Meeting The King

4.5K 300 116
                                    

Azeya's POV

Hindi ko alam kung sumpa ba ang magkaroon ng magandang mukha. Maraming kalalakihan ang mabilis na nahuhumaling sa 'kin dahil sa itsura ko. Aminado naman ako na maganda talaga ako. Ngunit nakakainis lang ang mga lalaki na sa panlabas na anyo binabase ang nais nilang pakasalan.

Sa tatlong oras na byahe papuntang palasyo ay wala akong ginawa kung hindi ang magpanggap na tulog. Ayokong kausapin ang prinsipe at baka kung ano pa ang magawa at masabi ko. Pagkatapos niya akong alukin ng kasal ay sinabi ko na wala pa ito sa plano ko tsaka ako nagpanggap na nakatulog. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon pero wala akong pakielam.

"Binibining Azeya. Tama na ang pagpapanggap na tulog. Nandito na tayo sa palasyo." Natatawang saad ng prinsipe.

Nagkunwari naman akong nag-unat at humikab.

"H-hindi po ako nagpapanggap na tulog, mahal na prinsipe." Iwas tingin na sabi ko bago nagmadaling bumaba ng karwahe.

Narinig ko naman ang tawa niya bago siya bumaba din.

"Pwede bang tanggalin mo na ang prinsipe sa 'mahal na prinsipe'? Mahal na lang." Banat nito.

Hindi ko na nagawang tugunan ang sinabi niyang kalokohan dahil natulala ako sa ganda ng palasyo. Napakalaki nito at napakagara! Dati ko pa nakikita ang palasyo ngunit sa malayuan ko lamang ito nakikita. Ngayon nandito na ako sa mismong harap ay masasabi ko na mas maganda talaga ito sa malapitan!

"Welcome to the Palace, lady Azeya." wika ng prinsipe.

Sinalubong kami ng mga kawal maging ang mga katulong at hinatid kami nito papasok sa loob nh palasyo. Masasabi ko na napakalaki talaga ng palasyo dahil inabot kami ng halos limang minuto upang marating ang bulwagan kung nasaan ang hari.

"So you are the winner of the Retaliare annual competition? How unexpected to see a beautiful maiden." Marahang wika ng Hari na ngayon ay nakaupo sa isang magarang upuan at sa harap nito ay isang lamesa na napakahaba at punong puno ng pagkain.

Hindi pa rin ako makapaniwala na personal kong nakikita ang hari ng Athopia ngayon. Masasabi ko na isa siyang makapangyarihan at malakas na hari base na rin sa nararamdaman kong lakas ng mana at enerhiya na nanggagaling sa kanya.

Bukod sa pagkamangha, hindi ko rin mapigilan mabahala dahil personal akong kinausap ngayon ng hari. Alam ko na ang hari ay napakaraming ginagawa at tungkulin kaya naman sa tingin ko napaka-importante talaga ng sasabihin nito sa 'kin.

Mahinhin naman akong yumukod upang magbigay galang sa hari.

"Pagbati sa kataas-taasang Hari ng Athopia, Haring Solomon Ignio." Magalang na saad ko.

"Maupo ka at saluhan kami sa pagkain, binibining Azeya."

Tumungo naman ako dito bago magpasalamat at umupo. Hindi ko naman inasahan na aalalayan pa ako ng prinsipe sa pag-upo bago ito umupo rin.

"Una sa lahat, binabati kita sa iyong pagkapanalo. Hindi ko inaakala na ang babaeng tulad mo ay magagawang talunin ang limang mandirigma ng Athopia. Nais kong malaman kung saan mo natutunan ang iyong uri ng pakikipaglaban?" Tanong ng hari.

Napakagat naman ako ng labi. Maski ako ay hindi ko rin inasahan na marunong ako makipaglaban. Ngunit anong isasagot ko sa hari?

"Natuto po ako m-mag-isa para na rin po proteksyunan ang aking sarili.." Huminga ako nang malalim. Tama. Hindi pwedeng malaman ng hari na hindi ko alam kung saan ako natuto dahil baka magsuspetsa pa ito sa 'kin.

"Proteksyon? Bakit mo naman kailangan ng proteksyon?" Kunot-noong tanong ng prinsipe.

"Hindi ko po alam kung lingid sa inyong kaalaman na laganap ang pagsasamantala sa mga babae sa kaharian na ito. Dahil mga mahihina ang tingin sa mga babae, at walang batas ang nagpapataw ng parusa sa mga babaeng napagsamantalahan kaya naman maraming kalalakihan ang hindi takot gumawa ng masamang bagay." Saad ko dito at tiningnan ng diretso ang hari sa kanyang mata.

The Assassin In The World of DuastraWhere stories live. Discover now