Chapter 59

81.7K 4.8K 3.2K
                                    

Hello! It's me, Jamille Fumah, or JF! I would like to apologize for taking so long to update. And I apologize if not everyone reads my Facebook announcement. I really thought I'd be able to update last week, but I was still groggy from my meds and couldn't edit the manuscript. Anyway, are you still waiting for Isaiah and Vi? This chapt is a bit serious, but I'll make it up in the final chapters, so I hope to see you till the end.


-------------------------------------


NAKATAYO SI ISAIAH SA PINTO.


Hindi ko alam kung bakit siya bumalik, kung may naiwan o nakalimutan ba siyang sabihin. Ngayon nga ay naroon siya nakatayo. Nakatingin siya sa aming dalawa ni Eli. Pareho ang ekspresyon nila ni Eli na seryoso at walang mababasa na kahit ano.


Si Eli hinalikan ako sa noo. "Aalis na ako, Vi. Iyong sinabi ko, please pag-isipan mo."


Nilampasan lang siya ni Eli. Ni hindi sila tumingin sa isa't isa. Nang wala na si Eli ay napayuko si Isaiah. Ang mahahaba niyang daliri ay inihilot niya sa kanyang sentido.


"Bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?" tanong ko. Anong oras na? Ang alam ko ay may pasok na siya ngayon sa trabaho.


Imbes na sagutin ang tanong ko ay naglakad siya patungo sa sofa. Pasalampak siyang naupo roon habang nakayuko ang ulo at nakabukaka ang mga hita.


Nilapitan ko siya. "Isaiah." 


He grabbed my hand and pulled me gently. Nandilat ako dahil sa pagkabigla. Napaupo ako sa kandungan niya. Akma akong tatayo nang iyapos niya sa akin ang kanyang mga braso. Magaan lang. Hindi naman mahigpit. Ang noo niya ay isinandal niya sa balikat ko.


A few minutes passed before he released me. Tumayo kami at nagpaalam na siya. Sa pinto na siya nang magsalita ulit. "Take your time."


Humarap siya sa akin. Ang malungkot na emosyon na nasa mga mata niya ngayon ay napakahapdi. "Vi, wala akong pakialam kahit maging kayo pa ni Eli. Take your time. Basta pagkatapos, bumalik ka pa rin sa akin."



DALAWANG ARAW. Nasa trabaho sa Manila si Isaiah, tapos na rin ang birthday ni Vien, pero patuloy pa rin ang pagdating sa akin ng deliver na pagkain.


Araw-araw. Dawalang beses. Sa tanghali at sa hapon. Puro galing sa restaurant sa Bacoor. Kung hindi seafoods, meat and veggies. Hindi naman puwede na tanggihan ko. Ang siste tuloy, palagi na akong busog. Nakakapagdala pa ako ng pagkain kay Vien sa PK2.


Nag-iinat ako dahil sa pagod nang marinig kong kumalansing ang gate sa labas. Patanghali pa lang pero pagod na ako, madaling araw pa kasi ako nagsimula sa pananahi.


Sumilip ako sa bintana at nagulat nang makita si Isaiah na kasama si Vien. Naka-uniform at bag pa ang bata. Mukhang sa school niya pa sinundo. Nang makita ako nito ay napabungisngis agad. "Mommy ku!"


Pinagbuksan ko sila ng screendoor. Yumakap agad sa akin si Vien. Kanina lang ay nasa kanila ako dahil ako ang nag-aasikaso sa pagpasok nito.

South Boys #3: Serial CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon