Princesses In Danger

2.8K 209 33
                                    

Third Person's Pov

"This riddle is driving me insane. I'm not good with this one." Wika ng isang studyante.

"Hey. Princess of the powerless kingdom--Oops. I mean Atopia kingdom. Can you solve the riddle?" Nakangising pang-asar ng kagrupo ni prinsesa Dahlia.

Napakuyom siya ng kamao. Dahlia knows that even though she's a princess, she wouldn't escape the reality. She's powerless. And in this continent, power rules over the royalty. That's why a lot of people think less of their kingdom.

"Sh*t! It's chasing us!" Hingal na usal ng isang boses mula sa malayo.

Sabay-sabay napalingon sila Dahlia sa pinanggalingan ng boses at nagulantang nang makita ang malaking nilalang na humahabol sa isang grupo.

"I-is that a hydra?!"

"W-what the hell is that monster doing in the forest?!"

Nagtama ang paningin ni Dahlia at ng isang babae mula sa grupo na hinahabol ng halimaw.

Dahlia immediately recognized the lady. It's Azeya!

"Takbo, prinsesa!" sigaw ni Azeya sa kanya. Huli na nang mapansin ni Dahlia na nakatakbo na pala ang grupo na kasama niya palayo.

Naramdaman niya ang marahas na hablot sa braso niya at halos kaladkarin siya patakbo.

"Ang sabi ko takbo! Bakit nakatayo ka pa doon na parang engot?!" Inis na sabi ni Azeya sa kanya habang natakbo sila.

"P-patawad.." wala sa sariling usal niya.

Hindi na niya maintindihan ang nangyayari. Kanina lamang ay minamaliit siya ng mga kasamahan nang biglang dumating ang isang hydra, at ngayon ay halos kinakaladkad siya ng babaeng kasama niya.

"A-anong nangyayari? Saan nanggaling ang hydra?" Hinihingal na tanong niya kay Azeya.

"L-lumabas ito sa ilog. Ha! P-p*nyeta kanina pa ako tumatakbo, hindi ba napapagod ang lint*k na hydra na 'yan?" Hinihingal na sambit nito.

Medyo nagulat si Dahlia sa turan ng babae. Hindi niya alam na matalim pala ang tabas ng dila nito dahil sa lumipas na buwan na kasama niya ito sa dormitoryo ay hindi siya nito kinakausap maging ang kanyang tagapagsilbi. Hindi rin siya nito pinapansin.

Ngunit paano nga ba siya nito kakausapin kung sa loob ng buwan ay hindi rin maganda ang turing niya sa dalaga? Nung dati na sinubukan siya nitong kausapin ay hindi naging maganda ang asal niya rito. Simula noon ay hindi na siya sinubukan pang kausapin ng dalaga.

Hindi niya napansin na lumilipad ang kanyang isip dahilan para hindi niya makita ang ugat ng puno na nakausli sa harapan nila dahilan para madapa siya rito.

"Puny*ta naman, lutang ka ba tumakbo?! Bilis, Tayo!" Iritang sabi sa kanya ni Azeya.

Mabilis naman siya nainis sa ugali nito.

"Ayusin mo ang turan mo, isa akong prinsesa ng kahari--"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siya nitong kinabig payuko.

Nanlaki ang mga mata niya nang muntikan na silang tamaan ng atake ng hydra. Hinila siya ni Azeya patago sa likod ng malaking puno.

"Hooo! Tama ba ang desisyon ko pumasok sa lint*k na akademya na 'to?" Bulong ni Azeya ngunit narinig pa rin niya ito.

Napatingin si Dahlia sa paligid. Nakalayo na ang mga kasamahan nila. Silang dalawa na lamang ang natira at ang hydra ay kasalukuyan silang hinahanap. Kung hindi siya natapilok ay sana hindi sila maiiwan dalawa sa panganib.

The Assassin In The World of DuastraWhere stories live. Discover now