Season 1: Episode 5

446 56 2
                                    

Tirik pa ang araw ng makababa na kami sa jeepney. Dahil kumakalam na ang mga sikmura, minabuti kong dumaan muna kami sa bahay namin para magtanghalian. Wala namang tao sa bahay. Parehong may trabaho ang parents ko kaya't hindi nila ako mapapagalitan sakaling malaman nilang nag-cutting ako.

Isang malakas na dighal muna ang pinakawalan ni Codi bago magsalita. Dugyot talaga ang isang 'to. "So, how are we going to find Franco's house?"

"We have our mouth, so most prolly by asking questions to the neighborhood?" I sarcastically smiled at him. Maru laughed while Codi scowled.

"But seriously, magkakamag-anak kasi ang mga tao rito. Isang tumpok ito ng mga malalayong magkakamag-anak. Sigurado akong kilala nila ang hinahanap natin."

That is a fact. Katunayan niyan, nahihilo na ako sa koneksyon ng pamilya namin sa ibang mga taga-rito. Sabi kasi nina Mommy, may mga third cousins daw ako rito. May lolo sa talampakan pa nga raw. Kahit isang beses ay hindi ko sila nakita-—or maybe, nakita ko na pero hindi ko lang talaga matandaan. Sa gulo at lawak ba naman ng family tree namin, tinamad na akong magkaroon ng pakialam.

Mahalaga, buhay. 'Yon lang 'yon.

"Alright, sabi mo eh." Codi's tone is sarcastic.

That was the moment we started our agenda for today. Nagbahay-bahay na kami. Minabuti naming mag-focus sa barangay proper keysa sa mga subdivisions. 1994 pa kasi nang tumira dito sina Franco, wala pang mga subdivisions noon. Paniguradong isa ang pamilya niya sa mga unang pamilya na nanirahan sa barangay namin.

"Franco Balagtas?" Ang tanong sa amin ng isang matandaang babae. For what I can observe, she's on her late 60's already.

"Opo," ang pagtango naman ni Maru.

"Ito ba iyong binatang nawala bago mag-graduation sa kanilang Unibersidad?"

Napangiti ako. Yes, Lola. Fucking yes. That was the moment I knew, we are so close to solving this paranormal case.

"Opo, lola. Iyon na nga po." Maru answered again.

"Ah, pamangkin ko iyon mga hijo." Ang sambit ng matanda na siyang nakapagpalawak ng ngiti ko pa lalo. "Ano bang maitutulong ko sa inyo?"

Doon ay natigilan kami. Anong isasagot namin sa kanya? Na nag-iimbestiga kami dahil ang pamangkin niya lang naman ay nagmumulto? Na kailangan naming malaman ang buong kwento ng kanyang pamangkin para patigilin na ito sa panggugulo sa aming professor?

Fuck, the last thing that I want to see is this granny having a heart attack infront of us . . .

"Ahm . . ." Maru seems trying hard to find a believable reason on the cabinet of his mind. But in the end, he only ended up with, "for the school project lang po, Lola."

Mabuti na lang at gullible si Lola. "Ah, oh sige. Ano bang gusto niyong malaman tungkol sa pagkawala ng pamangkin ko? Mukhang ako lang kasi ang mapagtatanungan niyo dahil wala na rito ang pamilya ni Franco. Lumipat na kasi sila sa malayong lugar."

We all nodded.

Then it was Codi's turn to be useful on our group. "Pwede niyo po bang sabihin sa amin ang buong kwento ng pagkawala ni Franco?"

Lola nodded. Umayos siya ng upo sa kanyang rocking chair. Tila ba bumubwelo pa dahil mukhang mahaba-habang laban ang kanyang kahaharapin. Kami namang tatlo ay animo kanyang mga apo. Umayos rin kami ng upo at naghintay sa ikwekwento ng matanda.

"Tandang tanda ko pa ang araw na iyon." Panimula ni Lola. "Araw ng Biyernes iyon. Noong umaga ay nakausap ko pa si Franco. Tinanong ko siya kung saan siya papunta. Bihis na bihis kasi. Mahiya mo dinilaan ng baka ang kanyang buhok sa dami ng gel na inilagay doon. Aniya, pupunta raw siya sa kaniyang Universidad para kunin ang graduation gown na isusuot niya kinabukasan."

Ngumiti si Lola na para bang nakikita niya sa mismong harap niya ang mismong senaryo na iyon. "Biniro ko pa nga ang batang iyon. Ani ko, baka kako pupunta lang siya sa kanyang kasintahan para makipag-date. Hindi kasi lingid sa aming kaalaman na nililigawan niya iyong thesis partner niya na si . . ." Tila ba nag-loading ang matanda.

"Karina," I shortly replied.

"Ay oo, si Karina. Kay ganda ng batang iyon. Minsan na siyang pinakilala sa amin ni Franco bilang kaibigan. Pero alam na alam ko. Kabisadong kabisado ko ang mga galawan nila. Sa pagtitig palang ay alam kong hindi lang sila magkaibigan."

The three of us stayed silent. Hinayaan lang naming magkwento nang magkwento ang matanda.

"Balik tayo sa kwento." Bahagyang natawa ang matanda.

"Dahil galante ang kapatid kong si Pepito, ama ni Franco, nagpatay siya ng isang baboy para ihanda sa graduation ng kanyang anak noon. Noong biyernes ding iyon, abala na ang buong pamilya namin. Tulong-tulong na kaming nagluluto para sa engrandeng pagsasalo kinabukasan."

Nagsimula nang mag-rock ang rocking chair. Lola's smile is now fading and I am not sure if I am ready for what she has to say next.

"Lahat kami ay masaya. May mga kumakanta sa videoke habang nagluluto. May mga nag-iinom na. Basta ang alam ko lang, lahat kami ay nagdidiwang na noong gabing iyon. Mabait kasing bata iyong si Franco. Lahat kami ay anak na ang turing sa kanya kaya sa kabilang banda, para na rin kaming magulang niya kung maging proud."

Nagulat kami nang biglang huminto ang rocking chair. Lumungkot ang mukha ng matanda. "Pero agad na napalitan ang saya namin ng kaba nang hindi umuwi si Franco sa nagdaan na magdamag. Hanggang sa lumipas na ang kanilang graduation, hindi na siya nagpakita pa."

Nagbuntonghininga ang matanda. "Agad naming idinulog iyon sa mga pulis. Doon namin nalaman na kasabay niyang nawala si Karina. Ani mga kaklase niya, huli daw nilang nakita ang dalawa sa,"

Kumunot ang noo ng matanda, "ano nga uli ang tawag sa building niyong mga mag-aaral na nag-aaral para maging doktor ng mga hayop?"

"Animal Science building po," sagot ni Maru.

"Ayon, tama ka hijo. Iyan 'yon."

AnSci building? Iyon ang dulo ng St. Chesterino State University, ah? For what I know, abandonado na iyon ngayon.

"Hanggang ngayon, walang sino man sa amin ang nakakaalam kung nasaan na ang dalawang iyon. May mga nagsabi na baka nagtanan na raw ang dalawa pero duda ako. Mabait na bata si Franco at saka mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang. Ganoon rin si Karina. Kilala rin ng kanyang mga magulang si Franco bilang isang manliligaw pa lang."

Napabuntong-hininga na lang ako. Ito siguro ang rason kung bakit hindi pa makatawid si Franco. Humihingi pa siya ng hustisya. Paniguradong iyon ang dahilan kung bakit siya nanggugulo.

Dahil madaldal ang matanda ay mahigit isang oras kaming nakinig sa kanyang kwento. Marami pa siyang na-ikwento sa amin. Kagaya na lang niyong isang buong pamilya raw silang nagdikit ng mga poster sa daan. May pabuya pa nga raw silang nilagay pero sa huli ay naloko lang sila. Pati na rin iyong pagpunta nila sa mga morgue, nakakadiri raw. Nandiyan din iyong nag-away ang mga magulang ni Franco at Karina, nagsisihan sila na naging rason kung bakit nagkaroon ng lamat ang pag-asa nilang makita pa si Franco. Matapos daw kasi niyon ay unti-unti nang nawalan ng pag-asa sina Pepito at Virgilia. Iyon raw ang puntong unti-unti nilang tinanggap na wala na nga si Franco. Na baka namatay na nga raw ang binata.

"Maraming salamat ho, Lola. Malaki ho ang naitulong ninyo sa project namin." Maru politely smiled at the old woman.

"Walang ano man, hijo. Mag-iingat kayo sa pag-uwi, ha?" Sagot ng matanda.

Matapos niyon ay tuluyan na kaming nagpaalam. Tumanggi pa nga kami sa kanya nang alukin niya kaming kumain ng miryenda. Napaka-accomodating ni lola. Malawak ang ngiti sa aming mga labi nang makalabas na kami sa gate ng bahay.

"So, what's our next move?" Codi asked.

Maru is smiling with a hint of excitement. "Based from the story of Lola, huling nakita sina Karina at Franco sa AnSci building."

Mukhang alam ko na ang binabalak ng isang 'to . . .

"And?" Codi is still confused.

"I think, we need to perform the spirit of the glass there tonight." Maru answered and I smiled wide.

This is what I live for.

Project Ghost HotlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon