Season 1: Episode 10

480 52 9
                                    

After we solved the quizzical case of Franco Balagtas' sudden disappearance, nagkaroon ang university ng special treatment sa amin. Pinagawan na nila kami ng sariling office. At oo, na may aircon pa. Panes.

Doon ay marami ang mga estudyanteng gustong sumali sa Paranormal Club. Para ngang nabaligtad ang lahat sa amin matapos niyon. Kung dati lang, halos magmakaawa kami sa mga estudyante para lang sumali at mabuo ang club, ngayon ay sila na mismo itong lumalapit sa amin.

Kaming dalawa lang naman kasi talaga ni Maru ang member ng club noong una. That time, kailangan na kailangan namin ng isang member. Policy kasi ng University na dapat daw magkaroon ng atleast three members ang isang club para ma-qualify at makilala ng University bilang isa sa mga clubs nito.

Tandang-tanda ko, huling araw na niyon ng submission. It's now or never. Kapag hindi pa kami nakahanap ng isa pang member, wala nang chance na mabuo pa ang club namin.

But I can really remember it all. It was fucking last minute—as if it's a buzzer beater moment when Codi came to sign with us. That time, I almost hugged him in bliss. He was indeed an unexpected blessing graced from above just to make our dream club a reality—well, back then.

Akala ko noon, katulad namin siya ni Maru. May third eye. May kakayahang makipag-usap sa mga multo. Matapang. Walang takot sa kahit na anong nilalang. Pero duda na talaga ako sa gagong iyan nang una naming mahawakan ang kaso ng isang nasapian na estudyante. Ang hayop, imbes na tulungan kami ay tumili lang nang tumili! Halos mabatukan ko talaga siya noon.

"Ano? Wala ba talaga tayong bagong member na tatanggapin? Ang daming nagsa-submit sa atin, oh."

Speaking of the devil, here he is right now. Maraming hawak na papel si gago. Galing na naman siguro sa mga gustong mag-apply as members ng club.

"Wala," sabay naming sambit ni Maru.

"Grabe sila, ang po-pogi ninyo! Sila na nga itong nalapit sa atin! Choosy pa kayo!" Nagkamot siya ng ulo. Halatang dismayado sa lagi naming sinasagot.

Totoo naman kasi, hassle lang kung madadagdagan ng maraming duwag ang club namin. We are here to solve paranormal case. Our job is never for fun. Hindi ito parang field trip na kapag bored ka na, magyayaya ka nang umuwi.

"Okay na kami na isa lang ang Prinsesa namin, Princess Codi," Maru mumbled while wiggling his eye brows.

"Gago ka!" Sinimangutan lang naman siya ng prinsesa.

"Kunwari ka pa, gusto mo rin naman," singhal ko.

"Pakyu—"

"Nagmumura ka ba, Mr. Mariveles?"

Lahat kami ay lumingon sa pintuan. And there, we saw Sir Ong. He is holding three boxes of pizza on his arms.

"Ay, Sir! Hindi po!" Naubo nang malala si Codi, "ikaw talaga, Sir. Patapusin mo muna kasi ako, pakyut kase 'yon—woah pizza?!"

Naiiling na tumawa nang bahagya si Sir Ong. Lumapit na siya sa amin at saka inilapag sa table ang mga pizza. "Here is your treat, kids. Salamat dahil tinantanan na rin ako ni Franco. Phew. Never thought that it will lead to something this massive."

"No worries, Sir," Maru said. "Kami po ang dapat magpasalamat sa 'yo. Kung hindi dahil sa problema mo, we will never get this kind of spotlight."

Doon ay nagsimulang buksan ni Sir ang mga kahon. And Codi being the brat Princess, pinicture-an niya muna ang pizza bago kami kumuha. I even had to scowl at him for him to just stop and let us eat for the motherfucking sake.

"By the way, kids." Sir Ong said while munching his food. "Gusto pala kayong makausap ni dad, siguro tungkol sa kaso ni Franco."

"The Chanchellor wants to talk with us?" Codi's eyes sparkled. Para ba siyang nag-fa-fanboy ngayon. Siraulo, si Chancellor Ong lang naman 'yon.

Project Ghost HotlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon