Season 1: Episode 13

428 47 11
                                    

"Putangina, ano 'yon?!" ang bulalas ni Codi habang humahangos ang mga paa namin papunta sa bahay ng bago naming kliyente.

Malayo pa man ay naririnig na agad namin ang kaguluhan sa bahay na iyon mula sa bintana ng sasakyan ni Maru. May sumisigaw. Napapalitan iyon ng biglaang pag-iyak. Matapos ay may sisigaw na naman. Hanggang sa para bang may mga bagay ang nababasag sa loob.

"Iyon na yata 'yon, mga 'tol!" Sambit ni Maru habang itinuturo ang isang bahay. Sa labas niyon ay marami ang nagkukumpulang mga tao. May mga napapaigtad pa sa gulat sa bawat pagdagundong ng mga bagay na nababasag mula sa loob ng bahay.

"Let's go!" I mumbled before I stormed out of the car and ran towards the house.

Ang unang bumungad sa akin ay ang living room. Dito, may nakahimlay sa kabaong. Walang tao ang nagbabantay dito. Nang makarinig na naman ako ng makabasag-lalamunang pag-sigaw, ibinaling ko ang tingin kung sa iyon nanggagaling. Sa itaas.

"Nasaan na sila?" tanong ni Maru, habol ang hininga niya akong hinawakan sa balikat. Kasunod niya lang si Codi.

"Upstairs," lumunok ako ng laway bago nagmadaling tumakbo patungo sa hagdanan. Agad naman akong sinundan nina Maru at Codi.

Nang marating na namin ang itaas ay isang babae ang bumungad sa akin. Sa tantiya ko, matanda ako sa kanya nang ilang taon. Ngayon ay nakalapat ang kanyang likuran sa pinto. Tila ba pinpigilan ang nagwawalang pwersa mula sa loob ng kwarto.

"Putangina, mapanganib! Sibat na ko, guys. Kaya niyo na 'yan—"

Patakbo na sana si Codi nang hablutin ko ang kanyang braso. Hinigit ko siya patungo sa babae na agad namang tinulungan ni Maru sa pagharang sa pinto.

"Paranormal Club?" Tila ba nakahinga nang maluwag ang babae. But it took her a few seconds to realize the current chaos on her house. Bigla siyang nataranta.

"Tulungan niyo ang ate ko! Pakiusap, tulungan niyo siya!" Mangiyak-ngiyak niyang pagsusumamo.

"We will, that's why we are here," hinabol ko ang hininga ko, "but first, let me know what happened to your sister. We wanna know the details. Paano siya nagkaganiyan?"

Napasapo sa noo ang babae. Tila bang sagad na ang stress sa kanyang sistema. "Hindi ko rin alam, nasa baba lang ako kanina para bantayan ang burol ni Ate Kharise . . . tapos bigla na lang naging ganiyan si Ate Kourine. Bigla na lang siyang nagwala."

Ginulo niya ang kanyang buhok. "Ganitong-ganito si Ate Kharise bago siya namatay. N-Natatakot ako na baka kagaya niya, mawala rin sa akin ang Ate Kourine ko. H-Hindi ko na makakayanan pa kung pati iyon ay mangyayari sa kanya."

As what I have collected from Codi, that Kharise was the one we saved right before we solved Franco's case. Siya iyong babae na muntik nang tumalon sa Nursing Building. Sinapian siya noong araw na iyon. Ramdam ko rin na masiyadong mahina ang katawan niya kaya madali siyang mapasukan ng masamang espirito. She's practically a ball of stress and that gives way for all of the ghost to easily enter her body.

"Papatayin ko ang babaeng ito!" Bigla akong natigil sa pag-iisip nang marinig ang makapal na boses sa loob. Hindi iyon normal. Para bang nanggagaling pa iyon sa ilalim ng lupa "Papatayin ko siya!"

"Ate!" Sagot ni Keira, nanginginig ang kanyang boses, "hindi pwede! Hindi mo pwedeng kunin pati ang buhay ng Ate Kourine ko!"

"Bro, we really have to save her now." I can't help myself but to panic. We are basically dealing with a ghost who just killed one person last night! At malaki ang posibilidad na gawin niya uli iyon ngayon!

Tango lang ang isinagot ni Maru. Matapos ay pumwesto na siya sa harap ng pinto. Handa na iyong buksan.

"Sige, kaya niyo na 'yan. Sibat na talaga ako—"

Hinila ko uli si Codi. "Don't fucking go. Samahan mo dito ang kliyente natin kapag pumasok na kami sa loob, gago ka ba?"

Napakamot na lang siya sa ulo. "Badtrip naman, eh!"

Nang pumwesto na rin ako sa likod ni Maru ay tiningnan niya ako. Para bang may kakayahang mag-usap ang aming mga mata, naintindihan ko siya sa pamamagitan lang ng pagtango niya. Agad niyang binuksan ang pinto. Hinanda ko na ang sarili ko. Doon ay tuluyan na naming narinig ang nakakabinging pag-sigaw ng iba't-ibang boses sa loob ng kwarto. Buong tapang kaming pumasok sa loob.

At . . .

At kinilabutan ako sa mga nakita sa loob.

Duguan ang tatlong madre. Nakatayo lang sila, nakatingin sa amin. Samantalang ang isang pari na pugot ang ulo ay tila ba nakaharap kay Kourine na ngayon ay namimilipit ang katawan sa kama.

"Fuck . . ." Maru cussed, "I really hate it when ghosts are like that."

Same, Maru. Fucking same. Ayokong ayoko talaga kapag ganiyan ang mga multo. Kadalasan kasi sa mga ganiyan ay mga demonyong nagkukubli sa relihiyosong kasuotan.

Nang tumakbo si Maru patungo kay Kourine ay agad ko siyang sinundan. Nanlisik ang mga mata niya sa amin nang malapitan na namin siya. Hanggang sa napalunok na lang ako nang bigla siyang ngumiti.

"Et non morieris," itinuro niya ako. "Et non morieris."

Ano raw?

Muriatic acid?

"Et non morieris—" bigla siyang napanganga. Hanggang sa namilipit pa siyang lalo sa kama. Napanganga siya habang ngumingiwi. Tila bang labis na sakit ang dinaranas niya ngayon.

"Hey, Kourine . . ." Hinawakan ni Maru ang paa niya pero doon ay tila ba napaso ang babae. Naghihiyaw siya sa sakit. Iyong tila bang binabalatan siya nang buhay.

Pero ang nakakapagtaka, matapos lang ang ilang segundo ay bigla na lang huminto ang lahat. Sa isang iglap ay nawalan ng malay si Kourine. Tumahikik ang buong kwarto. Ngayon ay hinang-hinang nakahandusay ang kanyang katawan sa kama.

"Nakawala ang mga espirito, 'tol. Fuck shit!" Dismayadong tiningnan ni Maru ang katawan ni Kourine.

Pero wala na.

Wala na talaga.

Katulad ng sinabi niya ay wala na akong nakita pang kung ano kay Kourine. Mukhang nakawala na nga talaga ang mga espiritong iyon.

"Peste! Dapat pala, hinila ko na agad ang demonyong kaluluwa na iyon bago pa nakawala!"

"Right," I winced, "but atleast now, walang masamang nangyari kay Kourine. Okay na rin." I continued my wince as I stare at her face. Halatang pagod na pagod siya. Pupusta akong hindi bababa sa pito ang sumanib na mga espirito sa kanya.

I heaved a sigh as I continued raking my eyes at Kourine.

Her case . . . is difficult and creepy.

Project Ghost HotlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon