Retaliare Academy And The Prince

3.2K 227 45
                                    

Matapos ang ilang araw na byahe mula sa aming kahariang Atopia papunta sa akademya, sa wakas ay nakarating din kami nang ligtas at payapa sa akademya. Sa buong byahe ay wala akong ginawa kundi ang iwasan ang prinsipe dahil hindi ko nasagot ang kanyang huling tanong habang ang prinsesa naman ay mukhang ilag din sa 'kin sa hindi malamang dahilan.

Hindi ko inaasahan na ang akademya ay parang isang palasyo sa sobrang laki. Napakaganda nito at sa bungad nito ay isang higanteng pilak na tarangkahan. Napansin ko rin ang mga magagarang karwahe na nasa unahan namin na pumapasok sa loob ng tarangkahan. Sila na siguro ang mga dugong bughaw na galing sa iba't-ibang kaharian ng Retalia. May mga ordinaryong karwahe rin nag pumapasok na sa tingin ko ay mga skolar na katulad ko na nagawang makapasa sa pagsubok ng bawat kaharian.

Pagkarating namin ay inasikaso agad kami ng mga tauhan ng akademya at hinatid sa kanya-kanyang silid. Dahil galing sa iba't-ibang malayong kaharian ang mga studyante ay minabuti na bukas na lang ituloy ang seremonya ng pagbubukas upang makapagpahinga ang mga mag-aaral.

"Prinsesa Dahlia. Magpahinga na po kayo. Ako na po ang bahala mag-ayos sa mga gamit niyo." Wika ng tagapagsilbi ng prinsesa Dahlia na ang tingin kong pangalan ay Ira.

Hindi ko akalain na kasama ko ang prinsesa sa isang silid. Ang Hari ng Atopia siguro ang nagplano nito dahil na rin gusto niyang protektahan ko ang kanyang anak.

Naisipan ko naman na maglibot sa akademya matapos kong ayusin ang mga gamit ko sa aking silid. Mabuti nalang at binigyan din kami kanina ng mapa kasabay ng iba pang gagamitin para sa aming pag aaral.

Hindi ko mapigilan mamangha nang makita kung gaano kagara at kalaki ang akademya. Hindi na ako nagtataka kung bakit napakaraming gusto makapasok sa paaralan na ito.

Bigla naman lumakas ang hangin dahilan para liparin ang mapa na hawak ko. Agad ko itong hinabol at susunggabin ko na sana nang bigla may humablot sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ng nahulog sa malaking  fountain ang mapa ko at malapit na rin sana ako mahulog kung hindi lang may humawak sa 'kin sa braso teka...

Lumingon ako kung sino ito at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking nakita ko nung araw ng kompetisyon.

"ikaw!" bulaslas ko.

Kumunot ang noo niya.

"What?" singhal niya at binitawan ang braso ko.

"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Why would I follow a lowly being like you? You must be out of your mind." Inis na sabi niya at tumalikod na.

Nagsalubong ang kilay ko.

Bakit ba napakataas ng tingin niya sa sarili niya?!

"Sandali!" pigil ko at hinawakan siya sa braso.

Lumingon siya at tiningnan ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Mabilis ko naman agad binitawan ang braso niya.

"A-anong pangalan mo?" Tanong ko.  Mukha kasing wala siyang balak na ipakilala ang sarili niya kahit na ilang beses na kami nagkita.

Bumuntong hininga siya at muling lumingon.

"Keros. Don't ever forget my name again, human." Seryosong saad niya at sa isang kisapmata, binalot siya ng itim na apoy at tuluyang naglaho sa paningin ko.

Napakurap nalang ako ng ilang beses bago maproseso ang pagkawala niya sa harap ko.

Ang lalaking iyon..

Isa nga ba talaga siyang diyos tulad ng sinasabi niya? Nasisiguro kong hindi siya ordinaryong tao lamang. Kakaiba ang presensya niya. Naghahatid ito ng matinding kaba sa sistema ko na wari'y binabalaan ako na isa siyang delikadong tao. Ngunit sa kabila nito, bakit pakiramdam ko ay hindi niya ako sasaktan?

The Assassin In The World of DuastraWhere stories live. Discover now