Season 1: Episode 16

639 50 17
                                    

Lumipas ang umaga at hapon, mukhang naging matahimik na rin naman talaga ang magkapatid na Cuenco. Hindi na kasi kami nakatanggap pa ng tawag mula sa kanila. Isang indikasyon na sila ay nasa mabuting kalagayan na.

Matapos ang klase ay dumiretso na kami sa kanilang bahay. Nangako kasi kami sa kanila na babalik kami kinabukasan. Sana lang talaga ay hindi ito katulad ng naranasan namin kagabi.

Last night's scene is really intimidating. Sa buong buhay ko talaga, ngayon lang ako natakot nang ganoon. All my life, I am always brave when it comes to ghosts pero ewan ko ba. Kagabi ay parang gusto ko na lang din maging inutil na hindi nakakakita ng multo kagaya ni Codi.

Wala sa sarili ay napatingin ako sa kanya mula sa rear view mirror.

"Oh, iniisip mo na naman ako ha," a voice came from the back seat. It is coming from no other than but the princess himself.

"Tangina mo."

Wala namang isinagot ang hangal. Tumawa lang siya nang tumawa. Sinimangutan ko lang naman siya hanggang sa marating na namin ang bahay ng Cuenco sisters.

Nang makapasok na kami sa loob ay laking ginhawa sa amin nang makitang maraming tao na ang nakikiramay. Karamihan sa kanila ay nakasuot ng uniporme ng aming University. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi na sila ginagambala ng mga multo, marami na kasing tao ang nasa loob—pero teka.

Napakurap ako at napalunok nang ibaling ang mga mata sa paligid ng bahay.

Wala na ang maraming multo na nakita ko rito kahapon. Wala na rin ang mabigat na pakiramdam na nagmumula sa negatibong enerhiya ng mga espiritong iyon.

Mukhang bigla silang naglaho mula sa bahay na ito. Na siyang kakaiba talaga. Kasi ang alam ko, kapag namalagi ang mga kaluluwa sa isang lugar ay hindi na sila umaalis pa doon. Pwera na lang kung natipuhan nilang sumama sa mga nakikiramay hanggang sa kanilang bahay. O hindi naman kaya'y may isang makapangyarihang espiritu ang nakapag-paalis sa kanila . . .

I heaved a deep breath as confusion started to dig unto my system. Pinili ko na lang na sundan sina Maru at Codi na ngayon ay kausap na ang magkapatid na Cuenco.

"Maraming salamat dahil nang dumating kayo ay hindi na talaga kami ginambala ng mga kaluluwa," panimula ni Kourine. Maaliwalas na ang kanyang mukha, 'di gaya ng kung papaano namin siya nadatnan kagabi.

"Wala na kasi kaming nararamdaman na kakaiba. Hindi na talaga mabigat sa amin ang manirahan sa bahay na ito. Ibang-iba talaga ito sa kung papaano kami unang nanirahan dito. Ito na nga yata ang pinakamagaan na gabi na naranasan namin dito, eh."

Maru and Codi talked to her more and I found myself wincing. There is really something odd here. Hindi ito basta-bastang mangyayari nang wala lang. The fastest calm after a storm is an impossible thing when it comes to ghosts. Kutob ko ay may isang nilalang ang maaring nasa likod lang nito.

Pero biglang kumunot ang noo ko nang bigla ay mapadako ang mga mata ko doon sa hagdanan. Mukhang nagkamali yata ako sa part na wala nang multo sa bahay na ito . . .

Mula kasi sa hagdanan ay may isang babaeng multo ang nakaupo. Nakauniporme siya. Basa ang kanyang buhok at puti lang ang makikita sa kanyang mga mata.

Oo.

Oo nga, siya iyong multo na gumigimbala sa akin ilang linggo na ang nakakaraan.

Pero bakit nandito ang ungas na 'to?

Ngayon ko lang tuloy naalala na hindi siya sumama sa akin hanggang sa bahay namin. Hindi na niya kasi ako ginambala pa hanggang sa humiga na ako sa kama na lagi niyang ginagawa.

Nagpaiwan ba ang isang ito dito?

Pero . . . bakit?

Napakamot na lang talaga ako sa batok at pinili na lang na maglibot sa buong bahay. Minsan talaga, napaka-overthinker ko.

Mula sa kabaong ay lumakad ako sa parte ng bahay kung saan may mga naka-display na pictures. Iniwanan ko na sina Maru at ang marites na si Codi na kanina pa binubusisi ang buhay ng dalawang magkapatid na Cuenco.

As I diverted my way towards the area where a ton of pictures can be seen, the first thing that I saw is a gigantic photo of a man and a lady. Sa hitsura ng larawan ay pupusta akong mula pa iyon sa 70's.

The man is wearing barong and the lady is with a yellow filipiñana dress. They are looking like a typical filipino. Pango. Hindi katangkaran. Kayumanggi ang balat.

Nilibot ko pa ang mga mata ko sa maliliit na pictures na nakapatong sa cabinet. Nasa baba lang ito ng malaking larawan.

The pictures where my gaze landed next is now recognizeable more. Family pictures ito ng Cuenco sisters. Nakita ko dito ang mga child pictures nina Kourine at Keira. But one photo really strucked on my mind. Ito ay ang larawan kung saan kumpleto silang pamilya.

Dito ay may babae at lalaki ang makikita. Malamang ay nanay at tatay nila iyon. May tatlong bata na kamukha nina Keira, Kourine at ang kanilang namatay na Ate. Pero ang nakakapagtaka dito ay iyong isang larawan. Makikita doon ang nanay at tatay nila pero may isang babae na nasa bandang bente anyos na yata ang edad ang nasa gitna nila.

At . . . mukhang pamilyar siya sa akin.

Para bang nakita ko na ang babaeng iyon ngunit hindi ko lang maalala kung saan at kailan . . . at kung papaano?

"Anong tinitingnan mo diyan, Kuya Jether?" Ang biglang sulpot ng boses ni Keira na kanina pa pala nasa tabi ko. Parang kabute amp.

"Here," tinuro ko ang larawan, "this girl looks familiar to me."

"Ah, si Ate Karina?"

Karina? I squinted my eyes. Even her name sounds familiar to me . . .

"Ka-ano ano mo siya?"

"Siya ang first child ng parents ko, Kuya. Maaga kasing nabuntis si Mama, as in, teenager pa lang siya ay may pamilya na siya."

Biglang nalungkot ang kanyang mukha, "but going back to Ate Karina, nawala siya nung saktong graduating student na siya," tumikhim ang babae samantalang ako naman ay natigilan, "alam mo ba, kuya? Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga alam nina Mama at Papa kung nasaan talaga si Ate Karina? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin talaga namin siya nakikita. Walang nakakaalam kung ano na ang nangyari sa kanya matapos ang araw kung kailan siya nawala."

Napalunok ako.

And then I blinked for a couple of times as a ton of ideas came to bug my mind.

"Anong taon siya nawala?"

"1994, kuya," ang mabilis na sagot naman ni Keira na siyang naging dahilan kung bakit para bang nawalan ako ng balanse.

Teka . . .

Malalim na hininga ang ginawa ko. Pinilit kong sinubukang pakalmahin ang sarili pero para bang nanghihina ang mga tuhod ko sa mga bagay na bigla kong nalaman.

Pero nagpatuloy lang si Keira, tila hindi nito halata ang pagkagulat sa mukha ko, "bakit, kuya? Kilala mo po ba si Ate Karina? O baka, kilala mo ang boyfriend niya? Si Kuya Franco?"

Doon na nanlaki ang mga mata. Tuluyan na akong natulala. Hanggang sa . . . hanggang sa nagpabalik-balik ang mga mata ko mula sa picture at doon sa babaeng multo na ngayon ay nakaupo sa hagdan . . .

Karina Cuenco.

Ang girlfriend ni Franco Balagtas na kasabay niyang nawala noong taong 1994.

But I totally lose it when slowly, I came to realize one thing.

I started to solve the seemed to be puzzle case of Karina Cuenco.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Now, I know why.

Ang multo na gumagambala sa akin ay kamukha ng babae sa picture, si Karina Cuenco. Ang multo na ito ay hawig na hawig talaga ng unang anak ng parents nina Keira.

What . . . a small world it really is . . .

Project Ghost HotlineWhere stories live. Discover now