasok na ako. Malamig at madilim sa loob. Ang liwanag lang ay ang lumalagos na init mula sa manipis na kurtina. Hininaan ko ang aircon saka ako lumapit sa kama. Wala pa ring kakilos-kilos sa pagkakadapa si Isaiah. Tulog na nga siguro siya—


"Bakit ang tagal mo?"


Muntik na akong masubsob sa paghakbang ko dahil sa bigla niyang pagsasalita. Hindi pa pala siya tulog. "Gising ka?"


"Hindi. Nag-sleep talking lang ako." Nag-angat siya ng mukha at nakita ko na bahagyang namumula ang kanyang mga mata. Mukhang sa paghihintay sa akin ay nakaidlip na siya.


Lumabi ako. "Sorry ang tagal ko. Kinakabahan kasi ako..."


"At bakit ka kinakabahan?" Sinipat niya ako ng tingin. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang ayos ko. "Saka, bakit nakatuwalya ka lang?"


Kumiling ang aking ulo. "Ha? Di ba may gagawin—"


Bumalik siya sa pagkakadapa. "Masahiin mo ako."


Bumagsak ang balikat ko. "Ha?"


"'Di ba marunong ka kamong magmasahe? Pakita mo na 'yang pinagmamalaki mo. Masahiin mo ako."


Kung ganoon ay mali ako ng naisip? Pero bakit disappointed ako? Napalabi ako habang nakatingin sa kanya, partikular sa matambok na pang-upo niya. "Kung masahi lang pala, magdadamit muna ako—"


"Masahiin mo na ako, dalian mo. Magpapahintay ka na naman. Bilis. Dang bagal, ah!"


"S-sige na nga, mamaya na ako magbibihis..." Kikibot-kibot ang labi na sumampa na ako sa kama. Mamaya na ako magdadamit. Mamasahiin ko na muna siya bago siya magalit na naman.


Umayos si Isaiah sa pagkakadapa. Nanginginig ang mga palad ko nang lumapat sa matigas at malapad niyang balikat. Hindi ko maiwasang hindi mapalunok. Kahit malamig ang buga ng aircon at nakahubad siya, ang init pa rin ng kanyang balat.

South Boys #3: Serial CharmerWhere stories live. Discover now