Prologue

1.3K 89 32
                                    

JETHER

Pasado alas-dos na ng madaling araw nang marating namin ang bahay ni Maru. Madilim pa. Malamig ang simoy ng hangin. Mabilis na gumagalaw ang mga itim na ulap. Bilog na bilog ang buwan. Tahimik. Walang ibang maririnig kung hindi ang mga asong kaliwa't kanan na umaalulong.

"Apakatagal naman lumabas nitong si Maru. Akala ko ba nakauwi na sila ng family niya by this time?" Patuloy sa pagkatok sa gate si Codi. Tila bang walang pakialam sa mga kapitbahay na mabubulabog namin.

Pero nang wala pa ring sumagot mula sa loob ay humarap siya sa akin. Kunot na kunot ang kanyang noo. "Chat mo na nga! Sabihin mo, talkshit siya!"

Kagagaling lang kasi namin ni Codi mula sa isang nakakatakot na kaso ng nagmumultong batang babae dito rin sa subdivision na ito. Ginabi na kami dahil puno ng poot ang kaluluwang iyon. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi sa amin ni Maru na sa kanila na lang muna kami matulog. Bukod kasi sa malayo ang bahay namin mula rito, wala nang mga pampasaherong sasakyan sa oras na ito.

"He's offline," I told Codi the moment I checked my phone. "He's offline twenty minutes ago. So most probably, kauuwi lang nila at baka napagod sa family reunion kaya agad silang nakatulog?"

"Ay ambot! Pinapunta niya pa tayo dito kung matutulog lang siya?!" Ang bulalas naman ni Codi.

I only shrugged. "Right."

Iritadong ginulo ni Codi ang kanyang buhok. Ako naman ay naupo sa aspaltong sahig at nanahimik.

A few seconds of silence won between us before I dared myself to speak, "you know what? Magpalipas na lang muna tayo ng oras sa park na nadaanan natin kanina. One hour na lang naman ang hihintayin natin para may masakyan na tayo pauwi-"

Natigil ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang ilaw ng bahay. Medyo nasilaw nga ako. Kasi parang lahat yata ng ilaw sa loob ay sabay-sabay na bumukas. Matapos niyon ay narinig namin ang pintuan. Sinundan iyon ng gate. And it revealed Maru with an apologizing gaze.

"Sorry, mga 'tol. Nakatulog lang-"

Hindi na siya pinatapos pa ni Codi. Humahangos siyang pumasok sa loob. Nagkatinginan lang naman kami ni Maru bago sabay na natawa. Maiksi talaga ang pasensya ng baklita, ani namin.

Sa loob ay naabutan pa namin ang parents ni Maru. Si Tita Lavinia ay may dalang tray ng tinapay at orange juice. Nilapag niya iyon sa center table. Si Tito Valerio naman ay nasa kanyang rocking chair, nagbabasa ng diyaryo.

"Pasensya na po, Tita, kung nagising po kayo dahil sa amin," sambit ni Codi bago maupo sa sofa.

Ngunit nakakapagtakang ngiti lang ang isinagot ni Tita. Kaiba siya sa Tita Lavinia na laging madaldal at maraming kwento sa tuwing nandito kami. Pinili ko na lang na 'wag iyong intindihin nang maupo na ako sa tabi ni Codi. Baka bad mood lang . . . pero ito yata ang kauna-unahang beses na makikita namin siyang ganito.

"Kamusta iyong kaso nung nagmumultong batang babae?" tanong ni Maru nang maupo siya sa isang couch, katabi iyon ng sofa kung saan kami nakaupo.

"Badtrip nga, hindi ako nakasama," humugot pa siya ng iritadong hininga.

"Well," panimula ni Codi, ngumunguya siya ng tinapay, "nahirapan kami obviously, hindi naman kami magtatagal ng ganitong oras kung naayos agad namin 'yon. 'Di ba?"

"Right," I added. But on the back of my head, I want to wince hard. As if naman may natulong ka sa akin, Codi, bukod sa tumili nang tumili dahil sa takot?

"Sungit," Maru only pursed his lips towards Codi na walang pakialam na kumakain. "Eh kamusta naman 'yung multo? Nakatawid na ba?" He added.

I was about to answer when all of a sudden, nag-vibrate ang phone ko. Kumunot ang noo ko. For some moment, I freeze on my spot. Napalunok ako. Pilit na pinoproseso sa aking isip ang nakita. But it was really quizzical. Someone's calling and it's Maru's number. Napakurap ako.

N-Nasa harap namin ngayon si Maru, ah?

I don't know what pushed me to actually excuse myself. Dali-dali akong tumayo at naglakad. Sinagot ko ang tawag nang makalabas ako sa bahay.

"Hey, nasaan na kayo? Dumaan pa kasi kami nina Mommy sa McDo. Sorry, hindi ko na nasabi. Gutom na, eh. Nandiyan pa ba kayo sa labas ng bahay namin?"

Kusang tumindig ang mga balahibo ko.

What the actual fuck?

It was the voice of Maru . . . for real.

Napapakurap akong tumingin sa bintana ng bahay. It was crystal clear that Maru is inside the house. Kausap siya ni Codi . . . Pero gagi, sino siya kung ang totoong Maru ay kausap ko ngayon sa cell phone ko?

"Maru . . ." I swallowed hard.

"Oh? Tol, bakit?"

"Seryoso ba 'to?" Nabato ako mula sa kinatatayuan. Biglang bumalot sa akin ang malamig na pakiramdam ng kilabot. Kusang nanghina ang mga tuhod ko.

"Ha?" Naguguluhang sagot ni Maru.

"There's . . . there's someone in your house right now," sumisikip ang dibdib ko sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Namamawis na rin ang mga palad ko. ". . . and it's you and your parents."

"Ay putangina, 'tol!" Ang bulyaw ni Maru. "Totoo ba?"

Hindi na ako makapagsalita pa nang maayos nang bigla, mula sa bintana ay humarap sa akin ang Maru na nasa loob ng bahay. And he fucking smiled wide at me. Hanggang sa biglang sumeryoso ang mukha niya. Nagmistula siyang isang baliw nang unti-unting nanlaki ang mga mata niya.

That moment, I fucking knew I have to pull Codi outside of this god damn house. We have to run away, hide and pray for our lives.

But what I only did that moment is to let myself get succumbed by fear . . .

"Tol?! Tangina, kung seryoso ka talaga. Umalis na kayo diyan! Hindi kami 'yan!"

Napalunok na lang ako nang bigla, nabitawan ko ang cell phone ko. Malakas itong bumagsak sa sahig. Biglang dumilim ang paligid. Namatay ang mga ilaw. At sinabayan iyon ng malakas na sigaw galing kay Codi mula sa loob ng bahay . . .

Project Ghost HotlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon