Prince Of Athopia

4.1K 291 76
                                    

Third person's point of view

Tulala si Azeya habang tinatahak niya ang daan pauwi. Pagkatapos siya tanghalin bilang panalo sa laban, agad siyang dumiretso pauwi. Puno ng katanungan ang kanyang isip sa naging laban kanina.

Habang nakikipaglaban siya kanina, may mga hindi pamilyar na imahe ang lumitaw sa kanyang isip. Sa kanyang nakita, naglalakad siya papasok sa isang mataas at kakaibang istraktura ng bahay. Bawat nakakasalubong niyang tao ay walang habas niyang pinapatay. Sa isang parte ng bahay ay may nadaanan siyang salamin at doon nakita niya ang isang hindi pamilyar na babae na puno ng dugo ng iba't ibang taong pinatay nito. Walang mababakas ni katiting na ekspresyon sa mukha nito. Base sa itsura nito ay masasabi niya na nasa edad bente pataas ito.

Dahil sa mga imaheng iyon ay napuno ng katanungan ang isip ni Azeya. Sino ang babaeng lumitaw sa kanyang isip? Bakit tila isa itong totoong pangyayari? Imposibleng memorya niya iyon dahil anim na taong gulang lamang siya nang mawalan siya ng memorya at ang babaeng lumitaw sa memorya niya ay higit na mas matanda sa kanya.

Isa pang palaisipan sa kanya ay ang mga ginawa niya kanina sa laban. Para bang bihasa na ang kanyang katawan sa pakikipaglaban kahit na ito ang unang beses na sumabak siya sa ganoong klaseng laban.

"Azeya. Kinagagalak kong makita na ayos ka lamang. Kamusta ang naging kompetisyon?" Salubong sa kanya ng maestro.

Bumalik siya sa reyalidad at tumingin sa kanyang maestro.

"Maestro Aldos. Sino..... Sino po ba talaga ako?" Mahinang tanong niya rito at napayuko.

Nakaramdam siya ng matinding konsensya dahil pakiramdam niya ay napakasama niyang nilalang. Muntik na siyang makapatay kanina kung hindi lamang pumagitna ang heneral sa laban. Halos hindi niya rin makilala ang sarili kanina. Nakaramdam siya ng matinding pagnanasa pumatay lalo na't lumabag sa patakaran ang isang mandirigma at muntik na maipahamak ang mga kasamahan nito.

"M-masamang tao po ba ako?" Nakayukong tanong niya.

Narinig niya ang buntong hininga ng maestro.

"Azeya... Hindi ko alam kung anong nangyari. Ngunit h'wag mong iisipin na isa kang masamang tao. Ako ang nagpalaki sa 'yo. Pinalaki kitang mabuti at ako higit sa lahat ang nakakakilala sa'yo. Naiintindihan mo ba?" Marahang wika nito.

Tumingala si Azeya at maliit na ngumiti sa kanyang maestro. Kahit na mapanakit ito at mabunganga sa kanya ay masasabi naman ni Azeya na mapalad siya dahil sa isang mabuting tao siya napadpad nang mawalan siya ng alaala. Sobrang buti ng kanyang maestro dahil handa itong tumulong sa mga nangangailangan ng walang hinihinging kapalit. Kahit matanda na ito, hindi pa rin ito naging hadlang upang makatulong. Kaya naman gusto ni Azeya na makontrol ang kanyang kapangyarihan upang tulad ng kanyang Maestro ay makapaggamot din siya ng mga nangangailangan.

Sa huli, napagdesisyunan ni Azeya na h'wag na lamang banggitin sa maestro ang mga bumabagabag sa kanya dahil pakiramdam niya, siya lamang ang makakasagot ng mga ito.

**

"What do you mean four elements?" tanong na nanggagaling sa 'kin ngunit hindi ito ang boses ko.

"It's fire, water, air and earth. I will give it to you to protect yourself. This magical world would be too difficult for an assassin like you if you don't have any power. Thus, I'll give you the best power among all." Nakangising wika ng lalaki. Mahahalata mo sa ekspresyon nito ang galak na para bang makakamit na niya ang mga pangarap niya.

Nanatili naman akong nakatayo habang nakatingin sa lalaki. Sino ba ito? Bakit pakiramdam ko napakapamilyar ng pangyayaring ito.

"Lincom....will I have parents when I got reincarnated?" Mahinang tanong ko.

The Assassin In The World of DuastraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon