Season 1: Episode 14

433 43 11
                                    

Dinala na namin si Kourine sa isang ligtas na kwarto. Nang maihiga na namin siya ay pinakuha ko si Keira ng asin. Ipinalibot ko iyon sa kama ng babae.

"Will she be okay there?" tanong ni Keira. Ngayon ay nakatingin siya sa kanyang ate. Halata ang labis na pag-aalala.

"Yep, she will be okay there. Salt has that special power, it repels ghosts. Paniguradong hindi na malalapitan ng kahit na sinong espirito ang ate mo." I assured her.

Doon ay huminga siya nang malalim. Sa murang edad pa lang ay tiyak kong hindi niya kinakaya ang lahat ng nakita at naranasan niya sa nagdaang mga araw.

"For now, 'wag na 'wag ka munang papasok sa kwarto ng Ate Kharise mo," ani Maru, "we saw ghosts there. They might be the one who triggered your sisters to be exposed with the demonic spirits. Kayang-kaya rin nilang gawin iyon sa 'yo."

Matapos kasi naming lumabas sa kwartong iyon, tila bang pinipigilan kami niyong mga duguang madre. One of them tried to touch Maru only with the aim of stopping him from bringing Kourine outside. May mga sinasabi sila pero hindi ko maintindihan. It sounds latin.

Pero wala na silang nagawa nang makalabas na kami. Kanina ay nilagyan ko na rin ng sign ang pintuan na iyon. Pati na rin ang asin. Nilagay ko iyon sa pintuan as a warning for them.

"You know what, guys? Baba na tayo, oo. Baba na tayo." Codi mumbled.

Maya't-maya niyang hinahaplos ang kanyang braso. Tila ba siya nilalamig, marahil siguro dahil sa dalawang duguang lalaki na ngayon ay hinahawakan siya sa braso. Right now, they are whispering something on him but the fucker is too dumb to hear them.

"Ang creepy talaga, jusko!" Hindi na siya nakatiis, tumakbo na siya papalabas ng kwarto.

"Let's go," I laughed. Wala na kaming nagawa kung hindi ang sundan na lang ang prinsesa namin.

Habang naglalakad ay doon ko lang napansin ang mga naglulutangan na kaluluwa sa buong bahay. This house is crowded by active ghosts. Ang iba ay duguan, samantalang marami sa kanila ang putol ang iba't-bang bahagi ng katawan. Sa eksaktong lugar ba ito sila na-salvage dati?

They are walking back and forth. May mga segundo pa ngang tinitingnan nila ako. I pretended not to see them because if I do, chances are they might follow me nonstop. Yeah, just like that spirit of the obnoxious woman who is constantly following me these past few weeks.

"Bro, this house is not a fucking house for a human anymore," bulong sa akin ni Maru habang bumababa kami sa hagdan.

"Right, it seems to me that it was made for ghosts." Tumikhim ako. "Mas marami sila keysa sa mga taong nakatira dito. I will never live here."

"Same," Maru winced.

Nang makababa na kami ay nakaupo na si Codi sa sofa. Ang gago, mukhang nawala ang takot dahil sa ibinigay na pagkain ni Keira. Ngayon ay lamon kung lamon ang ungas. Hindi man lang makapag-alok.

"Kain muna kayo," Keira told us, itinuro niya iyong pagkain na nasa center table—sa tapat lang ni Codi.

"Sure, thank you." Maru joined Codi. Umupo na rin siya sa sofa at nagsimulang kumain.

Ako naman, naglakad ako patungo sa kabaong. I don't know but I have this weird excitement whenever I see corpses inside the coffin. Siguro dahil kahit papaano, doon maayos silang tingnan. Hindi katulad kapag naging multo na sila, kadalasan kasi ay kung hindi sila naaagnas, masangsang naman ang amoy nila.

Nang makita ko na ang bangkay ni Kharise ay para ba siyang payapang natutulog sa kabaong. She is wearing a white dress. Her lips are pink and her face is covered by thick makeup.

Project Ghost HotlineWhere stories live. Discover now