Kidnapped

2.1K 162 26
                                    

Third person's point of view

"Bwis*t, ayaw mo ako bitawan, ha!" Inis na sigaw ni Azeya bago sipain sa binti ang binata na humila sa kanya papunta sa likod ng akademya.

"Aray! Bakit kailangan mo manipa?!" Inis na sabi ni Tairus.

"Eh, bakit kailangan mo 'ko kaladkarin papunta dito?! Sino ka ba?!" Ganting sigaw ni Azeya.

Huminga naman nang malalim si Tairus bago mabilis nagpalit ng anyo.

Nanlaki ang mga mata ni Azeya nang bigla na lamang naging isang malaking puting tigre ang lalaki na nasa harap niya.

"P*cha. Lumayo ka sa 'kin!!" Mabilis na pumulot si Azeya ng isang tuyong sanga ng puno at pinangdepensa sa sarili.

'Eda, it's me.. Tairus.'

Nanlaki ang mga mata ni Azeya nang may marinig siyang boses sa kanyang isip.

"I-ikaw ba yung nagsasalita sa isip ko?" Gulat niyang tanong.

'Yes. What happened to you? I've been looking for you for the past few years!'

Kumunot ang noo ni Azeya sa sinabi nito.

"Kilala ba kita?" Taas-kilay na tanong niya.

Tairus growled at her in annoyance.

'Are you kidding me? You're not funny, Eda.' Iritang sabi nito.

"Bakit ba Eda ka nang Eda? Azeya ang pangalan ko. Hindi ka ba nagkamali ng hinila dito?!" Inis na singhal ng babae sa kanya.

Naguluhan si Tairus sa sinabi nito. He's very sure that this young lady is his master. He could definitely feel it. Why is she denying it?

'Eda, stop being silly! Do you know how long your parents are looking for you?!'

"Wala akong magulang. Sino ba ang tinutukoy mo?" Madiing saad ng dalaga.

Tairus felt nervous when he saw how serious her expression is. Did she, perhaps lost her memories?

Tairus transformed back to his human form and faced Azeya.

"Tell me what happened to you." Seryosong saad niya.

Masamang tiningnan siya ni Azeya. Gusto na niyang tapusin ang usapan na ito, dahil habang tumatagal pasakit lamang nang pasakit ang ulo niya. Pakiramdam niya mabibiyak na ang kanyang ulo anumang segundo sa sobrang sakit.

Nakakakita siya ng mga malalabo at magugulong imahe sa kanyang isip at hindi niya nagugustuhan ang mga nakikita niya. Nakikita niya ang isang bata na walang habas na kumikitil ng buhay ng iba. Nakikita niya rin ang isang pamilyar na babae na puro dugo at patay na tao ang nasa paligid.

"U-umalis ka sa harap ko." Hirap na wika ni Azeya.

Gusto niyang pahintuin ang mga imahe sa kanyang. Ang mga nakakatakot na pagpatay. Ang madugong paligid.

Umiling si Azeya at napahawak sa ulo. Napaiyak siya sa sobrang sakit ng ulo niya.

"Eda, what's happening?!"

"Eda!"

Muli isang imahe ng puting tigre ang nagpakita sa isip niya. Puro galos at sugat ang puting tigre na ito. Ngunit imbis na tulungan ay lalo pang binugbog ng isang babaeng bata ang puting tigre.

'Oh. It's just a little cat. I thought it was an enemy.'

'Don't worry. I'm not going to kill you. Just be a good pet, alright?'

'May silbe ako! For your information, I'm not just a simple tiger!! I am a mythical beast and my power stage can be compared to mediva stage! And stop calling me pale cat! I'm Tairus!'

The Assassin In The World of DuastraWhere stories live. Discover now