The Competition

4.6K 301 34
                                    


Azeya's POV

Madilim ang paligid. Tanging nagbibigay ilaw lang ay ang sinag na nanggagaling sa ginintuang upuan hindi kalayuan sa 'kin. At may isang lalaki ang nakaupo doon.

"Come forth, Diana." Wika nito.

Diana? Sino ang kausap nito? Napalingon ako sa paligid upang suriin kung sino ang tinutukoy nito ngunit nagulat ako nang bigla akong maglakad palapit sa lalaki.

"I'm giving you a second chance to live." Saad nito. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil natatakpan ito ng kadiliman.

"Who are you? What is this place?" Nagulat ako nang marinig ang sariling tinig. Napakalamig nito at masasabi kong hindi iyon ang boses ko.

"Oh. I do apologize for not introducing myself properly." Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa 'kin.

"I am the God of Necromancy, you can call me Lincom." Bumungad sa' kin ang mukha niya at bahagya akong nagulat dahil hindi ko inaasahan na ganito ang itsura ng isang diyos. Masasabi ko na napakagandang nilalang ng lalaking nasa harap ko at kakaiba talaga ang dating.

"A god, huh? Why would you give me a second life? I supposed you wouldn't do it for free, so what's the catch?" Hindi ko mapigilan magtaka kung sino ba ang babaeng nagsasalita at kung bakit parang nasa loob ako ng katawan niya.

"I just need you to stay alive for now. Protect the body that I will give to you and when the right time comes, you'll know the reason of your existence." Nakangising saad nito.

"What if I refuse?" Tanong ng babaeng boses na nasa katawan ko.

"Your soul will be sent to the underworld. And you will be punished forever for all the sins that you've done."

"I see." Saad ng babae. "Then I will accept your offer."

"And oh. I forgot to tell you. You wouldn't be living in earth. You will live in another world where magic exists." wika nito.

Earth? Anong lugar iyon?

"So a magic world really exists, I see." Saad ng boses na parang hindi man lang ito nagulat.

"Yes, and since you need to protect yourself, I will also grant you powers. I think controlling four elements would be easy--"

Mabilis akong napabangon nang maramdaman kong may humampas na malambot na bagay sa mukha ko.

"Ano, Azeya! Kanina pa kita ginigising at ang hirap mo gisingin!"

Bumungad sakin ang nangungusuming mukha na naman ni Maestro na ngayon ay may hawak na unan sa isang kamay. Teka, hinampas niya na naman ba ako?!

"Maestro naman, kahit tulog ako hinahampas mo pa rin ako! Isa kang mapanakit na nilalang!" Inis na sabi ko at bumangon.

Akala ko ba magaling na manggagamot ito? Wala ata itong alam kung hindi ang hampasin at paluin ako ng kung ano-ano. Iba na talaga pag tumatanda na.

"Aba'y kay hirap mong gisingin nananaginip kaba?! Alam mo ba kung anong araw ngayon?!" Bulyaw niya.

Nananaginip ba ako? Pakiramdam ko may napanaginipan ako ngunit hindi ko maalala kung ano iyon.. Teka. Anong araw ngayon?

"Hala! Ngayon ang araw ng kompetisyon!"

Mabilis akong kumilos habang si maestro naman ay lumabas na ng silid ko na na napapailing pa.

Nakalimutan ko, ito na ang araw na pinakahihintay ko. Mabilis lamang lumipas ang anim na taon at base kay maestro ay labing anim na raw ako. Nakabase naman ang aking kaarawan kung kailan niya ako unang nakita dahil wala na rin akong maalala kung sino ako at saan ako nanggaling.

The Assassin In The World of DuastraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon